Touch Me!

373 7 0
                                    

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumunod na lumabas ng silid-aralan. Nakita ko sa unahan si Henrick. Malalaki ang aking hakbang na hinabol ang lalaki. Hindi nanghingi ng pahintulot ay dinakma ko ang braso niya.

Isang gulat ang bumakas sa hitsura ng binata sa ginawa ko. Kinaladkad ko siya. Sa halip na tumutol ay walang namutawing salita sa bibig niya. Kusa siyang sumunod sa akin. Dinala ko siya sa clinic.

"Nurse, Ethan?" Pumasok kami sa loob pero wala si Nurse Ethan doon. "Ma-upo ka." Pina-upo ko siya sa isang nakalaan na single na kama. Walang permisong pinaghahalungkat ko ang cabinet ng clinic.

Sinusundan lang niya ako ng tingin. Tahimik lang siyang nakamata sa bawat kilos ko na ibig ko na lang mawala sa konsentrasiyon. Hinarap ko siyang muli na pinilit kalapin ang kompiyansa ko sa sarili.

Hawak ko ang ilang gamot para sa mga sugat. Maingat akong yumuko upang maabot ang nasaktang mukha ng binata. Inangat ko ang daliri, inabot at tinanggal ang basag niyang salamin.

Pigil hiningang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Mula sa liwanag na nanggagaling sa siwang ng french window ng silid ay malinaw na nababanaag ko ang kanyang hitsura.

Henrick Russell is quite handsome. He has Xanadu-like eyes, and they were very tantalizing. He has a tanned skin. Makinis ang pisngi. May katamtamang tangos ng ilong. Ang buhok niya ay alon-alon na kay sarap paglandasin ang daliri roon.

Mariin kong napatikom ang labi sa sumagi sa isip ko. Saka ko lang namamalayan na mataman pala siyang nakatitig sa mukha ko. Dali akong nagbawi. Tumikhim ako upang alisin ang tensyon na bumalot sa buong silid.

"Hindi ko hinihinging iligtas mo 'ko." Nilangkapan ko ng lamig ang boses. Nag-iwas ako ng tingin upang abutin ang bulak na may betadine.

"Then, you will let that jerk do that shit against your will, huh?" Hindi niya hiniwalay ang mata sa akin. Mas tiningala pa niya ako mula sa pagkaka-upo sa kama.

Napalunok ako sa narinig. "H-He's my boyfriend," depensa ko na maingat na dinampi ang gamot sa sugatan niyang labi.

Nalukot niya ang gwapong mukha pero pinigil niyang huwag mapadaing. "Ex-boyfriend!" pagtatama niya.

"Yeah, e-ex-boyfriend," nabubulol ko na sang-ayon na pinagpatuloy ang pagdampi ng bulak sa pumutok niyang labi.

"Bakit mo ba hinayaang tratuhin ka ng ganoon-"

"Buhay ko 'to, Mr. President!"

"But they will take advantage of you-"

"Wala ka nang pakialam doon!" singhal ko na diniin ang bulak sa galos niya. I heard him groan. "Isa pa, I am capable of protecting myself, Mr. President!"

Mahinang tawa ang pinakawala niya mula sa narinig. "Capable of protecting yourself?" Naging mabilis ang kilos niyang hagipin ang balakang ko. Awtomatikong pina-upo niya ako sa kanyang kandungan kung paano nangyari ay wala akong matandaan sa sobrang bilis. His both palms landed to my waist. We were really close that I can smell his expensive masculine cologne mix with cigarette's aroma.

"H-Henrick!" Pumiyok ang boses ko na nakipagtagisan ng titig sa binata. Hindi ko namamalayan na kusa ako na napahawak sa malalapad niyang balikat para suportahan ang aking nangangatog na tuhod.

"Hanggang kailan mo sila hahayaang hawakan ka ng ganito?" Napakalalim ng boses niya na nakakapanayo ng balahibo sa batok. Malaya niyang pinagmamasahe ang maliit ko na beywang pababa hanggang dumapo iyon sa aking pang-upo. He put tiny pressure on it. Dama ko ang pagbaon ng mahahabang daliri niya doon kasabay ang pagpakawala niya ng mahinang ungol.

"I let them touch me. Yes. Pero hanggang doon lang iyon." A tiny moan escaped my throat because of the sensations running through my nerves.

"I don't like that idea, Violet." He straightened up. Reached my cheeks and caressed it gently. His eyes stopped on my parted lips. He gulped.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon