Madiin akong napakagat labi. Kung hindi sa akin hindi mapaparusahan si Henrick. Tahimik lang itong sumunod sa utos ng guro. Nag-push-up sa isang sulok ng gym.
"Ano ba kasi ang nangyari?" pabulong na tanong ni Mia. "Di ba magkasabay kayong dumating kanina?"
"Malay ko." Nakanguso na nakatuon ang aking mata kay Henrick na nagpu-push up. His veins surge as he bends his arms.
He isn't really lampa. In fact, normal ang pangangatawan ng lalaki. Hindi gaya ng mga nasa movie na pino-portray nila na nerd.
"H'wag kang magsisinungaling, beh. Ang laki ng apelyidong Russell sa likod mo!" Patuloy pa rin ni Mia na bumulong. "Malilintikan ka talaga kay Dinah, kapag napansin iyang t-shirt na suot mo—" hindi na natapos ni Mia ang sasabihin nang magsalita si Dinah sa likuran namin.
"Now, anong nangyari? Sabihin mo, Violet you owe an explaination!" Nakatuon ang mata ni Dinah sa apelyido ni Henrick sa likod ng t-shirt na suot ko.
Isang pekeng ngiti ang ginuhit ko sa labi. Napabuntong hininga ako. "Pinahiram niya sa'kin-"
"At bakit?" Pinandilatan ako ni Dinah.
"Naiwan ko ang akin sa bahay. Sinaway niya ako't pinahiram na lang niya sa 'kin 'tong t-shirt niya," kuwento ko sa mga kaibigan.
"Iyon lang ba talaga? Wala nang iba?" May pagdududa ang titig ang binato ni Dinah sa akin.
"What else could it be, Dinah? My God, he isn't my type TBH! Nagmamagandang loob lang iyong nerd mong crush!" Pinandilatan ko siya.
Napangiti si Dinah na tila lumutang sa alapaap. "He is so kind," hiyaw pa niya na tinapunan ng malagkit na tingin ang Student Council President na pawis na pawis. Katatapos lang ng punishments.
"Buy him a drinks, Dinah," mungkahi ni Mia kay Dinah.
"Oh, that's a good idea, beh." Daling tumalima ni Dinah. Sinamahan namin ang babae sa vending machine upang bumili ng maiinom. Subalit pagbalik namin ay wala na roon si Henrick. Ang mga kaklase na lang naming iba na naglalaro ng ball game. Wala na rin si Mr. Maligon.
"Ano ba 'yan di man lang ako pinagpawisan," reklamo ni Mia nang wala kaming napala sa P.E class.
Inuna ni Mr. Maligon ang activities ng boys at naubusan na kami ng oras.
"Sa 'yo na nga 'yan." Padabog na binigay ni Dinah sa akin ang orange juice na binili namin kanina na para sana sa crush niya.
***
"Nana, matutuyo po ba 'to ngayon din?" Nakatuon ang mata ko sa P.E tshirt na nasa loob ng dryer."Bakit ba atat na atat ka?"
"Eh, kailangan ko po iyang isauli mamaya."
"Di ba pwedeng bukas na lang?"
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...