"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Mia? Sinabi nang paglalaruan ka lang ng Dylan na 'yon! Sugod ka pa rin ng sugod, tanga ka ba?" pangaral ni Gundinah also known as Dinah. "Durog na nga ang puso mo pati kiffy mo, beh."
Sumisingot si Mia o si Maria Constancia. "I am so crazy about him. Alam n'yo na naman crush ko na siya since grade one," maarteng pahayag ng babae na walang tigil ang pagsingot ng sipon. Namumula na ang ilong at kanina pa nagngangawa nang malaman niya na may bagong kinakalantari ang boyfriend niyang si Dylan.
"Beh, sa simula pa lang alam mo nang fuck boy 'yang crush mo. Kaunting smile lang ng Dylan na 'yon eh namamasa na agad 'yang kiffy mo!" Halos bubula ang bibig ni Dinah sa pagpangaral kay Mia. "Anong gagawin natin ngayon?" Binalingan ako ni Dinah ngunit hindi ko pinansin at abala ako sa pagsko-scroll ng TikTok. " Hoy, Violet!" Gigil na bigkas ni Dinah sa pangalan ko.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko. Matamlay na nilingon ko ang direksiyon ng dalawa kong kaibigan. "What do want me to do?" Inihilig ko ang likod sa konkretong pillar sa pasilyo ng gusali.
"Minsan talaga napa-isip ako kung kaibigan ka ba namin. Damayan mo naman kami dito, beh," pilit ni Dinah sa akin. Ta's hinahagod hagod niya ang likod ni Mia upang patahanin sa pag-iyak.
"Ano nga ang gusto n'yong gawin ko? Umiyak din?" Muli ko na tinuon ang mata sa nakabukas ng cellphone.
"Violet!" singhal ni Dinah sabay na pinandilatan ako.
"Ano nga, what's the point of crying? Eh sinuko mo na ang Bataan, Mia. Alangan naman na pupunta pa tayo sa doctor para ipatahi iyang kiffy mo." Pinandilatan ko si Mia na sa sandaling ito yumuko at hindi makatingin sa akin.
Napasingasing si Dinah sa binitawan ko na pangungusap." Violet tanga mo! Hindi naman ang kiffy ni Mia ang problema rito eh-"
"Eh, ano nga."
"Ang puso niya, beh. Durog na durog, beh dahil sa Dylan na 'yon!" Bulyaw ni Dinah na tumilansik pa ang laway.
"It's just puppy love. Iiyak mo na lang iyan pag-uwi mo mamaya-"
"Violet!" Ibig mapugto ang ugat sa leeg ni Dinah sa pagtitimpi. "Alam mo wala ka talagang ambag sa friendship na 'to eh, Violet?"
"Ano nga ang gusto mong gawin ko?"
"Ipaghihigante mo si Mia, seduce Dylan then paasahin mo!"
"Bakit ako?"
"Alangan naman ako?" bali ni Dinah na ikinatigil namin ni Mia. Kapwa kami ni Mia napasuyod kay Dinah. Sa halip na umiyak ay napangiti si Mia.
Dinah o Gundinah Alfonso from her name itself na mas matanda pa sa aking mga ancestor, ang dalaga ay napakaold-fashioned at plus-size. May angking ganda rin naman, iyong tama lang. Si Mia, from her name itself na Maria Constancia dela Cruz ay napaka-Maria Clara; maganda at may inosenteng mukha, mahinhin ngunit madaling ma-scam. Kindatan lang sasama agad. And here I am Violet Ramirez known as bitch in the campus. I am bratty, self-centered, pasaway na malandi. Siguro lahat ng mga hindi magandang katangian ay binansag na sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...