"Habang tumatagal kasi gusto ko sa akin ka lang... gusto ko sa akin ka lang ngumingiti. The more I am with you the more selfish I become. I want to have you all to myself, Henrick!"
"Violet."
"Habang tumatagal n-natatakot ako na isang araw hindi na kita makikita pa. Ayokong mangyayari 'yon." Pinilit ko ikubli ang nangingislap ko na mga mata. Pinilit kong pigilan na hindi gumaralgal ang boses. "You are the only one who made me feel that I existed. Nasanay na ako na nandiyan ka. W-wala nang naiwan sa akin bukod sa'yo. If securing my peace of mind requires a bit of selfishness, then that's a choice I'm willing to make. I don't want you to leave... I can't bear the thought of you going abroad, Henrick."
"Gusto mo ako na manatili?"
"If becoming selfish will make you stay, Henrick please, stay," walang pag-alinlangan na pigil ko sa kanya.
"Kung gusto mo na mananatili ako rito, I am willing to stay for you. Sasamahan kitang mabuo ang pangarap mo, Violet... pangarap natin." Naging mabilis ang kilos niya pagkatapos.
Tinawid niya ang ilang pulgadang pagitan namin. Marahas niyang inabot ang batok ko't sinakop niya ang labi ko ng walang pahintulot. Ginawaran niya ako ng halik na masuyo at banayad na ikinapikit ng aking mga mata. Habang dinama ko ang halik niya ay tila ba tumigil din ang ikot ng mundo. Kusa ko siyang binigyang daan na mahalikan ako. Sinuklian ko ang halik niya na puno ng kasiguraduhan.
Hindi ko na maitatangging nahuhulog na ako sa kanya. Sigurado na ako sa damdamin ko para kay Henrick. Mahal ko na siya na ayaw ko na mawalay sa tabi niya.
Tanging ang ingay ng pagsara ng pinto ang gumawa ng kaluskos sa sandaling iyon. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang itigil ang nagliliyab na halik na pinagsaluhan namin ni Henrick. Natagpuan ko na lang ang sarili sa loob ng student council room habang nakipagpalitan rumaragasang halik sa binata. Kung may pagtutol man sa kalooban ko sa sandaling ito kaunti lamang. Mas nanaig sa puso ko na makasama ang lalaki na tanging nagpadama sa akin ng kapayapaan. Henrick Russell!
Animo'y may sariling isip ang mga bisig ko't kusa ko iyong dinala at pinulupot sa leeg niya. Naglakbay ang mga palad ni Henrick sa likuran ko. Yakap-yakap na giniya niya ako papaupo sa ibabaw ng desk doon. Kapwa kami kumalas sa isa't isa. Habol-hiningang nagtagisan kami ng naliliyab na titig.
"Hahayaan mo ba akong hawakan kita, Violet?" He swallowed hard. His eyes were on my parted lips. Dama ko ang pag-alinlangan niya ngunit aninag ko ang pagnanasa na bumabadya sa kanyang mga mata. "Bibigyan kita ng sampung segundo upang pag-isipan 'to." he warned. "One..." he started counting while his gaze was still on me.
Sa halip sa matakot ay tila taliwas ang nadarama ko. Nilamon ang katawan ko ng kasabikan sa sandaling ito. "Tinatakot mo ba ako, Mr. President?" Mapang-akit ko siya na tinititigan.
"Pinaalalahanan kita baka pagsisisihan mo 'to sa huli, Violet. Now, think! Two..." he continued counting. "Three..."
Isang matinis na halakhak ang pinakawalan ko na sumakop sa buong silid. Inabot ko ang suot niyang glasses at tuluyang hinubad iyon.Pinaglandas ko ang daliri sa pisngi niya. "Never! Hinding hindi ko 'to pagsisihan, Hernick. I want you! I want you for myself, Mr. President."
"Again, four... five..." he insisted and continued counting.
"Kung mayroon man akong pagsisisihan iyon ay ang palampasin ang pagkakataong ito, Henrick."
"Six... seven... eight... nine..."
Hindi ko na pinatapos ang binata sa pagbibilang at kusa ko na inabot ang labi niya. Ginawaran ko siya ng halik na eskandalosa at mapanghanap. Padiin ang daliri ko na lumapat sa kanyang batok habang ang isa kong kamay ay ini-isa isa na kinalag ang butones sa suot ko na blusa.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...