"Bakit ka nandito, mahamog, my Violet."Pagkadinig ko sa boses at kung paano niya ako tinawag sigurado na ako kung sino. Pasimple na sinilid kong muli ang kwentas sa bulsa. Hindi ako kumibo. Nanatili ang aking mata sa mga alitaptap na nagwawala sa ere sanhi ng aking pagambala sa kanilang matiwasay na pamamahinga.
Dinig ko ang kaluskos ng mga damo na dinadaanan niya. Ang yabag niya ay papalapit nang papalapit hanggang sa tuluyun itong huminto sa tapat ko.
"Lumalalim na ang gabi, mahamog baka magkasakit ka," mahina niyang dagdag. Yumuko siya. Amoy na amoy ko ang pabango niya na dati pa niyang gamit-gamit. Nostalgic.
Dama ko ang pagdampi ng tela sa balikat ko. Napakuyom ko ang palad upang pigilin ang damdamin. Caring pa rin siya at hindi nagbago iyon.
Nang maipwesto niya ang munting kumot sa balikat ko'y nagtuloy-tuloy siya tabi ko. Umupo siya sa kanan ilang sentimetro mula sa akin.
Pinakiramdaman ko lang siya. Hindi ako nangahas sa balingan ang kanyang direksyon at baka anumang oras ay bibigay ako. Ibig ko nang malusaw sa tinding tension na namagitan sa aming dalawa. He was centimeter away yet I couldn't reach him.
Ang hampas ng simoy ng hangin sa sanga ng punong kahoy at ang mga kuliglig na panggabi ang tanging nag-iingay sa paligid.
Ilang minutong pumainlang ang nakakabinging katahimikan. Kapwa ang mga mata namin ang nakatuon sa madilim na kawalan.
"Sayang." Siya ang unang bumasag sa tahimik na paligid. Nagtapon siya ng bato sa malawak na damuhan dahilan upang mas nagwawala ang mga insekto sa karimlan. Once again, the place was bathed in the color violet.
Hindi pa rin ako kumibo. Sa halip na makadama ng tuwa mula sa magandang tanawin tila'y taliwas ang nararamdaman ko sa sandaling 'to. Puno ng lumbay ang puso ko.
"Sayang tayo," patuloy niya.
Hindi ako gumalaw man lang pero hindi ko naikubli ang munting luha sa gilid ng aking mga mata.
"Sayang tayo, Violet," ulit niya na may diin.
Pinilit ko na ibuka ang labi. "Mr. Russell. Our chapter has closed. H'wag na nating halungkatin pa," kaswal kong wika kahit na ba ibig nang mabasag ang boses ko. Nilamon ang puso sa tinding panibugho.
"Yeah, tama ka." Mahina siyang natawa ngunit nahihimigan ko ang pait sa tinig niya. "Matagal na tayong tapos... tama," ulit niyang tumango-tango.
Agaran akong tumayo. "Lumalalim na ang gabi, mauuna na ako."
Papahakbang ako nang biglaan niyang inabot ang aking braso. Mahigpit niya iyong hinawakan. Ang mga mata niya ay nangungusap. Kita ko mula sa maliit na lampara na nakabitin sa puno.
"Can you stay?"
"P-Para ano?"
"Please, kahit saglit lang." Hindi niya ako binitawan mula sa pagkaka-upo.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib saka binuga. Muli ko na binuka ang bibig. "Henrick, this small gesture could have an impact on me or others who can witness it. Kung sa'yo parang wala lang 'to pero malaking impact 'to para sa akin lalo na may nakaraan tayo."
"Violet."
"The way you call me, just like you used to... at ang pagsunod mo sa 'kin dito. Alam naman nating pareho na ang lugar na ito ay naging bahagi ng mga nakaraan... Ayokong mag-assume but I think you haven't taken a step forward yet." Ngumiti ako ng mapait.
"Ikaw lang ba ang nag-isip ng ganyan, huh?" Maingat niya na binitawan ang pulsuhan ko. Tumayo siya't hinarap ako. "Ang ginawa mo ngayon... sneaking in the middle of the night just to come here... Clearly, you are still reminiscing about our past, Violet," giit niya.
