Namumugto ang mata. Hindi ko alam kung saan ko ilugar ang sarili. Nakatunganga at lutang ang aking diwa. Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng mailibing si mommy. Dumating si daddy sa libing pero saglit lang din at agad umalis. Nandoon din sina Dinah, Mia at Henrick nakikiramay pero hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang mga kaibigan ko at dinaig ang isip ko sa tinding panibugho. Mula sa funeral hanggang sa naka-uwi ako ng bahay ay tila ba nakalutang lang ako't hindi pa nagsynced in sa ulirat ko ang nangyayari.
"Iha, Violet." Pumasok si Nana Koretta sa silid ko na may dalang tray ng pagkain. "Kumain ka na't nangangayat ka na." Nilapag niya ang dalang tray sa ibabaw ng kama.
Sa halip na sumagot ay binaling ko lang sarili sa nakabukas na bintana. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Si daddy ay may sarili ng pamilya. Nangako naman siya na hindi niya ako pababayaan. Kahit papaano ay may pinanghahawakan naman ako bilang anak niya pero hanggang doon lang... naiwan pa rin akong mag-isa.
Hindi ko napigilan ang luha at kusa iyong bumalong sa pisngi ko habang nakatanaw sa blangkong kawalan.
"Violet." Naupo si nana sa gilid ng kama nang mapansin ang pagsingot ko. Hinagod niya ang likod ko. "Hindi ito ang kataposan... huwag kang panghinaan ng loob."
"Nana." Mas lalo akong napahagulhol sa narinig. Hinayaan ako ni nana na umiyak nang umiyak hanggang isang katok ang pumukaw sa amin.
"Iho."
Tumambad sa paningin namin si Henrick. Simula nang maihatid niya kami sa ospital ay hindi ito umalis sa tabi namin hanggang natapos ang funeral ni mommy. He's been so patience. He's been there for me until today.
"Madam." Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng silid. Nilapag niya ang dalang Violet na bulaklak sa tabi ng flower vase na nasa ibabaw ng bedside table.
Tumalikod si nana at lumabas ng tuluyan ng silid. Naiwan kaming dalawa sa loob. Tumama ang mata niya sa pagkain na hindi pa nagalaw.
Umupo siya sa gilid ng kama. Kinuha niya ang pagkain at hinimay-himay. "Don't starve yourself, Violet... Sina Dinah, Mia naghihintay sayo."
Ilan linggo na rin na hindi ako pumasok sa paaralan.
Inangat niya ang tinidor na may piraso ng porkchop upang isubo sana sa akin ngunit umiling ako. Wala akong gana.
"Pati ako, Violet. I am waiting for you to come back," dagdag ni Henrick.
"A-anong gagawin ko, Henrick?" Kuyom ang palad. Yumuko ako upang ikubli ang namumuong luha. "N-naiwan akong mag-isa. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko... sa buhay ko." Hinayaan ko ang luha na tumakas ng tuluyan sa mga mata ko.
Kapagkuwan ay isinantabi niya ang pagkain. Yumuko siya upang matitigan ako. Inabot niya ang namamasa ko na pisngi saka tinuyo iyon. "Huwag mong isipin mag-isa ka. Nandiyan naman si nana Koretta mo... ang mga kaibigan mo... " he stopped in midsentence. He reached me and hugged me, "-ako... nandito ako, Violet." Humigpit ang yakap niya na kinahagulhol ko ng tuluyan.
Malaya ko na pinakawala ang mga luha. Pinawi ni Henrick ang alalahanin ko sa buhay. I can't recall the exact moment we grew close though Henrick has somehow become an important person in my life.
***
"Did you enjoy the place... the view?" bukas ni Henrick. Kapwa kami nakahiga sa carpet na nakalapag sa damuhan. Ang mga mata namin ay nakatunghay sa madilim na kawalan na puno ng kumikinang na bituin.
"Pretty much," sabi ko na pinagsawa ang mga mata.
"I know, she's there watching you." Ang tinutukoy niya ang aking ina.
Lihim akong napabuntong hininga. "I hope so. I hope so, Henrick. She is selfish. If she truly cared for me, why would she choose to end her life? Sarili lang niya ang iniisip niya." Ang tinig ko ay puno ng pagtatampo.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...