CHAPTER FOURTEEN
-Jade-
"THANK YOU for listening. I hope you understand all of that. Thank you, Miss." Nakangiting paalam ni Rence nang dumungaw siya sa pintuan ng classroom.
"Bye-bye!" Kumaway ako sa kaniya kaya napatingin siya sa 'kin at nginitian bago umalis ng room.
Ang gwapo niya talaga. Hehehe.
v^.^v
Pakiramdam ko libo-libong bulate ang naglilikot sa loob ng tiyan ko nang ngitian ako ni Rence kanina at ngayon. Simpleng ngiti lang naman niya 'yon tapos parang ang saya ko na at kinikilig. Ang saya ko tuloy kasi feeling ko sobrang swerte ko na kapag nginitian ako ng kagaya ni Rence na anghel sa kagwapuhan.
Mabuting bagay na lang talaga 'yong kaibigan ko siya at siya ang presidente ng council kaya kapag may announcement e nakikita ko siya dito sa room. Hehe.
"Jade, are you okay? Ba't ka nakangiti diyan mag-isa?" Nakaw-pansin sa 'kin ni Zilthea na kinalabit pa 'ko. Tuloy ay napapitlag ako't napatingin nang di-oras sa kaniya.
"Ah. Wala lang naman, hehe. May naiisip lang kasi akong hindi naman importante." Nagkukunyaring sagot ko at napakamot ng ulo. Baka kasi tumawa siya 'pag sinabi ko sa kaniya na dahil sa pinsan niya kung bakit ba 'ko nakangiti na parang baliw. At hindi ko rin naman 'yon sasabihin sa kaniya 'yun, 'no. Baka asarin niya lang ako, e.
"Okay. You're weird, huh."
"Jade. Ilang taon ka na?" Biglang tanong ng Bryle sa 'kin na hindi naman nakangisi. Sa halip ay parang interesado pa at feeling close.
"P'wede ba? H'wag ang kaibigan ko at h'wag kang lumapit nang ganiyan. Feeling close ka alam mo ba?" Angil ni Thea na masama ang tingin sa katabi.
Saka lang ito ngumisi. "I'm just asking, my love. Don't be jealous of your friend. Hmm?"
"Says who, jerk?"
Napalabi si Bryle nang irapan siya ng kaibigan ko at tumayo para lumabas ng classroom. Siguro ayaw niya lang talagang makipag-usap sa katabi niyang gwapo pero parang manyak. Sinasabihan niya kasing manyak kanina si Bryle, e. Mukha ngang manyak pero mukhang hindi rin naman. Baka gusto lang talaga siya kaya gano'n. Bagay nga silang dalawa kaso bawal kong sabihin sa kaniya dahil baka magalit siya sa 'kin.
Kunot-noong tinignan ko si Bryle na mukhang hopiang isda ngayon kasi nilayasan siya ng kaibigan ko. Kawawa naman siyang lalaki. Pero ayos lang 'yon kasi may gano'n naman talaga. Sa una lang sila hindi magkakasundo pero magkaka-inlove-an din naman. Hahaha.
"Ilang taon ka na ulit, Jade?" Tanong nito sa 'kin na mukhang interesado talaga. Hindi naman ako sanay makipag-usap sa mga gaya niya kasi nga ayaw sa kaniya ng kaibigan ko. Pero kahit mukha siyang loko-loko mukhang mabait pa rin siya.
"18," tipid na sagot ko. "Ba't mo tinatanong?"
"Kaano-ano mo 'yung Mendez do'n sa kabilang school?"
"Sa'ng school?"
"Sa PU."
"Kapatid ko siya. Bakit? Kilala mo ba siya?"
Nakangisi siyang tumango. "Naging magkakampi kami dati sa basketball dito sa Cavite. Magaling akong maglaro pero mas magaling pala siya. Tsaka ang tangkad niya, 'no? Parang hindi kayo magkapatid."
Napasimangot ako. "Magaling talaga siyang maglaro no'n. Pero 'di mo naman ako kailangang asarin."
"Pfft. Nagsasabi lang naman ako ng totoo," matawa-tawa niyang sabi at ngumisi ulit. "Jade. May partner ka na sa acquaintance party sa sabado?"
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?