Fiery

291 10 0
                                    

Sobrang lakas na buntong hininga ang pinakawala ni Dinah.

"Ano bang problema mo, beh iyong bangs ko nagkakagulo dahil diyan sa hininga mong parang ipu-ipo!" saway ni Mia na inayos ang bangs.

Nginuso ko lang ang labi sa nakatuon ang mata sa aking cellphone na nakabukas. Lunch break at namamahinga kami sa ilalim ng malaking puno.

"Sino naman ang hindi mapapabuntong hininga, beh. Hindi ko nakita ang crush ko today, it isn't giving!" Matamlay na ginala ni Dinah ang mata sa paligid. Muli na naman siyang napabuntong hininga. "Bakit kaya umabsent si Mr. President?"

Pagkadinig ko sa tanong ni Dinah, hindi ko malaman at nanlumo ako. Ano kaya ang nangyari? Bakit hindi ito nakapasok?

"Ang lungkot ng kiffy ko, beh." Pahabol pa na biro ni Dinah na kinahalakhak ni Mia. "Anyway, how's your date last Saturday, is it giving?" bukas ni Dinah na tumingin sa direksyon ko.

Nagkibit-balikat ako. "Well, sinagot ko siya, titingnan natin kung hanggang saan aabot ang Dylan na 'yon."

"Make him suffer, beh!"

"Basta kahit anong mangyari, h'wag ka ng makipag-ayos kay Dylan at masasayang ang effort ko dito, Mia!" Pinandilatan ko ang kaibigan.

"Oo, na. Ang importante makaganti ako sa kanya."

***
"Beh, si Dylan!" bulong ni Dinah nang namataan ang lalaking papalapit sa direksiyon namin. Mabuti na lang at wala si Mia at kanina pa naka-uwi.

Dylan is definitely a fuck boy. Alam nito na kaibigan ko ang ex-girlfriend niya pero hindi pa rin umatras.

"Beh, sa gate na ako maghihintay kay mommy," paalam nito na umatras.

Nanlumo ako bigla nang marinig ko kung sino ang sundo ni Dinah. She came from rich clan. Ang pinagka-iba nga lang her parents married because of love.

Tumango lang ako kay Dinah na sinundan ito ng tingin.

"Hi," bungad ni Dylan na tuluyang makalapit. Nakangiti siya na pinasadahan ako ng titig. Lumitaw ang maliit niyang biloy sa pisngi. "Papauwi ka na?"

"Yeah, hinihintay ko ang sundo ko."

"I can offer you a ride, Violet."

"Okey lang ako Dylan-"

"I am your boyfriend now, let me give you a ride," pagpumilit niya.

I have to play along. Kontra man sa loob ay pumayag ako. Tumawag na rin ako sa bahay upang ipaalam na makisakay ako sa kaklase ko.

Sakay ang mamahaling kotse ni Dylan ay nilisan namin ang University. Gaya ng inaasahan ko ay hindi ako hinatid ng lalaki sa bahay kundi natagpuan ko ang sarili sa harap ng matayog na gusali.

"Dylan-" pigil ko sa lalaki nang akma niyang buksan ng pinto ng kotse.

"Relax, gusto lang kita bigyan ka ng oras bilang girlfriend ko, Violet." Inabot niya ang panga ko at kinintalan ng halik ang aking pisngi.

"Hindi naman kailangan dito pa sa condo mo, Dylan-"

"But this is the only place I know na walang distorbo. I can serve you, give you princess treatment-"

"Like what?" Nakataas ang kilay na pinasadahan ko siya ng tingin.

Nagpinta siya ng makahulugang ngiti sa labi. "I can cook for you, manonood tayo ng Netflix-"

"I don't need all of that, Dylan."

"I am your boyfriend now, Violet. You left me at the restaurant last Saturday. Give me a favor instead."

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon