April 29, 2024
Nakasunod kina Mia at Dinah na binaybay namin ang pasilyo papalabas ng gusali. Alas kwatro na ng hapon at oras na ng uwian.
"Dalawang araw na lang at graduation na natin, beh." Nasa himig ni Mia ang saya na may halong lungkot.
"Oo nga, eh," segunda ni Dinah na pinagpatuloy ang paghakbang.
"Violet, ano na beh? Ano nang plano mo?" Sadyang sumabay si Dinah sa aking mga hakbang. "Sabi ni Mia na gusto niya mag-aral siya ng medical sa ibang bansa," may halong pagmamalaki ang boses ni Dinah na sinulyapan si Mia.
Kimi-kimi naman na ngumiti si Mia. "Oo nga, beh ano na? Saan ka mag-aaral?" Sumabay na rin si Mia sa hakbang namin ni Dinah.
Napatikhim ako. Ilang gabi ko na rin iniisip kung ano ang gusto ko pero wala akong mahanap sa puso ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Madami naman na pagpipilian. Kung tutuusin ay may utak din naman ako nasa pangatlo sa top student list ako. May talento rin ako. Alam ko kung paano magpinta, sumayaw at kumanta o kaya umarte pero wala sa mga iyon ang gusto ko. Naguguluhan pa ako.
"Wala pa akong ma-isip, eh," sagot ko sa kanila.
"Ha? Wala? Eh halos magaling ka sa lahat, Violet. May hitsura ka, maganda ang katawan mo... baka gusto mo mag-artista? I can help you. We own the renowned entertainment industry, just in case you forgot, beh!" pasaring ni Dinah.
Indeed, Dinah's father is among the pioneers who established the vast entertainment sector in the country.
Ngumuso ako. "No, ayoko sa mga gan'yan." Nagkibit-balikat na pinagpatuloy ko ang hakbang.
"Kung ayaw mo sa gan'yan, ano naman ang gusto mo? Maging loving mother? Mag-asawa agad?" saad ni Mia na ikinapinto ng hakbang ko.
"Mag-asawa?" mahina ko na ulit sa sinabi ni Mia.
"Beh, huwag mong sabihin gusto mo mag-asawa agad?" Halos magkasabay sila na humiyaw. Huminto sila sa hakbang at binalingan ako.
"B-Bakit?" Naasiwa ako sa mga titig na binato nila sa akin. "M-May problema ba sa pag-aasawa?"
Umungol si Mia. Pinilig niya ang ulo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Inabot niya ang sariling baba at tila nag-iisip. "Violet, you are damn gorgeous I am not gonna lie. Kapag nag-asawa ka agad you're kiffy isn't giving, beh."
"Bakit naman?"
"Isa lang makinabang n'yan," biro ni Mia. "'To naman parang di nag-grade two. Siyempre kailangan nating sulitin ang buhay natin ta's mag-asawa agad? Ano 'yan, beh!"
"Eh, ano naman ang masama kapag nag-aasawa—"
"Violet!" tili ni Mia na kinatigil ko. "Ibig sabihin gusto mo na mag-asawa agad?"
"Oo nga? Don't tell us, Violet you're thinking about getting married?" Halos lumugwa ang eyesball ni Dinah.
Napatikom ko ang labi sa tanong ni Mia. Ang pinagtataka ko ay lumutang sa diwa ko si Henrick! Why? No way!
"Sagutin mo kami, Violet!" singhal ni Dinah. Tinititigan nila ako ng mataman na naghihintay ng aking sagot.
"H-Ha? No way! Ang bata ko pa para mag-asawa. Tang-ina ni'yo! At saka sino naman ang magiging asawa ko?" Ngumiti ako ng pilit pagkatapos.
"Kaya nga tinatanong ka namin, tang-ina mo rin. Bilang magkakaibigan kailangan natin maging isang strong independent woman. Hindi iyon iaasa na lang natin sa lalaki ang lahat. Nakuha n'yo!" pangaral ni Mia. "Dapat kahit walang lalaki sa buhay natin eh masaya pa rin tayo."
"Korek ka d'yan, beh."
Tumango-tango rin ako bilang sang-ayon.
"Dinah, tuloy na ba ang plano mo na sa abroad ipagpapatuloy ang pag-aaral?" pag-iiba ni Mia ng paksa.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...