Hero

310 8 0
                                    

Matamlay na lumabas ako sa silid-aklatan. Plano ko na magpunta sa locker upang kuhanin ang aking ibang mga gamit. Napatigil ako sa paghakbang mula sa hagdanan nang may narinig akong bakas ng yabag sa isang pasilyo.

Maingat ko na hinakbang ang  paa ngunit napatigil ako nang makita ko si Dinah at Henrick. Hindi ko maalala kung kailan nawala si Dinah sa paningin ko. Napa-atras ko ang paa. Akma akong babalik ngunit tila ba may sariling utak ang mga paa ko at ayaw sumunod sa isip ko. Nakapako ang mga ito habang nakamasid sa kanila.

"Mr. President!" Sinundan ni Dinah ang direksiyon na tinahak ni Henrick.

Tumigil sa paghakbang si Henrick na binalingan si Dinah. "It's Henrick, Miss Alfonso can you stop calling me that way?"

"I'm sorry hindi lang ako sanay." Ngumiti si Dinah ng pagkatamis tamis. "S'ya nga pala, heto." Inabot ni Dinah ang isang maliit na presentableng lagayan.

Tinanggap iyon ni Henrick. Bakas sa mukha niya ang naguguluhan. "What is this, Miss Alfonso?"

Tumikhim si Dinah na animo'y nahihiya. "I baked some cookie, I made too much sa'yo na iyang iba."

Ngumiti si Henrick na tinapunan ng tingin si Dinah. "Well, thank you, Miss Alfonso."

"Dinah na lang, Henrick," mayuming saad ni Dinah na maarteng hinawi ang ilang hibla ng buhok niya.

"Salamat, Dinah," ulit ni Henrick. Hinakbang nito ang paa pasulong ngunit muli itong tinawag ni Dinah.

"Henrick!"

"Miss Alfonso, may kailangan ka ba?"

"Am, kasi—"

Nag-angat ng kilay ang lalaki na tinititigan si Dinah.

"Well, may s-sasabihin sana ako," nabubulol na sabi ni Dinah.

"And what is it?"

Nablanko si Dinah na napakuyom ang palad. Ilang segundo rin namayani ang katahimikan na hindi nagbitaw ng salita ang kaibigan ko. Nagkibit-balikat si Henrick na muling hinakbang ang paa.

"G-Gusto kita, Henrick!" pasigaw na pag-amin ni Dinah na kinatigil ng hakbang ni Henrick.

Binalingan niya si Dinah na may ngiti sa labi. Bumalik siya saka yumuko upang matapat ang mata kay Dinah. "Is that so?" saad niyang tinapik ang bunbunan ng dalaga at pinakatitigan ito.

Bago ko pa marinig ang sagot ng lalaki ay umatras ako mula sa kanto na kinublihan ko. Hindi ko alam pero ayokong marinig ang sagot ng lalaki. Muli akong bumalik sa dinadaanan. Sobrang ingat na ayokong makagawa ng ingay. Pinilit ko na umarteng natural. 

Sino ba siya para pagtuonan ko ng pansin? He's a weirdo! Kumbisi ko sa sarili ngunit tila ba hindi iyon tumalab at mas lalo lang akong nanghihina.

Bumalik ako sa mesa na inuukupa namin ni Mia na parang walang nangyari.

"Saan na ang gamit mo?" tanong ni Mia nang makita ako na wala man lang bitbit maski isa. "Violet, napansin mo ba si Dinah. Nawala bigla eh."

Umiling lang ako. Umupo ako sa silya na hindi pinansin si Mia. Pinagbubuklat ko na lang ang ilang aklat kahit wala roon ang diwa ko. Makalipas ang sandali ang bumalik si Dinah na may ngiti sa labi.

"Saan ka ba galing, beh?" tanong agad ni Mia nang maka-upo si Dinah sa tapat ko.

"M-May pinuntahan lang ako saglit."

"Anong saglit? Eh ilang minuto kang nawala, beh?"

Sumulyap si Dinah sa gawi ko. Nagkunwaring abala ako sa binabasa ko na libro.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon