Sa isang linggong pamamahinga ko mula sa pagkasuspende ko sa klase ay hindi man lang naging productive ang araw ko. Kung hindi man ako makakarinig ng pagtatalo sa magulang ko ay wala ring mapupuntahan ang pamamalagi ko sa bahay.
Mas lalong nagulo ang utak ko't inunahan ako ni Dylan magpost sa twitter patungkol sa hiwalayan namin na kinagulantang ng SCU community (San Carlos University).
*Siguradong laspag kaya hiniwalayan!
**Di nga!
*sino naman ang hindi lalaspag kung sino-sino na lang!
**Aanhin mo ang ganda kung laspag na!
*Hwag kayo manghusga hindi n'yo kilala si Violet!
*Kung makapagsabing laspag, ano kayo? Mga walang modo!
Napangiti ako ng mapakla sa bumungad sa akin na mga comments ng ilang estudyante. Matamlay ko na lang na nilapag ang cellphone at hinayaan na lang iyon. Isa pa ganoon naman talaga ang tingin ng tao sa akin. Inayos ko ang sarili at nilisan ko ang bahay na hindi ko alam ang patutunguhan.
Tumawag sina Mia at Dinah nang mabasa ang post at pilit akong inaalo.
"Don't worry, Dinah sanay na ako sa mga ganyan."
"Ayaw mong edepensa sarili mo?" giit ni Dinah sa kabilang linya. " Nasasaktan ako para sa 'yo, beh-"
"Okay lang. Sino ba naman sila para pagtuonan ko ng napansin. Nandiyan naman kayo ni Mia na alam ang tunay na ako."
Kanina pa kasi sina Mia at Dinah na narereply at depensahan ako online. "Oo, naman kahit na anong mangyari kami talaga ang unang susugod para sa'yo!"
"Beh, ako talaga ang masisisi dito nang dahil kay Dylan."
"Ano ka ba, sigurado akong galit na galit ang lalaking iyon at hindi nakuha ang gusto niya." Umismid si Dinah.
"Tama, beh."
"Gusto mo gantihan natin ng post?"
"H'wag na."
"Oo nga pala, wala ka bang ginagawa riyan? Abala ka ba? Gusto mo punta ka dito sa resort namin may family gathering dito, beh," turan ni Mia sa video call namin.
Napatikom ko ang labi. Hindi ko mapigilang managhili kay Mia. "O-Okay lang, beh. Sige enjoy mo muna sarili mo riyan, kita kits na lang tayo bukas." Iyon lang at ini-end call ko na ang group call namin. Matamlay na nilihis ko ang direksiyon sa kung saan. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili sa convenience store na tinutungga ang paborito ko na orange juice. Nakatanaw sa kawalan na animo'y walang makaka-abot.
Isang tikhim ang nagpagising sa aking diwa. Ta's lumangitngit ang bakal na silya sa tabi ko. Matamlay ko na binaling ang sarili sa panauhin. Sa inaasahan ay si Henrick ang bumungad sa aking mga mata. Tahimik siyang naupo sa tapat ko. Walang salamin sa mata. Kagagaling lang sa part-time job.
Wala akong mahanap na salita sa labi. Pinili ko na lang na manahimik. Akma ko na abotin ang bote ng juice nang sinulyapan niya ako. Bumaba ang mata niya sa orange juice.
Napatikom ko ang labi nang maalala ko ang pangtanggi ko dito nang binigyan niya ako ng juice noong isang araw. "This isn't my fave-" depensa ko na iniwas ang mata.
Isang maliit na ngiti ang pinakawala niya. "Hindi ba? My bad."
Tumikhim ako nang maalala ko kung bakit kami nasuspende. "Ayokong magsorry sa nangyari."
"There's no need to feel bad about it-"
"I don't!" Inirapan ko siya. "Kung hindi ka lang pumasok doon at hindi ka nangi-alam hindi ka sana madadamay-"
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...