Her Rescue

333 9 0
                                    

"Kuya Ted, h'wag n'yo na lang po akong hintayin. Hindi ako sigurado kung anong oras ako matatapos," bilin ko kay kuya Ted ang driver ng Ramirez household.

"Sige, seniorita."

Bumaba ako sa kilalululanan na kotse sa tapat ng Blackbird fancy restaurant. Suot ang kulay itim na bodycon dress na hanggang kalahati ng hita ay nagtuloy tuloy na akong pumasok sa loob.

Hindi ko alintana ang iilang mga matang nakatunghay sa'kin. Nilinga ako ang leeg nakita ko agad si Dylan sa isang sulok.

He is looking handsome in his grey suit. Malapad ang ngiti niya na tumayo nang tuluyan akong makalapit. "Good evening, Violet."

Ngumiti ako at binati rin ang lalaki. Inusad niya ang upuan. "Thank you." Mabini na umupo ako na nilapag ang mamahalin na dala ko na purse sa ibabaw ng mesa.

Dylan tries his best to be a gentleman. We ordered fancy cuisine. We ate and engaged in small talk.

Nasa kalagitnaan kami ng aming usapan nang may napansin akong pamilyar na bulto na papasok sa loob ng restaurant. Napinto ko ang kopita na may lamang wine sa ere habang sinundan ko ng tingin ang isang sweet na pares na naglalakad hanggang sa nilampasan ang mesa na kina-uupuan ko.

Napahigpit ko pagkakahawak sa baso na ibig ko na lang durugin iyon. Hindi ko mailugar ang sarili. Nanginginig ang aking kalamnan na gusto ko na lang sumabog.

I was really uneasy. Nangingislap ang aking mga mata na gustong bumalong aking luha sa nasaksihan.

Daddy!

"Violet, okay ka lang?" tanong ni Dylan nang hindi ko pinupuna ang mga sinasabi niya.

Tila ba nabibingi ako't wala akong marinig maliban sa malakas na pintig ng puso ko. Nakatuon lang ang mga mata ko kay daddy sa di-kalayuan na may kasamang ibang babae na may malapad na ngiti sa labi. He is so alive. Buhay na buhay ang mukha niya na kailanman ay hindi ko nasilayan sa tuwing kasama niya si mommy.

"Violet-"

"I am sorry!" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Hinagip ko ang purse na nasa tabi. "I am sorry, Dylan. Let's continue our date some other time!"

Hindi ko na binigyan si Dylan ng pagkakataon na makapagsalita. Kusa ko siyang iniwan. Malalaki ang aking hakbang na gusto ko na lang liparin ang pasilyo. Ibig ko na lang maglaho sa malupit na mundo.

Lakad-takbo ang aking mga hakbang. Hindi ko na binigyang pansin ang mga tao sa paligid. Lumalabo at nagaulap na aking mga mata sanhi ng nagbabantang luha na kanina ko pa pinigilan. Hindi ko napansin ang waiter sa unahan at nabunggo ko ito. Hindi sinasadyang nawalan ako ng panimbang at sumimplang sa sahig.

Lahat ng mga mata ay nakatanaw sa direksiyon ko. Hindi ko alam kung paano paunlakan ang sitwasyon. Naninigas na lang ako na hindi alam ang gagawin.

"Are you alright?"

Pagkadinig ko sa boses hindi ko napigilang bumalong ang aking mga luha sa mata. Tumambad sa paningin ko si Henrick Russell. Mas lalo kong pinakawala ang mahinang hagulhol.

Why is it that he, among everyone else, is always the one who comes to my rescue when I am in need?

"Cover me, Mr. President," pagsusumamo ko na mas lalong pinakawala ang mga luha. Tumalima ang lalaki.

He rescued me, shielding me from the gaze of onlookers, and guided me to the exit.

"You have my shoulder to cry on, Miss Ramirez," mungkahi niya nang marating namin ang malawak na espasyo sa labas ng gusali. Giniya niya ako at pinasandal sa kanyang motorsiklo.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon