"Violet!"
Hinabol ako ni Henrick ngunit hindi ako nagtangkang lumingon pa. I was so devastated that even the sight of him would make me feel nauseous. Ibig ko nang matumba ngunit pinilit kong kalapin ang lakas. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha na tinalikuran ang binata. Pilit ko na nilakihan ang hakbang habang hila-hila ko ang pole ng dextrose.
"Violet!" Naabotan niya ako't hinagip ang braso ko. "Violet, please pakinggan mo 'ko!"
"Putang ina, huwag mo kong hawakan!" Marahas ko na binawi ang braso at iniwas ang sarili. Binato ko siya ng titig na nakakamatay sa talim.
"Violet, please." Akma niyang muling hagipin ang braso ko.
Umatras ako. Hindi ko ininda ang pagtumba ng Telescopic pole. "D-Don't you fucking dare touch me, Henrick!" babala ko kasama ang walang humpay ng pag-agos ng aking luha.
"Violet, paki-usap pakinggan mo muna ako," giit niyang pwersahang hinila ako payakap sa kanya. Sobrang higpit niyang pinulupot ang bisig sa katawan ko na ibig madurog ang buto ko sa higpit. Nanginginig ang balikat niyang binaon ang mukha sa leeg ko.
Ibig ko siyang suklian ng yakap pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko siyang yakapin ako.
"Hindi ko intensiyon na saktan ka, may dahilan ako—"
"Regardless of your reasons, they no longer matter to me, Henrick," sumisingot na akma ko siyang itulak, "please, let me go!" Pilit ko na kinalas ang sarili sa pagkakayakap niya.
"I am sorry pero may kailangan akong gawin... may kailangan 'kong gawin para sa atin. Please, huwag kang bumitaw not now, baby... h'wag mo kong bitawan, please. I love you and you mean so much to me... h'wag mo 'kong bitawan, Violet," makaawa niyang may diin. Mas binaon niya ang mukha sa leeg ko at doon ay kusa niyang binitawan ang luha.
Nangangatal ang aking katawan na pinigil ko ang sarili. Hinayaan ko lalo ang luha na umalpas. "K-Kung mahal mo 'ko... bakit ngayon na kailangan na kailangan kita... bakit siya ang kasama mo!? Henrick, kung anuman iyan dahilan mo, kailangan mo pa talaga akong saktan ng ganito? Kailangan mo pa talaga ibaba ang halaga ko sa buhay mo? Pinabayaan mo 'ko eh."
"I am sorry—"
"Sorry? I don't need that! Tama na ang pinadama mo, Henrick. Being selfish is generally not considered a good idea. Go to her... I don't want to hurt her either. Ayoko nang maging selfish kung masasaktan lang din naman ako." Buong pwersang tinulak ko siya. Hinayaan niya ako habang sinundan niya ako ng titig na puno ng pagsusumamo.
"Baby, please hold on—"
"Ayokong masaktan, Henrick kung ang bitawan ka ay hindi na makakasakit pa ng iba, then it should be it? Selfishness is ultimately unfulfilling." Umatras ako't tumalikod.
"Violet!" Plano niyang ihakbang ang paa pasunod sa akin.
"Please, Henrick!," makaawa ko na marahas na tinanggal ang swero sa likod ng palad ko.
"Fine! If you really wanted to end this, fine." Malamig niyang sang-ayon.
Did he let go of me? Tama ba ang narinig ko? Ito na ba ang wakas para sa aming dalawa?
"Let's break up, Violet!" ulit niya.
Mas lalong bumuhos ang luha ko. Laglag balikat at tuluyan ko siyang tinalikuran. Pa-unti-unti ko na hinakbang ang paa papalayo sa kanya. Sadyang kinaladkad ko ang sarili. Kanina pa ako nanghihina.
Binaybay ko ang pasilyo ngunit tila ba namamanhid na ang kalamnan ko. Kanina pa walang humpay ang pag-agos ng dugo sa binti ko. Napatukod ko ang palad sa pader upang suportahan ang sarili na hindi tuluyang mawalan ng balanse.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...