Sa inaasahan ay gulat ang sumalubong kay dad nang malaman nito ang nangyari sa pagitan namin ni Henrick.
"I was planning to tell you, Emmanuel-"
Bago pa natapos ni Henrick ang pangungusap ay isang malakas na kamao ang binato ni daddy sa kaliwang pisngi ng lalaki na kamuntikan nang ikinabuway nito.
Kapwa gulat at takot ang rumehistro sa mukha namin ni Tita Veronica na nakamasid sa dalawang lalaki sa loob ng mansion na pag-aari ni Henrick.
"Malaki ang tiwala ko sa'yo! Hindi ko man lang alam na ikaw pala ang dahilan kung bakit umalis si Violet dito!" Akmang batuhin na naman ni daddy si Henrick ng suntok pero mabilis akong pumagitna.
"Dad!"
"Violet!" Mas lalong nagdilim ang mukha ni daddy.
"I am sorry, dad but... can you spare him for this time?" hinawakan ko si Henrick sa braso.
Henrick proudly stood still. Maingat niyang pinahid ang dugo mula sa pumutok na labi. Taas noong nakipagtagisan siya ng titig kay daddy. Animo'y hindi man lang nabagabag sa tinamong suntok. "Baby, I am fine," mahinang bulong niya. Sinakop niya ng mahigpit ang palad ko na puno ng siguridad.
"Violet! Kung hindi ko kinulit si Kiaro hindi ko malalaman ang nangyari sa pagitan ninyo-"
"Pero, dad lahat ng mga nangyari ay may rason. Isa iyon sa dahilan kung bakit nagiging okay tayo ngayon."
"Violet-"
"Y-You don't have the right to hate him, dad." Buong pagmamalaking sinulyapan ko si Henrick. Pinigilan ko na hindi gumaralgal ang boses. "For all you know... t-that moment when Mom died, instead of having you on my side, I had him... nandoon siya, dad... hindi niya ako iniwan." Hindi ko na napigilan ang pangangatal ng aking tinig. Muli na sumariwa sa aking isipan ang mga nangyari.
"Violet." Bakas sa mukha ni daddy ang guilt.
"S-si Henrick lang ang mayroon ako noong panahon na 'yon. H-He saved me from the darkness I was in, dad. Siya lang ang pinanghahawakan ko sa panahong sobrang miserable na ng buhay ko. I longed for you to come but you weren't there. Hindi kita mahanap, dad." Kusang nagdalas ang mga luha ko kasama ang pagsingot.
"Baby." Agaran akong niyapos ni Henrick ng yakap. "I am so sorry." Pinagpag niya ng halik ang bunbunan ko. "To you, Emmanuel." Bumaling si Henrick kay dad. "Kahit na hindi ka sang-ayon sa'min ni Violet, pakakasalan ko pa rin siya. Gagawin ko pa rin ang nais ko at nais ng anak n'yo. I may have hurt her but I regret it completely. I loved Violet, I love her and I will love her, Emmanuel," buong tapang na deklara ng lalaki.
Pinuno ni daddy ang dibdib ng hangin. Napahilot siya sa sariling sentindo.
"Violet, anak!" tinawid ni Tita Veronica ang ilang pulgadang pagitan namin. Kusang bumagsak ang tuhod niya sa paanan ko. Kusang niyang pinakawala ng mga luha. "I-I am so sorry, it was all because of me. Kasalanan ko ang lahat. Naging miserable ang buhay mo nang dahil sa panghihimasok ko sa buhay n'yo."
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...