Natagpuan ko ang sariling sumang-ayon na sumama kina daddy at Veronica. Si daddy na mismo ang nagbuluntaryo sa lakad naming 'to. Sino naman ako para tumanggi. Gusto ko na maranasan kung ano ang pakiramdam na magkaroon siya ng oras para sa 'kin.
Matapos maihanda ang mga kakailanganin namin ay nauna na kami ni Kiaro sa garahe upang ilabas ang Land Rover Defender niya na siyang gagamitin namin sa pagbabyahe. Sina daddy ay sa kabilang sasakyan.
Hinintay ko na tuluyan mailabas ni Kiaro ang sasakyan nang sumulpot si Henrick sa gawing likuran ko sabay na tumikhim. Nagtuloy-tuloy siya hanggang tumapat sa akin. Hindi ko maitatangging napakagwapo nito sa suot na simpleng puting t-shirt at pantalong maong na kupasin pares ang mamahaling sneakers. Wala masyadong pinagbago ang lalaki.
Pinasadahan niya ako ng tingin na kinatayo ng aking balahibo sa batok. I'm dressed in a backless white top, a denim skirt that falls above the knee, and strappy sandals. Damit na feeling ko bagay naman.
"You showed too much skin, Violet. Sigurado akong mahamog doon sa pupuntahan natin, lamigin ka pa naman."
"You don't need to be so concerned, Mr. Russell." Inirapan ko lang siya.
Why doesn't he spend time with his wife instead of with us? Sabagay, Veronica is his mother. Nagkibit-balikat ako sa sumagi sa utak ko.
Tunog ng cellphone ang nagpalingon sa akin sa direksiyon ni Henrick. Hindi sinasadyang tumama ang mata ko sa screen ng hawak niyang device. Nakita ko ang pangalang rumehistro roon. Dinah.
Mapakla akong napangiti. Pinilit ko na alisin ang atensiyon sa lalaki. Ito nama'y tumalikod upang sagutin ang tawag. Nakangusong binalingan ko na lang at sinundan ng tingin ang Land Rover ni Kiaro na napreno sa harapan ko.
Akma kong buksan ang pinto nang binaba ni Kiaro ang tinted na salamin ng bintana. "Wait there, baby girl."
Nagsalubong ang kilay na sinundan ko ng tingin ang binata na bumaba at umikot sa harapan ng sasakyan. Nakangiting pinihit niya ang handle ng pinto at pinagbuksan ako.
"What's with you today, huh?"
Matamis lang na ngumiti si Kiaro. Lumutang ang maputi at pantay pantay niyang mga ngipin. Yumuko siya't tinapat ang labi sa tainga ko. "Sumakay ka na-"
Ngunit bago pa ako nakakilos ay tila kidlat na inunahan ako ni Henrick. Tila pag-aari nito ang sasakyan at naunang pumasok sa unahan.
"Mr. Russell, what are you doing?" gulat na tanong ni Kiaro.
"Isn't it obvious?"
"Sa likod ka-"
"No! Gusto ko dito," matigas na tanggi ni Henrick.
"Bakit ka ba makikisakay? Magdala ka ng sasakyan mo!"
"Mahal ang gas, Mr. Ramirez sayang-"
Isang malutong na tawa ang pinakawala ni Kiaro. "Sa dami mong pera?"
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...