Unwanted

513 16 0
                                    

"Violet, mauna na ako, beh," paalam ni Dinah nang namataan na niya ang sundo niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Violet, mauna na ako, beh," paalam ni Dinah nang namataan na niya ang sundo niya. Subaru Crosstrek. Kanina pa nauna si Mia maagang dumating ang sundo nito.

"Sure."

Humihikab na hinihintay ko ang aking sundo. Kung pinapayagan lang sana ako ni Nana Koretta na gamitin ko ang sariling kotse kanina pa sana ako nakaalis. May lisensiya naman ako sa edad na desi sais kaso non-professional pa lamang.

Pasulyap-sulyap ako sa suot na mamahaling relo sa braso. Mukhang natagalan si Kuya Ted sa pagsundo sa akin. Malimit na lang ang tao sa paligid. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa upang tawagan sana si kuya nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.

"Violet!"

Pagkalingon ko ay tumambad sa akin ang matangkad, gwapong mestisohin na si Noah. Sa edad desi syete malaki, makisig at matangkad ito. Gaya ko nasa panghuling taon ngunit sa kabilang section ito nabibilang. His family owns the popular Entertainment Industry and he is my ex-boyfriend. Naghiwalay kami noong isang linggo. Walang ibang habol kundi ang katawan ko. Inayawan ko ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Hindi nito matanggap ang pakipaghiwalay ko at kinalat sa buong campus na may nangyari sa amin na sobrang taliwas sa katotohanan.

Hindi ko pinansin ang lalaki at hinakbang ko ang paa pasulong. Sa may bukana ng gate na lang ako maghihintay kay Kuya Ted.

"Violet!" Hindi ako tinigilan ng lalaki at sinundan ang hakbang ko. "Violet!" Naging mapanghas na hinablot ni Noah ang braso ko. "Let's talk!" Kinaladkad niya ako patungo sa kinaparadahan ng jeep niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Noah." Binawi ko ang braso na hawak niya.

"C'mon, Violet! Nakikipaghiwalay ka na agad dahil gusto kitang maikama?"

"Sino naman ang gusto ma ikama agad, ha? Five days pa lang tayo mag-on!"

"I am sorry hindi na iyon mauulit. Maghihintay ako kung kailan ka handa. Bati na tayo."

"No!" Matigas ko na tanggi. "Tapos na tayo at saka wala na akong gana sa'yo pwede ba?"

"Walang gana?" Napangiti siya ng mapakla. "Halika ka nga." Naging malumanay ang tono ng boses niya na nginitian ako. Muli niyang hinagip ang braso ko.

I am not gonna lie. Gwapo talaga si Noah. Mapupungay ang mga mata. Matangos ang ilong at labi na natural na mapula. Maganda magdala ng damit.

"Usap muna tayo, let's fix between us." Binuksan niya ang pinto ng kotse at akma akong papasukin.

"Wala na tayong pag-usapan pa. Isa pa, you already spread rumors about me."

"I can fix it, please-"

"We're done, Noah. Ayoko na!"

Deritsong tinalikuran ko s'ya ngunit hindi ako nakapaghanda sa kilos ni Noah at pwersahan ako na pinapapasok sa loob ng kotse. Dahil nga malaki at matangkad ito natagumpayan niyang ipasok ako sa loob at sinara ng walang kahirap-hirap.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon