Do You Like Violet?

355 8 0
                                    

Dinala ako ni Henrick sa isang mahabang gutter sa labas ng malaking mansion ni daddy. Pina-upo niya ako roon. Sumisingot ay sinundan ko lang ng tingin si Henrick na sa sandaling ito ay isinuot sa paa ko ang sapatos na suot ko kanina.

"What brings you here, Violet?" tanong niya na pinagpatuloy ang pagsuot ng sapatos ko.

Binaling ko ang paningin sa kabilang ibayo. Wala akong planong sagutin ang kanyang tanong. Nang wala siyang narinig na sagot ay napabuntong hininga siya. Pinagpag niya ang palad at umupo ilang pulgada mula sa kina-uupuan ko.

Mula sa tanglaw na nagmumula sa poste ay nababanaag ko pa rin ang guwapo niyang hitsura. Sa pagkakataong ito ay nakasuot na siya ng salamin sa mata. Nakakalag ang dalawang butones at wala na sa tamang posisyon ang kanyang kulay itim na necktie ngunit hindi pa rin nababawasan ang paghanga ko dito. Henrick truly stands out in my eyes.

"Violet?"

Umungol ako nang makabawi mula sa pag-iyak.

Yumuko siya upang magpantay ang aming mukha. Saglit ay dinukot niya mula sa bulsa ang isang panyo. Kusa niyang pinahid ang namamasang pisngi pati ang kumalat na make-up sa gilid ng aking mga mata.

"Kahit maganda ka, pumapangit ka pa rin kapag umiiyak," biro niya na inabot ang baba ko upang mas maayos na matanggal ang kumalat na mascara.

Ngumuso ako. Pinaglakbay ko lang ang paningin sa kanyang mukha. He was so close that I feared even a breath would betray my presence.

"Huwag mo akong titigan ng ganiyan," reklamo niya nang mapansin ang tingin na pinukol ko. Marahan niyang pinisil ang pisngi ko na mas kinanguso ng labi ko.

Mapanuksong mataman ko pa rin siyang tinititigan.

He hissed. "Sabi ko 'wag mo akong titigan ng ganiyan, Violet!" malalim ang boses niya.

Suddenly, he moved closer and captured my lips with his, in a swift moment. It happened swiftly, yet the tingling sensation still courses through my nerves. Gosh! Henrick!

"I told you not to look at me." He blushed. Yumuko siya't sinilid ang panyo sa bulsa.

Isang matamis na ngiti ang ginuhit ko. "You find me beautiful even when I cry, don't you?" Sinamahan ko ng mahinang tawa.

Sa halip na sagutin ako ay binaling niya ang mata sa kawalan. Nakatingala niyang pinaglakbay ang paningin sa mga kumikinang na mga bituin.

"Masaya ka na?" tanong niya na hindi ako binalingan.

"Kunti." Sumunod din ako na tiningala ang langit. "Do you like stars, Henrick?" mahina lang iyon pero tama lang upang marinig niya.

"Yes," agad niyang sagot na pinagsawa pa rin ang paningin sa kawalan. "Because stars viewed as lucky omens, guiding lights, and powerful symbols of achievement and gratitude," he added.

"Do you like mountains?"

"Yes, I love mountains, Violet."

"Do you like flowers?"

"Yes."

"Do you like violets?"

"Absolutely!"

"Do you like me, Henrick-"

"Yes, I do-"

Kapwa kami natigilan at napabaling sa isa't isa ngunit dali rin kami na bumaling sa magkabilang direksiyon pagkatapos. Halos magkasabay kaming tumikhim upang makabawi sa tension na bumabalot sa pagitan namin. Ilang minutong pumainlang ang nakakabinging katahimikan at maski isa sa amin ay walang nagsalita.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon