Woman With a KindHeart

938 13 6
                                    

Edited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edited

Natulos ako sa aking kinatatayuan habang sinundan ko ng tingin sina Henrick at Dinah na pinagkakaguluhan ng mga press. Sa mahigit na walong taon na nakalipas lubos na binaon ko sa limot ang nangyari noon. Akala ko ayos na ako sa mga taong nagdaan, ngunit sa pagkakataong ito, muling sumariwa sa aking isipan ang masasakit na alaala.

Tahimik na nakamasid ako sa kanila ilang metro ang layo na abala sa kasasagot ng mga katanungan ng mga reporters.

"Mr. Russell, we heard that your company is going to launch a big new project?" tanong ng isang reporter.

"Yes, we do." Nakangiting sinulyapan ni Henrick si Dinah na tahimik lang sa tabi. Tumango lang si Dinah na may kasamang matamis na ngiti.

Supportive wife! Mapakla akong ngumiti.

"Ano ang aming aabangan sa bagong projects, Mr. Russell?" segunda ng isa pang reporter.

"Well, I don't want to spoil everyone, abangan n'yo na lang-"

Napaismid ako na inayos ang Dior Cannage S1U blue Square sunglasses. Hindi ko masyadong binigyang diin ang mga sinasabi nito subalit, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko na siya rin ang dahilan ng pagkawasak nito. Henrick Russell.

As I watched him closely, it was clear he had grown up and transformed into someone strikingly handsome. He is wearing a grey expensive suit. It suits him well. Hindi maikubli niyon ang malalapad nitong balikat. Mas lalong tumingkad ang magagandang pares ng mga mata nito't hindi na nakakubli sa likod ng salamin. Sa madaling salita gumawapo ito lalo.

Tumama ang mga mata ko kay Dinah na sa sandaling ito'y buong paghangang nakatitig kay Henrick. Malaki ang pinagbago ng hitsura ng dati kong kaibigan. She became sophisticated. Hindi na rin ito may kabigatan sa halip katamtaman ang sukat ng katawan... balingkinitan. She became beautiful and very classy. Nakasuot ang babae ng pormal na bestida na bumagay sa maliit nitong mukha. The dress is simple yet elegant. Humakab iyon sa maliit at kurbado nitong katawan.

They are perfect together, though.

Sumusukong umayos ako ng tayo. What was I thinking? Standing here like a helpless shit!

Akma akong tatalikod nang iilan na namang mga reporter ang dumaan sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakapaghanda't nabangga ako ng isa roon dahilan upang mawalan ako ng balanse at akmang matutumba.

"Opps!" mahinang bulalas ng lalaki. Agad nitong dinakma ang braso ko upang suportahan na hindi tuluyang sumimplang. "Sorry-"

Nanlaki ang mata ng lalaki na sinuri ang aking hitsura. Hindi ko napansin na tinangay pala ng hangin ang bandana sa aking ulo kanina sanhi ng pagkabangga nito sa akin.

"M-Miss Violet? As in Violet Vega?" pagkilala ng lalaki sa screen name ko. Bakas sa mata nito ang tinding gulat at paghanga.

I am known as one of the top runway models in this generation 'Violet Vega'.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon