Paradise

322 9 0
                                    

Ang malakas na pagsara ng pandalawahang pinto ng bahay ang umaalingawngaw sa aking diwa. Napinto ko ang akmang pagbaba ng baitang ng hagdanan habang nakatuon ang aking paningin kay mommy Rowena na nasa malawak na sala ng mansion. My father left the mansion after the divorce got finalize.

Isang buntong hininga ang aking pinakawala. Ano naman ang aasahan ko? Tanggapin ang dapat tanggapin. Kampanteng pinagpatuloy ko ang napintong hakbang hanggang sa tuluyan akong nakababa. Sadyang hindi ko pinansin si mommy at nagtuloy-tuloy ako patungo sa pinto.

"Are you happy now?"

Sa halip na harapin ko siya ay pinagpatuloy ko ang hakbang na hindi siya binalingan. Ngunit umaalingawngaw ang sigaw niya sa buong kabahayan dahilan upang mabitin ko sa ere ang palad na akma sa sanang pihitin ang doorknob.

"Masaya ka na, ha... masaya ka na, Voilet!? Your wish granted!"

Napabuntong hininga na hinarap ko siya. She was in a mess. Gulo ang kanyang buhok. Kumalat ang mascara niya sa gilid ng kanyang mga mata. Her elegant dress is not in place, lumaylay bahagya ang manggas niyon. She looks insanely desperate and lost. I can't blame her to look this way; she spent her entire life loving the wrong person, which left her feeling hopeless.

"Your dad left, Violet!" Matalas niya akong binato ng tingin.

"I know," malamig ko na sabi. Walang emosiyon na ginala ko ang mata sa kabuuan niya.

"Ito ba ang gusto mo?"

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. "Mom, tanggapin mo na hindi siya para sa'yo. Let's move on?"

"No! Kung hindi dahil sa'yo hindi siya aalis sa pamamahay na 'to, Violet. I blame you for this-"

"Mom! Tang ina gumising ka na! You are the one to blame for this... sa... sa tang-inang buhay na 'to!" sadyang hinayaan ko na gumaralgal ang boses. "Sa simula't sapol hindi ka niya minahal at kahit kailan hindi ka niya mamahalin... hinding hindi niya tayo mamahalin!" madiin ko na sabi na ikinawindang ng ulirat niya.

Isang malakas na sampal ang lumagapak sa kaliwang pisngi ko pagkatapos. "How dare you, Violet! Mahal niya ako... tayo!" giit ni mommy na nangingislap ang mata dahil sa luhang nais umalpas.

Pinilit ko na binawi ang tayo na pinigilang hindi bumalong ang aking luha. Nanginginig na binato ko si mommy ng tingin. "Please, wake-up! Gumising ka na sa kahibangan mo! H'wag mo ipagpilitan ang sarili sa tao na hindi ka naman mahal, mommy!" makaawa ko sa kanya.

"Tang ina!" Muli na naman niya akong tinapunan ng sampal. Tila namamanhid ako't wala na akong madamang hapdi sa pisikal kundi mahapdi ang puso ko, kumikirot ito na tila ba habang buhay nang hindi hihilom. Kusa ko na pinakawala ang luha na nakatuon ang mata ko sa kawawa kong ina. I pity her for her faithful love for my dad.

"Violet, mahal niya tayo alam ko... mahal niya tayo di ba?" nahehestiryang wika niya. Tuluyang pinakawala ni mommy ang mga luha. Yugyog ang balikat na napadausdos siya papa-upo sa sahig. "Mamatay ako, Violet! I can't bear to lose your dad. He means everything to me, Violet!"

Sinundan ko si mommy papaupo. Kusang ko siyang niyakap ng mahigpit at hinayaan ko siyang umiyak sa aking mga bisig. She became selfish of loving my father for so long. Nagmahal lang siya... alam ko... naiintindihan ko.

Nagdaan ang ilang buwan mula nang nilisan ni daddy ang bahay tila si mommy ay nawalan na rin ng gana sa buhay. She became intoxicated from consuming alcohol. Her sense of desperation and hopelessness intensified. Napag-alaman ko rin na ang mga pinamahalaan ni mommy na mga negosyo ay lahat ng mga iyon nakapangalan kay daddy.

Walang gabi na hindi siya nagkukulong sa silid at hinayaan ang sariling languin ng alak at umiyak nang umiyak. She somehow forgot that I am still here... her daughter longing for her care. Sa tuwing kinakatok ko siya ay wala man lang akong makuhang magandang pakikitungo kundi puro sisi at mura.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon