Pagkababa ko pa lang sa kotse ay sinalubong agad ako nina Mia at Dinah.
"Beh, sorry hindi kita nasamahan kagabi. Si mommy kasi, ayaw akong payagan," nakanguso si Dinah na sinundan ako ng tingin.
"Ako rin, hayaan mo sa weekend gala tayo... ay no hindi pwede!" daling bawi ni Mia. "May date ka pala," bakas sa tinig ni Mia ang pagkadismaya.
"Anong date, it isn't a date, Mia. Paghihigante ang layunin natin sa Sabado!" Pagtatama ni Dinah.
Nagkibit balikat lang si Mia. "Tayo na baka malate pa tayo." Nag-iwas agad ng paksa na nauna nang humakbang.
Tahimik lang akong sumunod kay Mia ngunit tila ba napako si Dinah sa kinatatayuan nang may ugong ng motorsiklo sa likuran. Paglingun ko nahuli ko ang kaibigan na sinusundan ng tingin ang kararating lang na si Henrick Russell na nakasampa sa mamahalin nitong motorsiklo.
Nanatili ang mga mata ni Dinah sa binatilyo na may ngiti sa labi. She's head over heels for the Nerd Student Council President.
"Dinah, halika na ano bang hinihintay mo?" Nilingon kami ni Mia. Gaya ko'y nahuli niya si Dinah na tulo laway na sinundan ang lalaki. "Dinah?"
"Sandali lang, beh." Nagpaypay si Dinah ng sariling palad at tila pinagpawisan ng malagkit. Hindi nito nilubayan ng titig ang Student Council President.
Gaya ni Dinah ay tila estatwang nakatingin lang ako sa lalaki mula sa di-kalayuan habang ito ay bumaba sa pagkakasampa sa motorsiklo. Sadyang dinama ko ng dila ang pang-ibaba kong labi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. It still gives chills into my being. Fuck! A nerd boy made me uneasy for just a single fucking kiss.
Sa inaasahan ay nagtama ang aming paningin subalit isang malamig na titig lang ang pinukol nito sa'kin. And what do you expect, Violet?
Napangiti ako ng mapakla. Hindi ako makapaniwala sa nasa isip ko. He is a nerd and not really my type! Yes! Absolutely!
"Dinah, halika na!" Binalikan ni Mia si Dinah at ininunat ang braso ngunit tila ba nabingi ang babae. Naninigas lang itong sinundan pa rin ng tingin si Henrick na buong kompiyansang nagmartsa hanggang sa tumapat nga ito sa amin.
"Good morning, Mr. President," bati ni Dinah na may kasamang maarteng paghawi ng ilang hibla ng buhok.
Tumango lang ang lalaki at nilampasan kami. Sinundan lang namin ito ng tingin hanggang iyon ay lumihis sa isang kanto at nagtungo sa Student Council Room.
"Bakit ba patay na patay ka kay Henrick, Dinah? Ang weird kaya noon," tanong ni Mia na nagsimula nang humakbang.
"Ewan ko, basta may something sa kanya. Tuwing dumaan kasi ay kumakabog ang puso ko, beh." Tumaas ang boses ni Dinah dahil sa kilig.
Pinili ko na lang na tumahimik at sumunod sa kanila na nagsimula nang humakbang.
"Tanga mo, eh hindi naman 'yon kagwapohan. Ang laki nga ng salamin sa mata! At puno ng braces ang ipin!" Nakanguso ang labi ni Mia sa mga negatibo niyang komento.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...