Fucking Miss You

935 14 6
                                    

Buong magdamag na hindi ako dinalaw ng antok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Buong magdamag na hindi ako dinalaw ng antok. Maaga pa lang ay bumaba na ako ng silid. Nakasuot pa ng pajama nang maabotan ko sina Veronica at daddy sa kusina. They were giggling, their laughter echoing through the hall. Melody of joyful hearts.

Hindi ko namalayan na napangiti ako na nakatuon ang mga mata sa kanila sa bukana ng pinto. Kita ko sa mga kilos ni daddy ang sobrang komportable sa piling ni Veronica.

"Violet, iha good morning," puna ni Veronica nang mapansin niya ang aking presensiya. Sinalubong niya ako. "Halika." Giniya niya ako sa stool na nakaharap sa island counter. "Your dad and I are having our morning coffee, come join us."

"Thank you, t-tita," kusang lumabas iyon sa labi ko na kinatigil ni Veronica. Kita ko sa mata ni daddy ang galak. Nag-iwas agad si daddy ng titig upang ikubli ang nangingislap na mata.

"Violet," bigkas ni Veronica sa pangalan ko. Ginagap niya ang palad ko. "T-Thank you, anak." Ngumiti siya ng matamis kasama niyon ang pag-agos ng kanyang luha. "Thank you."

Ngumiti ako na inilapit ang sarili sa kanya. Hinawi ko ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi saka ko niyakap siya ng mahigpit. Nawalan man ako ng ina ngunit pakiramdam ko ang presensiya nito ay sapat na.

Lumapit si daddy sa'min. Niyakap niya kami. Muli na naman siyang nanghingi ng patawad. At sa ginawa niya'y pinuno na naman niya ang puso ko.

Hindi ko na matagpuan si Violet na may puot sa puso... si Violet na sabik sa paagmamahal ng isang magulang kundi si Violet na masaya sa piling sa taong hindi niya inaakalang maging parte ng buhay niya.

Nasa ganoong tagpo kami nang magbukas ang likurang pinto. Tumambad sa mata namin si Henrick.

Gulat na pinaglakbay ni Tita Veronica ang mata sa anak. "Iho? Anong nangyari?" bakas sa himig niya pag-alala. Nilapitan agad niya ang lalaki. Pinagpagpag niya ang suot nitong t-shirt.

He was a mess. Ang gwapong mukha nito ay madumi. Ang damit ay puno ng putik. May iilan ding damo at dahon na sumabit sa buhok, sa suot nitong puting t-shirt at pantalon. Hawak nito ang cellphone na nakabukas ang flashlight.

"Anong nangyari sa'yo?" ulit ni Tita Veronica na tinulungan ang lalaking alisin ang iilang dahon sa buhok.

"May naiwala lang ako, mama," tipid na sagot ni Henrick na sinulyapan ang direksiyon ko.

Tumikhim ako. Nag-iwas ako ng tingin. Hinigop ko ang kape sa tasa na nilahad ni daddy kanina. Nalukot ko bahagya ang mukha, hindi ko napansing mainit pa pala.

"Importante ba at nagkaganiyan iyang hitsura mo?" tanong ni Tita Veronica.

Hindi sumagot si Henrick sa halip ay nagtuloy-tuloy ito na pumapasok.

"Henrick iho," pigil muli ni Tita Veronica. "Kagabi pa tawag nang tawag si Dinah. Saan ka ba nagsusuot, ha?"

"Maliligo muna ako, mama," hindi niya sinagot ang ina. Akmang ihakbang niya ang paa nang bumungad si Kiaro sa bukana.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon