Pagkatapos lisanin ko ang condo ni Henrick nang madaling araw na iyon ay balik normal na rin ang lahat. Hindi kami nagkikibuan sa paaralan gaya ng dati na animo'y walang nangyari. Mas mabuti na rin ang ganoon at ayokong mapalapit ang loob sa binata.
Baybay ang pasilyo patungo sa library ay naghaharutan sina Dinah at Mia. Nakangiting nakasunod lang ako sa dalawa nang mamataan ko si Henrick mula sa kabilang ibayo na nakadungo at may sinuri sa dalang mga papel. Ibig ko sana sawayin sina Mia at Dinah subalit huli na't nabangga na ni Dinah si Henrick. Naging mabilis ang kilos ng binatang saluhin at suportahan si Dinah na h'wag bumagsak sa matigas na sahig.
Lahat ng dalang papel ng lalaki ay lumipad sa ere. Tila ba ang dalawa ay nasa eksina sa pelikula. Nagapagong ang takbo ng oras habang nagtagisan ng titigan.
"OMG, beh!" pabulong na turan ni Mia na siniko ang tagiliran ko.
Natulos lang ako sa kinatatayuan habang sinundan ng tingin ang Student Council President at si Dinah na sa sandaling ito ay nanatiling magkahinang ang mga titig.
"Halika na, Violet!" Mabilis na hinagip ni Mia ang braso ko papalayo.
"Hindi ba natin sila tutulungan?" Akma ko na bawiin ang braso ko upang lapitan sila pero muli iyong inunat ni Mia.
"Ano ka ba? It's Dinah's moment hayaan mo na ang dalawa. Tayo na!"
Napabuntong hininga na sinulyapan ko sila Dinah at Henrick na sa sandaling ito ay nag-uusap at magkatulong na pinulot ang mga papel. Tumalikod ako na tila nanibugho sa eksina na nasilayan na sana dapat ikatuwa ko para kay Dinah... para sa kaibigan ko.
***
Kanina pa ako nakamata kina Henrick at Dinah na magkapartner sa P.E dance lesson namin. They look so good together. They both smile gracefully together. They are good couple though.
Lihim ako na napahugot ng malalim na hininga. Tipid na ngiti ang pinakawala ko. Nagpaalam ako kay Mia na pupunta ako ng banyo. Halos liparin ko ang pasilyo mawala lang sa paningin ko sina Henrick at Dinah.
Hindi ko alam pero I hate looking at Henrick and Dinah so close. I hate when they smile at each other, that suppose I shouldn't feel for my best friend.
However, I hated it-that I want to snatch Dinah's hair. Yes. I am jealous like hell! Gusto ko ako lang ang makakita ng ngiti ni Henrick. Gusto ko sa akin lang siya ngumingiti... at ang katotohanang iyon ay nakapagpapabagabag sa akin. Ayoko ang pandamang ito... ayoko!
Tinakbo ko ang pasilyo. Wala naman akong planong magbanyo... gusto ko lang mapag-isa... pakiramdaman ang sarili ko.
Tumigil ako sa kakatakbo nang kusang bumigay ang tuhod ko't napa-upo ako sa isang kanto... saka ko malayang pinakawala ang mga luha ko na kanina pa nagbabantang tumakas. As time passes, I find myself becoming possessive of Henrick. I desire to have him all to myself.
Nang mahimasmasan ay pasimple ko na tinuyo ang luha sa mata. Akma akong babalik sa klase nang may naulingigan akong anino sa likuran ko. Bahagya akong napa-atras nang makilala ko kung sino. Henrick!
Nakatayo siya sa harap ko na may ngiti sa labi. Inilahad niya sa akin ang paborito ko na orange juice. "Here, I know this is your favorite."
Akma ko iyong tanggapin ngunit napinto ko ang planong gagawin. Napakuyom ko ang palad nang mahagip ng mga mata ko si Dinah sa likuran ni Henrick na may hawak na orange juice na gaya ng nilahad nito sa 'kin.
"Don't bother, Mr. President hindi ako nauuhaw!" pagsisinungaling ko na nilampasan siya. Nilakihan ko ang hakbang hanggang narating ko ang kinatatayuan ni Dinah. Dali ko na kinawit ang braso sa bisig nito. Pinilit ko na maging kaswal.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...