Obliged

915 12 4
                                    

Bigla na lang bumundol ang kaba sa dibdib ko habang sinundan ng tingin ang anak ni Veronica

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla na lang bumundol ang kaba sa dibdib ko habang sinundan ng tingin ang anak ni Veronica. Kompiyansang naglakad ang lalaki na animo'y pag-aari ang buong lugar. Lahat ng mga mata ay nasa gwapong negosyante. Paghanga o inggit hindi ko alam kung alin doon ang tamang kataga.

Bago pa marating ni Henrick ang mesang kinauupuan namin ay agaran akong tumayo. Kasabay rin niyon ang pagkasira ng zipper sa likuran ng suot ko na mini dress. Agad ko na napigil ang bahagyang pagbaba ng bestida. Fuck!

"Iha, Violet!" Mabilis ang kamay ni Veronica na sinuportahan ang likurang bahagi ng aking damit upang hindi tuluyang mahubad.

"V-Veronica, I think I have to leave first-" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang maramdaman ko na may telang sumagi sa balikat ko.

As I turned to see who had saved me from embarrassment, it was Henrick. He draped his coat over me, yet his gaze was fixed on Veronica.

"I am glad you're here, iho," turan ni Veronica na inayos ang tuxedo na pinatong ni Henrick sa akin. "What took you so long?"

"May kaunting aberya sa opisina, mama," sagot ng lalaki na hinalikan ang pisngi ng ina.

"Anyway, look who came back from abroad. Emmanuel's daughter Violet. You've been nagging me about her." Umirap si Veronica na himig ng panunukso.

Henrick's gaze turned towards me. Binato niya ako ng titig na tila tinaga ang kaluluwa ko. Saglit ay ngumiti ito.

"Hi, Miss Ramirez." Ang boses niya ay malalim. He leaned in closer, and the familiar scent of his perfume filled my nostrils. Suddenly, he brushed his lips against my left cheek.

Nanlaki ang aking mga mata. Tila ba dinaig ko pa ang estatwa sa parke sa paninigas.

Sa halip na edistansya ang sarili ay mas yumuko pa ang lalaki at tinapat ang bibig sa tainga ko. His breath touched my skin, sending me further into paralysis. "Hindi ko akalain na napakaganda pala ng kapatid ko," bulong niya na sadyang diniinan ang huling kataga. "Welcome home, Violet."

Hindi ko man makita ang ekspresiyon ng lalaki pero sigurado akong may pilyong ngiti ito sa labi. Tumayo na ito ng tuwid pagkatapos at kinindatan pa ako.

Kinalap ko ang katinuan dahil anumang oras hindi ko na alam kung saan papunta ang pagtatagpong ito. "V-Veronica, I think kailangan ko nang umalis."

Pinasadahan ako ng tingin ni Veronica. She hissed. "Sino ba ang stylist mo, muntik ka ng mahubaran, anak?" sisi niya. "O siya, ipapahatid na lang kita. Total patapos na naman ang pagtitipon."

"H'wag na po, Veronica. Kaya ko na-"

"No! I insist." Pagpumilit ng babae na binalingan ang anak niya na sa sandaling ito'y mataman nakatitig sa akin. "Send Violet to our house, iho."

"Di na po, I rented a condo nearby, Veronica-"

"Violet, what is ours is yours, iha. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. Alam ko na gaya ni Emmanuel malaki ang kasalanan ko sa'yo and I am truly sorry. Kahit papaano ay makabawi man lang ako sa kasalanan nagawa ko sa inyo ng mama mo. Kung importante ka sa asawa ko ganoon ka rin sa 'kin. Alam ko masyado pang maaga pero ikaliligaya ko kung hindi mo ako tratuhin na iba."

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon