"Henrick, anak!" humihingal na turan ni Theresa. Puno ng takot ang pangamba ang bumabadya sa magandang mukha ng babae. Pilit na pinapapasok ang anak sa malaking aparador sa loob ng study room ng kanyang asawa na si Ricardo.
"Theresa!" sigaw ni Ricardo mula sa unang palapag ng Russell's residence kasunod niyon ay ang sunod-sunod na putok ng baril ang umaalingawngaw sa sambahayan.
"Ricardo, mahal ko!" mahinang bulong ni Theresa. Nanginginig ang daliri niya na hinaplos ang maliit na mukha ng tatlong taong gulang na anak na si Henrick. Walang puas ang luha niya sa pagdaloy. "A-Anak i-iho, kahit anong m-mangyayari huwag na huwag kang lalabas dito," turan niyang tinulak ang bata sa loob.
Sa murang edad ni Henrick ay hindi pa niya masyadong naiintindihan ang mga pangyayari. Nilusob ng mga hindi kilalang armadong lalaki ang mansion ng Russell.
"Mommy-"
Mabilis ang palad ni Theresa na tinakpan ang bibig ng anak upang hindi makagawa ng ingay. "Dito ka lang ha. Laro tayo ng tagu-taguan," malapad ang ngiti sa labi ni Theresa ngunit hindi niyon maikubli ang takot sa mga mata. "Hangga't hindi ko sinasabing lumabas ka ay h'wag na h'wag kang lalabas, anak ha?!" paalala ng babae na mataman na tinititigan ang bata.
Tumango si Henrick kasabay rin niyon ang pagtakip ng mga mata nito.
"Magbibilang si mommy hanggang sampu, okay?"
Umungol lang ang bata
"Isa...dalawa..." Maingat na sinara ni Theresa ang aparador kung saan nakakubli ang anak niya. "Tatlo... apat... lima..."
Bago pa natapos ng babae ang pagbibilang ay ilang sunod-sunod na putok ang muling pumainlang sa loob ng mansion kasama ang pagbagsak ng katawan ni Theresa sa matigas na sahig duguan at wala ng buhay.
***
Following the tragedy, young Henrick was taken into Alfonso's household. Hindi nagsasalita at pawang tango o iling lamang ang ginagawa ng bata.
"Henrick, halika laru tayo!" imbita ni Dinah sa bagong saltang bata sa pamamahay nila. Sa halip ang sumama ang batang lalaki ay tinalikuran lamang siya.
Hanggang sa nagka-isip si Henrick mas lalong naging mailap ang binatilyo sa mga tao sa paligid niya maliban lang kay Dinah na nakasanayan niyang kasama.
A traumatic event marked Henrick's childhood. The sight of his parents' death before his eyes constantly haunts him with nightmares. This dark history has shaped him into a person who is elusive, cold, and distant.
Nang dahil sa kanyang personalidad ay nahihirapan ang mga kapwa kaedad niyang makibagay sa kanya. Hindi siya nagkakaroon ng kaibigan maliban kay Dinah. Hindi rin siya pumirme at palipat lipat siya ng paaralan. Hanggang sa puntong naging target siya ng mga bullies.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...