"What was that all about yesterday, Violet?" bungad ni Dinah nang maupo ako sa upuan sa loob ng classroom. Maaga siyang dumating.
"W-what?" kunwa'y wala akong maalala. Pasimpleng nilapag ko ang dalang bag. Sobrang ingat at patagilid kong nilapat ang pang-upo sa upuan. Ininda ko ang hapdi sa pagitan ng aking hita.
"Tinarayan mo 'ko, beh!" giit niya na pinandilatan ako ng mata.
Isang peke na ngiti ang ginuhit ko sa sulok ng aking labi. "Ay, 'yon ba. Sorry na."
"Dahil sa inakto mo kahapon napa-isip tuloy ako. Crush mo ba si Henrick?"
Muntik na akong mabulunan sa narinig. "H-Ha?" Napangiti ako ng pilit.
"Kagabi ko pa ito iniisip eh. Kilala kita hindi mo talaga type ang style ni Henrick pero kahapon nag-iba bigla ang pananaw ko."
Isang pilit na tawa ang pinakawala ko. "B-Bakit naman?"
"The way you stare at him, iiisipin ko talaga may gusto ka sa kanya."
"W-What if gusto ko nga ang crush mo?"
Natigilan si Dinah. Sumeryoso ang mukha niya na mataman akong tinititigan. "W-Well, hindi ko alam." Naiiling siya.
"Would you be willing to hand him over to me, since you know... I'm your friend, Dinah?" Palatak akong tumawa kunwa'y binibiro ko lang siya.
"No!" walang pag-alinlangang tanggi ni Dinah. "Hindi na kita iimikin habang buhay, beh. Kalimutan mo na lang na matalik tayong magkaibigan kung ganoon." Ngumuso si Dinah na inirapan ako. Nilingon niya ang nakabukas na bintana.
"Seryoso?"
"Oo nga."
"Weeh, we have been best friends since childhood, Dinah. Ganoon mo lang ako kadaling kalimutan dahil kay Henrick—"
"Yes!" deritsong sagot ni Dinah.
Nagulat ako. Is she really that in love with him? "Gaya ka rin naman sa kanya di ba? You're selfish, Violet! Hindi mo nga inintindi ang nararamdaman ni Dinah kahapon," sigaw ng utak ko.
"Tama magkaibigan na tayo noon pa, Violet pero mas naunang dumating si Henrick sa buhay ko kaysa sayo," pag-amin ni Dinah.
"W-What do you mean?"
"His late father was my dad's best friend. I've known him from the beginning. Hindi lang crush ang nararamdaman ko sa kanya kundi mahal ko siya, Violet... mahal na mahal," madiin na bigkas ni Dinah sa huling kataga. Seryoso na tinapunan niya ako ng titig.
Napatiuna ako. Bigla akong nanliit sa sarili ko mula sa narinig kay Dinah. Ni katiting patungkol kay Henrick ay wala akong ideya kung saan ito nanggagaling na pamilya. Nakilala ko lang ito simula Grade-7. Maliban sa nakatira ito sa mamahaling condo at nagtatrabaho bilang part-time ay wala na... pero hindi naman iyon basehan upang sukuan ko ang nararamdaman ko kay Henrick. I have become selfish; what is the purpose of backing down?
Tumikhim ako upang makabawi. "Kilalang kilala mo na talaga siya?"
"Oo naman, at some point we keep it a secret na magkakilala ang pamilya namin... na magkilala kami simula pagkabata. Kaya 'wag mo nang agawin pa ang mahal ko, beh. Friends naman tayo di ba?" pabirong turan ni Dinah kahit alam ko seryoso siya sa pahayag.
***
"Beh, gusto n'yo ng drinks?" alok ko kina Dinah at Mia."Yes, isa akin beh," sang-ayon ni Mia na hindi man lang ako tiningnan. Nakaharap siya sa mga kagrupo namin na nagpractice ng sayaw para sa darating na graduation.
"Ikaw, Dinah gusto mo?"
"Di na, beh may tubig naman ako."
Sumaglit ako sa cafeteria upang bumili sana ng tubig at snacks. Kanina ko pa pilit maglakad ng tuwid at maayos. Hindi nawawala ang hapdi sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko at tila lumalala dahil sa kakapractice ng sayaw.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...