CHAPTER FOUR
-Dominic-
THE HELL is the problem of that asshole?
Napapikit ako sa inis habang iniinda ang sakit ng kaliwang braso ko dala ng pagkakadaplis ng kutsilyo ng siraulong 'yon sa 'kin ngayon-ngayon lang. Inis na inis ako dahil nasaktan niya 'ko nang walang kahirap-hirap. I mean oo, lumaban ako sa kaniya pero nalagyan niya naman ako ng sugat.
Panay ang pagmumura ko sa isip pati na rin sa bastardong lalaking 'yon. Holdaper siya at binalak niyang holdap-in 'yung kaklase kong bonsay as if he would get some useful things from her.
Well, I just saved my bonsai classmate from that man in black. I wasn't going to help her, but I'd be so rude if I didn't. Ito ang daan papuntang bahay and I was surprised to see her looking for help. Nakakainis.
Talagang hindi ko siya dapat na tulungan dahil una sa lahat, hindi ko siya kilala at nakakairita rin 'yung tingin niya sa 'kin kanina habang nasa room kami. But what should I do? Dito talaga ako dumadaan so I ought to help her. Isa pa, nasa 'kin ang cellphone niya dahil nga tanga siya at naiwanan niya ro'n sa classroom kanina.
I shouldn't give her damn phone, anyways.
Napahawak ako sa braso ko na dumudugo na ngayon. Nag-mantsa ang dugo no'n sa puti kong uniform kaya alam kong pag-uwi ko ay magtataka na naman ang mga kasama ko sa bahay, lalo na si Mommy na OA. I will not seek their help if so.
Huminga ako nang malalim at ginamit na lang ang kanang braso ko na ihawak sa manibela dahil masakit ang kabila. Simpleng daplis lang 'yon pero masakit talaga. Matagal na kasi akong hindi nasasaktan ng ganito na pisikalan kaya siguro nanibago rin ang katawan ko. Salamat sa bonsai na 'yon pati sa holdaper na hindi ko naman kilala pero naging dahilan pa kung bakit ako magkaka-peklat.
Pumasok ako sa bahay namin at naupo sa sofa. Kumirot kasi bigla 'yung braso ko kaya napahawak ako ro'n at nakapikit na tumingala sa sakit.
That man deserves a punishment for doing this to me.
Pinatulog ko ang lalaking 'yon para paggising niya ay matauhan na siya sa kabaliwang ginawa niya ro'n kay bonsai. Hapon na hapon tapos nangho-holdap siya? Kung hindi ba naman kasi siya tanga eh, di sana hindi pa siya nakita ng ibang tao. Iba na talaga ang mga tao ngayon sa Pilipinas.
Hindi ko rin isinakay 'yung babaeng kaklase ko sa kotse dahil hindi ko nga siya kilala at magtataka ang mga kasama ko kung dadalhin ko siya rito. Ewan ko kung ba't ako naiinis do'n. She did nothing to me, pero naiinis ako kapag naririnig ko siyang nagsasalita o tumatawa.
Binuhat ko lang siya at nilagay sa gilid ng kalsada para kung may makakita sa kaniya e tutulungan siya. Para sa 'kin ang OA no'n kasi nakita kong sinaktan lang siya ng lalaki pero nawalan agad siya ng malay. Hindi naman nangyayari ang gano'n sa totoong buhay, e. Ang drama no'n ni bonsai.
"Dominic, anong nangyari riyan sa braso mo't dumudugo?" Biglang sumulpot si Yaya Lilia at nagtataka akong tinignan.
She's my yaya since I was a kid until now. Sa lahat nga ng nandito sa bahay ay siya lang ang na-miss ko dahil siya ang nag-aalaga sa 'kin parati. Dinaig niya pa nga si Mommy kaya malapit din ako sa kaniya. Istrikta siya kapag matigas ang ulo ko kaya lagi ko na lang siyang sinusunod. If there's one person in my family I absolutely love, it's my yaya. If others treat me like trash, I shouldn't see them as my family.
"Wala to, 'ya. I just had a fight with somone boring." Nakapikit pa rin na sagot ko dahil nakaramdam din ako ng pagod sa school kanina.
"Naku naman oo," singhal niya't kinuha ang bag ko sa likuran. "Kukuha lamang ako ng mga pamahid sa clinic nang magamot ko iyang sugat mo't makapag-pahinga ka na sa kwarto mo."
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?