"Violet," pigil ni Kiaro sa akin nang akma kong pihitin ang doorknob ng inuukupa kong condo.
Nang iwan ko ang bahay ni mommy walong taon ang nakararaan ay napagdesisyonan ko ngang isanla. Wala naman na akong planong manatili sa bansang ito. Si Nana Koretta nama'y umuwi na ng probinsiya nang umalis ako at doon nagbagong buhay. Walang dahilan na manatili ako rito kung nandoon naman sa Chicago ang buhay ko.
Binalingan ko si Kiaro. "Ano?"
"Okay ka lang?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Ha? Well yeah?! I am breathing, Kiaro for God's sake!" Inirapan ko siya.
"Sigurado ka? Would you like me to buy you a drink? O kaya damayan ka?" sunod-sunod na suhestiyon ng binata.
Isang maarteng tawa ang pinakawala ko. Pilit kong kinalmahan ang emosiyon. Hanggang ngayon ay nais sumabog ang dibdib ko ng dahil sa Henrick na iyon!
"O baka ikaw ang kailangang uminom? I have something to offer. Would you like some?" imbita ko na kinindatan pa ang lalaki.
"I think I need it," sang-ayon niya na nagkibit balikat pagkatapos.
Pinapapasok ko si Kiaro sa loob. Hinayaan ko siya sa sala. Iniwan ko para makapagbihis ako ng komportable at maayos na damit.
Suot ang simpleng oversize t-shirt at maong na short ay lumabas na ako ngunit naabotan ko si Kiaro na namumungay ang matang sinundan ako ng tingin. He was lounging on the couch like a fucking hot bachelor in his early thirties.
"Hey, baby girl," panimula ng lalaki na hindi ako nilubayan ng titig. Paminsan minsan sinisimsim niya ang baso na may alak.
Gazing at him intently, it was clear to me that he was intoxicated. Tumalikod lang ako ng ilang minuto pagbalik ko lango na? Tumama ang mata ko sa bote ng brandy na halos nangalahati na.
"Anong problema mo't naglasing ka, mister!" Akma ko na agawin ang baso na hawak ng lalaki ngunit agad niyang iniwas pataas. "Ba't ka ba naglalasing? I wonder what made you feel uneasy today." Kikibot-kibot ko na akma na namang bawiin ang baso pero mabilis ang kamay in Kiaro na iniwas muli dahilan na napatukod ako sa kanyang matitigas na dibdib.
Kiaro was taken aback as he felt the press of my palm against his chest. Ang mga mata niya ay namumungay na nakatingin sa mukha ko na wala ng make-up.
"Violet?"
Umungol ako. Agad akong nag-iwas ng tingin at akmang tatayo nang ginagap niya ang palad ko't biglaang inunat dahilan upang mapasalpak ako sa kandungan niya.
"A-Ano?" bakas sa boses ko ang pagkabigla.
Sa halip sa sagutin ako'y pasimpleng nilapag ni Kiaro ang baso sa mesa habang nakasuporta ang malaking palad niya sa maliit ko na beywang. Dinala niya ang kanang kamay sa aking pisngi saka hinaplos.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...