Hindi ko napigilan ang pangangatal ng aking kalamnan dala ng emosiyon na nais sumabog. "S-Sa walong taon paglayo ko... nasanay akong mag-isa... nasanay akong wala ka. A-Akala ko nga nakamove-on na ako, eh pero o-oo na! Tama ka na!" Sumingot ako. "Eh, ano naman ngayon kung hindi pa ako nakakamove-on... na hanggang ngayon masakit pa rin sa kin ang nangyari!" tuluyang gumaralgal ang boses ko kasama ang pag-agos ng aking mga luha. "Tang-ina! Pinabayaan mo ako, eh. Henrick, noong panahong iyon... ikaw lang ang meron ako. Ikaw lang iyong makakapitan ko pero tang-ina hindi kita matagpuan!"
Upon hearing it, his face was etched with regret. "I am sorry." Kinabig niya ako ng yakap na sobrang higpit na ibig na lang niyang durugin ang buto ko.
Mas lalo akong napahagulhol na binaon ang mukha sa matigas niyang dibdib. "I might have been able to save our baby, I'm sorry that I couldn't. I suffered mentally... emotionally, Henrick! Masakit na masakit at hirap na hirap akong gamotin ang sugat sa puso ko!" sumbat ko na pinagsusuntok ang dibdib niya.
Henrick shattered upon hearing my words. Yugyog ang balikat na napaluhod siya sa harapan ko. Kusa niyang pinakawala ang mahinang singot at luha. Niyakap niya ang beywang ko. "I am sorry, Violet... I am sorry," ilang ulit niyang sabi. "I might have saved our baby if I hadn't been so self-centered. I felt terrible that I wanted to return to those times so I could fix it but... it's impossible. Ang buong akala ko nakabubuti ang pagiging makasarili ko. I wanted to hold on to you while also chasing my goal... ngunit hindi ko napansin na nakakasakit na pala ako. Hindi ko namamalayang nasaktan na pala kita, baby."
"Henrick!"
"I am sorry for being so self-centered."
Binawi ko ang sarili at dinestansiya mula sa kanya. "N-Ngayon napagtanto ko na hindi pa pala ako okay. Na nakakulong pa rin pala ako sa nakaraan natin. May karapatan naman akong magdamdam di ba? Tang-ina nasaktan ako, eh. Sobrang nasaktan ako dahil minahal kita ng totoo!" halos mapugto ang ugat ko sa leeg sa pagtitimpi.
"Minahal din naman kita ng totoo, Violet. I wanted us to chase our dreams together. Hindi ako nag-aral sa ibang bansa dahil wala naman doon ang pangarap ko... dahil ikaw ang pangarap ko, Violet ikaw lang." Mas lalong siyang napasingot.
Isang mapait na tawa ang pinakawala ko kasama ang pagbuhos lalo ng aking luha. "Ako? Pangarap mo?" ulit ko. "Tang-ina! You married her. Inuna mo siya kaysa sa akin tapos sasabihin mo sa akin ngayon na ako ang pangarap mo?"
"Pakinggan mo 'ko, Violet."
"Tama na. Okay na ako, Henrick narinig ko na ang dapat na marinig. Siguro naman ang usapang ito tama na para pareho tayong makahakbang pasulong." Umatras ako. Dinukot ko ang kwentas sa bulsa. "I have kept this for several years. Ito na siguro ang tamang oras upang itapon ang bagay na tanging pinanghahawakan ko." Hindi nag-atubiling tinapon ko ang kwentas sa damuhan. Tumalikod ako at sinimulang ihakbang ang paa.
"Violet, please!" sumunod siya. "Let's talk!"
Tumigil ako ngunit hindi ako nangahas na lingunin siya. "Huwag mo na akong sundan. Isipin mo ang mararamdaman niya. May asawa ka na, Henrick." Mabilis ang paa kong binaybay ang makitid na daan na puno ng damo makatakas lang sa lalaking tinitibok pa rin ng puso ko.
"I was never married, Violet. Not even once, baby," bulong ni Henrick sa karimlan.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...