Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Nalukot ko ang mukha. Kontra gustong kinapa ko ang device sa ibabaw ng bedside table.
"Ouch!" Napadaing ako. My head is banging like hell. "H-Hello?" Namaos ang boses ko't nanuyo ang aking lalamunan. Sobrang gusto ko pang ipikit ang aking mga mata.
"Beh, ano na? Asan ka na?" bungad ni Dinah sa kabilang linya. "Kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo wala ka bang planong pumasok? May sakit ka ba? May emergency?" sunod-sunod nitong tanong.
"I'll be there-"
"Anong I'll be there? Tapos na ang unang subject natin! Talagang malilintikan ka kay Sir Dela Paz. Nagquiz tayo kanina!"
Mariin kong naipikit ang mata. "Oo na, on the way na ako."
"Bilisan mo riyan, ano bang pinagagawa mo kagabi ha-"
Hindi ko na pinatapos si Dinah. Nilundag ko kama upang sumaglit sa banyo.
"Violet?" Narinig ko si Nana Koretta sa likod ng pinto. "Wala ka bang planong pumasok? Alas nuwebe na!"
"Andiyan na po, nana. Pakisabi na lang po kay kuya Ted hintayin niya ako."
Walang kisap mata'y sinugod ko ang banyo. Wala ni kalahating minuto ay natapos ako sa pagbihis. Suot ang uniform ay tumatakbo ako pababa sa matayog na hagdanan. Sa sasakyan na lang ako mag-aayos ng mukha at buhok.
"Nana, aalis na po ako."
"Kumain ka muna-"
"Sa cafeteria na lang po ako kakain, nana!"
"Violet," bumungad si nana mula sa kusina. "Sino ba 'yong lalaki na naghatid sa 'yo kagabi?"
"Po?"
"Sa sobrang kalasingan mo hindi mo na alam ang nangyari! Hinatid ka ng gwapong lalaki kagabi."
"Ah, si Henrick po, kaklase ko," amin ko nang maalala. "Sige po, nana aalis na po ako."
Tinakbo ko ang nakaabang na kotse sumakay at nilisan ang mansion.
***
"Beh, ano bang ginawa mo kagabi ha?" Sinalubong agad ako ni Dinah pagkapasok ko ng classroom.Ibig kong sabunutan ang sarili nang maalala ko ang nangyari. What am I thinking? Sinulyapan ko ang direksiyon ni Henrick. Ibig kong malagutan ng hininga at kanina pa pala nakatuon ang paningin nito sa akin. Tila ba nakuryenteng nag-iwas ako ng titig. Wala akong mukhang maihaharap sa lalaki dahil sa kalandian ko. Tang-ina!
"Ano bang ginagawa mo kagabi?" segunda ni Mia.
"H-ha?" Nabubulol ako't hindi pa ako nakabawi sa pagtama ng paningin namin ni Henrick.
"Anong problema mo't parang hindi mapakali 'yang kiffy mo, beh. May problema ba sa bahay?" pangungulit ni Dinah.
"Wala," pagsisinungaling ko. Dinah and Mia are really like my sister but when it comes to my family issue, I am not really open to them. Ayoko rin na magkaproblema ang magulang ko.
Sakto ring papa-upo ako nang may tumawag sa akin mula sa labas ng silid -aralan. Nakita ko si Dylan na makisig na naglakad patungo sa kinatatayuan ko.
Yumuko agad si Mia ng makita niya ang ex-boyfriend na nangahas na pumasok. Umirap si Dinah sabay na pinandilatan ako.
"Hey, Violet." Timawid ni Dylan ang natirang pulgadang pagitan namin.
Blangkong tingin lang ang pinukol ko sa kanya. Yumuko at inabot niya ang panga ko at inilapit ang labi sa aking tainga. "I can't wait for Saturday, I'll wait for you outside after class." Tumayo siya ng maayos pagkatapos at nilisan ang silid.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...