No definite Reason

791 14 5
                                    

Eight years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eight years ago...

"Dinah, sandali!" Malalaki ang hakbang ni Henrick na hinabol ang kababata niya papasok sa loob ng malawak na bakuran. "Dinah-"

Bago pa natapos ni Henrick ang sasabihin ay isang malakas na sampal ang lumagapak sa kanang pisngi niya.

"B-Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na kayo na pala ni Violet!?" nanginginig na singhal ni Dinah. "Tang-ina! Pinagmukha n'yo akong tanga!"

"Hindi ko obligadong sabihin sa'yo ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, Dinah," matabang na sagot ng binata. "Hindi mo naman ako kaano-ano," may pait ang tono ng boses ng binata.

"K-Kaibigan n'yo ko, Henrick... kaibigan mo 'ko... may pinagsamahan tayo. Pinagmukha n'yo akong tanga. Tang-ina! I was thrilled to share with her that we are going to get married a year from now. Putang-ina!"

"Dinah, I am not giving you hope. Pinaunlakan ko lang ang imbitasyon ng mommy mo."

Isang mapait na tawa ang pinakawala ni Dinah kasama niyon ang pangingislap ng kanyang mga mata. "Pinaunlakan mo dahil may utang na loob ka kay daddy? Ganoon ba?"

Hindi sumagot si Henrick at piniling manahimik.

"Henrick, sa tanang buhay ko nasa sayo lang ang atensiyon ko. Sa simula pa lang alam mo nang gusto na kita. I confessed my feelings. Kahit wala akong nakuhang sagot I am hoping." Nanginginig ang baba ni Dinah na deklara. Tuluyan niyang pinakawala ang luha. "All my life wala akong ibang ginusto ikaw lang. I once pretended we were strangers because that's what you wanted."

Ngumiti si Henrick ng mapait. "I was an outcast and nobody wants me. Ayokong mapahiya ka sa mga kaibigan mo," giit ng binata. " Isa pa hindi ko naman hinihingi ang atensiyon mo."

"Tang-ina! Umasa ako, eh. You treated me so well. Ang bait bait mo sa 'kin sa labas ng paaralan. Tinutulungan mo pa ako sa assignment ko. Naging delulu ako't umaasa na gusto mo rin ako. Sa huli... hindi ko napansin na may girlfriend ka na pala, putang ina!"

"Dinah-"

"Sa lahat nang pwede mong gustuhin ang kaibigan ko pa talaga. Pinamukha n'yo akong tanga! Ginago n'yo ako, putang-ina! I hate her for being pretentious and inconsiderate!"

"H'wag mong pagsalitaan si Violet ng ganyan, Dinah. Humahanap lang kami ng tamang oras upang sabihin sa'yo-"

Nagpakawala si Dinah ng palatak na tawa. "Kahit na kaibigan ko pa siya wala akong pakialam! Ginawa n'yo pa rin akong tanga! Totoo talaga na malandi siya!"

"Dinah, please!"

"Handa akong kalimutan si Violet dahil ganoon kita kagusto! At wala akong paki-alam kung siya pa ang gusto mo! Matutuloy at matutuloy ang kasal. Wala akong paki-alam sa mararamdaman n'yo!"

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon