Hindi ko mapigilan ang matamis na ngiti sa labi. Hindi ko kontrolado ang kilos sanhi ng alak sa aking utak. Tila ba kinatuwa pa ng katawan ko ang ginawa ni Henrick na pagtulak sa akin papasok sa loob ng condo niya.
"Are you serious?" He asked while pressing me against the wall. His deep voice echoed to my senses. It made my body burn. "Anong klaseng paraiso ang tinutukoy mo, Violet? Two kinds of paradise came to my mind, right now?"
Ngumiti ako ng mapang-akit. "Either of those two... handa akong shumama, Mr. President," malumanay ko na sabi. Kusa ko na pinaglandas ang hintuturo sa tungkil ng ilong niya pababa sa labi niya. Tinukso-tukso ko iyon. I became super flirty.
"Violet!" bigkas ni Henrick sa pangalan ko na hinuli ang palad ko na nasa tapat ng labi niya. Naging mabilis ang kilos niyang hagipin ang isa pa at pinako kapwa iyon sa ibabaw ng ulohan ko. "Don't tease me like that, Miss Ramirez or else-" sadyang binitin niya ang pangungusap at nagpakawala ang mabigat na hininga.
Magkahinang ang aming titig na ibig ko na lang pangapusan ng hininga.
"O-Or else, what?" Nanghahamon ang titig na binato ko sa kanya. Hindi ko pa rin mabura bura ang mapang-akit na ngiti.Sunod-sunod ang paglunok ni Henrick. His Adam's apple shifts, sending a tingle down my spine.
Isang maharot na tawa ang pinakawala ko. "Pinapayagan kitang gawin ang gusto mo-"
He made a face like he had suppressed something. He sighed. "You're drunk beautiful lady, it's time for bed." Hindi ako pinatapos ng binata.
Namalayan ko na lang na umangat na ako sa ere. Kinarga niya ako na tila isang sakong bigas.
"M-Mr. President?" tili ko. "Saan mo 'ko dadalhin? Sha paraiso ba?" Lasing akong humalakhak. Wala na akong lakas kumontra at hinayaan ko siya. Nanaig ang kalandian ng katawan ko.
Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na lumapag na ang likod ko sa malambot na kama.
"Oras na para matulog, Violet!" Naka-upo sa gilid ng kama. Nakayukong tinititigan niya ako na nakahiga. Inayos niya ang nagulo ko na bangs.
"I-I thought, dadalhin mo pa ako sha paraiso." Nakanguso na tinititigan ko siya. Bakas sa lasing na boses ko ang pagkadismaya.
"Honestly speaking I can do whatever I want with you right now, Violet. We are alone here. I can rip you in a snap."
"Then, shleep with me, Henrick—"
"I can't. Ayokong samantalahin ang kalasingan mo." Inangat at inayos niya ang bahagyang bumaba na strap ng suot kong pantulog saka niya ako kinumotan.
Napangiti ako sa narinig. He's not the person I had in mind. He differs from the guys I'm familiar with—quite significantly so.
"Now, close your eyes," utos niya nang mapansin na mataman pa rin akong nakatitig sa kanya.
"Oo, na." Tumango lang ako na may ngiti sa labi. Pinikit ko ang mata. Sadyang napawi na naman ang lungkot sa puso ko. Rushing to his place turns out to be not such a bad idea after all. "Thank you, Henrick, for being my peace during times like these," mahina ko na usal habang nakapikit.
"You can count on me, Violet." Pinaglandas niya ang daliri sa aking pisngi at dahil doon mas lalong gumaan ang nararamdaman ko. He remained seated, and I'm not sure for how long until I was completely asleep.
***
Ang amoy ng usok ng sigarilyo ang nagpagising sa aking diwa mula sa pagkaka-idlip. Nang magmulat ako'y nahagip ng paningin ko si Henrick sa veranda. Naka-upo sa upuan. Nakatanaw sa kawalan na papaliwanag na habang humihithit ng sigarilyo.Ginala ko ang mata sa loob ng silid. Nakita ko ang hinahanap ko. Ang orasan. Mag-alas singko na pala ng umaga. Napangiwi ako't parang minamartilyo ang ulo ko. Napatikom ko ang labi nang manariwa sa aking isip ang ginawa ko kagabi. Gusto ko na lang maglaho.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...