Wall to Climb

805 14 4
                                    

Maingat na nilapag ni Henrick ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maingat na nilapag ni Henrick ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa. "Aside from this contract, is everything else in the office under control?" tanong niya sa kanyang sekretarya na si Dinah. Ilang araw siyang hindi pumasok sa opisina.

"Yes, sir." Dinah professionally answered. Inabot ng babae ang mga papeles saka sinilid sa brown envelope.

Matapos niyang maipawalang bisa ang karapatan ng dalaga bilang nag-iisang tagapagmana sa Alfonso Entertainment ay kinuha niya ito bilang sekretarya. Walang naiwan sa pamilya Alfonso maliban sa bahay na ngayon ay naipundar na rin sa iba.

"Maaari ka nang umalis, tatawagan mo na lang ako kapag kailangan. Ayokong masayang ang oras ko kapag di man lang importante," matabang na paalala niya. Pasimpleng sumulyap siya sa malawak na bakuran ng rest house na pag-aari nina Veronica at Emmanuel.

"Henrick!" mapangahas na sambit ni Dinah sa pangalan ni Henrick na kinatigil ng binata.

Nagtatanong na titig ang binato ni Henrick sa kanyang sekretarya na sa sandaling ito'y nakatuon din ang mga mata kina Violet at Kiaro na kanina pa nagtampisaw sa pool sa ibaba.

"Can I have some drinks, please?"

Nagkibit-balikat ang binata. He rose from the metal chair on the balcony with lethargy. "Juice?"

Umiling ang babae na hindi nilubayan ng tingin ang dalawang panauhin sa ibaba. "A sip of champagne would be great," pagdedemanda ng babae.

"Sure." Tumalikod siya't iniwan si Dinah.

Isang minuto ang nakakaraan ay bumalik si Henrick na bitbit ang dalawang kopita at isang bote ng Don Perignon Gold. Umupo siyang muli sa tapat ni Dinah. Kampanteng nagsalin siya ng alak sa kopita saka nilahad sa babae. Nagsalin rin siya para sa sarili.

"Cheers?" saad ni Dinah na may mapait na ngiti sa labi.

Tumalima siya at tipid na ngumiti saka nilagok ang alak habang ang mga mata ay nandoon kay Violet na masayang nagtampisaw sa tubig. Wearing her beautiful and sexy black bikini.

Gaya ng dati ang babae ay walang pinagbago. Kung gaano man ito kaganda sa mga mata niya noon ay ganoon pa rin ito ngayon.

Violet had a face that was innocent yet alluring, the epitome of perfection. Her hair was as soft as silk, her skin as tender as a petal. Her eyes provided a haven, a source of comfort. Her beauty made the billboard models seem like insubstantial illusions; she was real and tangible. This kind of beauty is unaffected by time; it just is. When he saw her, he knew it was love.

"That was my girl, there! It was her before she was mine and it was her all of her days," bulong ni Henrick sa loob. Kusa niyang inubos ang laman ng baso na hindi hiniwalayan ng tingin ang dalaga sa di-kalayuan.

"I wish you would look at me the way you look at her, Henrick," pukaw ni Dinah na binalingan siya.

Sinundan ng babae ang mata niya na nakatuon kay Violet. Si Violet ang babae na minsan ay naging kanya.

Ngumiti ang binata. Hindi niya pa rin nilubayan si Violet ng tingin. "You know that I can't, Dinah."

"I-I know wala naman ako sa kalingkingan niya, eh." Pilit na ngumiti si Dinah na sinimsim ang champagne na hawak. "Pero umaasa pa rin ako na tingnan mo ako kahit na alam ko sa sarili ko na malabong mangyari iyon." Nagpakawala si Dinah na malutong na tawa kasama ang pangingislap na kanyang mga mata.

"I'm sorry, Dinah."

"Tanang buhay ko isang lalaki lang ang minahal ko pero hindi ko pa makuha-kuha, tang-ina!" Pinilit ng babae na hindi gumaralgal ang boses. Pasimpleng pinahid niya ang munting luha na tumakas. "I wanted to despise you, Henrick, for taking everything from me, but I can't. I do hate her for making you fall in love with her... And I hate myself for being so selfish... for not considering her feelings back then."

"Kung pwede lang sanang turuan ko ang puso ko na mahalin ka, pero wala eh. My eyes were only for her." Masuyong sinulyapan ni Henrick si Violet.

"Lucky her." Nilagok ni Dinah ang natirang alak sa kopita at muling nagsalin.

"I reclaimed what was taken to give her the life she deserves, yet she remains out of reach. She seems so distant. Kahit hibla ng buhok niya ay hirap akong maabot, Dinah," puno ng pait ang boses ni Henrick.

Ngumiti si Dinah. "Dapat ba akong magsaya sa narinig? Hindi kita makuha-kuha, Henrick and here you are, also struggling to reach the woman you dream of."

"Who said that I've given up on her?" Nanghahamon ang mata ng binata na tinititigan si Dinah. "Oo, nasaktan ko siya pero babawi ako."

"Uupo ka lang ba dito at hahayaan siyang masaya sa iba? Hahayaan mo na lang ba ang sakripisyo mo ay mapunta sa wala. Panoorin mo na lang ba siya sa malayo?"

From their seats, they can hear Violet's sweet, melodic screams accompanied by bursts of laughter.

"I don't know where to start, Dinah," puno ng pait na turan ng binata na nilagok ang alak sa kopita.

"You better get her before someone else does. That guy over there is a threat, Henrick." Nakatuon ang mata ni Dinah kay Kiaro.

Jealousy flickered across Henrick's face as he watched Kiaro casting seductive glances at Violet. The man casually touched her, while he could only observe from a distance, touching her only in his fucking dreams, loving her like an unseen presence.

He spent years longing for a reunion, yet she remained beyond his reach. May matayog na bakod na nakapagitna sa kanila na hirap na hirap siyang akyatin.

"Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba, Dinah kung kailangan kong akyatin ang bakod na nakapagitan sa'min ay gagawin ko... kahit gaano man iyon kahirap o katayog ay aabotin ko makuha ko lang muli ang babaeng pangarap ko," positibong saad niya.

Malalim na napahugot si Dinah ng hangin saka binuga. "I accept that I have lost, I suppose. However, I don't wish you luck. I also don't want to stop you from doing what you want... it's up to you now, Henrick." Nilagok ng babae ang panghulihang patak ng alak sa baso. Sumusukong Tumayo siya mula sa pagkaka-upo. "Do you mind if I take a nap before I leave?"

"Help yourself."

"Thanks." She took off her cardigan and went straight to his bed.

" She took off her cardigan and went straight to his bed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hi, di tinamad..

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon