Scared like Bullshit

312 7 0
                                    

"Glad you're here, Violet!" paos na saad ni Henrick.

Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Tumama ang mata ko sa kanyang katawan. He's half naked. Tanging pang-ibabang pajama lang ang suot niya. Huli na nang makakontra ako nang biglaan niya ako inunat papasok sa loob ng condo. He automatically rested his forehead on my right shoulder. Dama ko ang mainit na enerhiya na nagmumula sa katawan niya. Nag-aapoy ng lagnat ang lalaki! 

"Glad you're here, Violet," ulit niya na tumama ang mainit na hininga sa dibdib ko.

"M-Mr. President!" Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. "God! Nilalagnat ka!"

"Alam ko," paungol niyang puna.

"Nilalagnat ka, Mr. President!" ulit ko na hindi mapakali sa kinatatayuan.

"Alam ko—"

"Anong gagawin ko?!" Walang pahintulot na giniya ko siya papasok sa loob.

Bumungad sa aking ang maaliwalas na sala ngunit malimit lang ang kasangkapan sa loob. Maliban sa isang abuhing couch, carpet at maliit na babasaging mesa sa gitna ay wala na. Wala ni maski tv o kaya anumang appliances.

"Do you live alone?" tanong ko na nakamata pa rin sa paligid.

Umungol lang si Henrick na binitawan ang braso ko. Matamlay niyang tinungo ang sofa saka roon pinagpahinga ang ulo sa headrest. He closed his eyes.

"Sino ang magluluto sa'yo, ang gumagawa ng gawaing bahay?" Hindi ko napigilan ang bibig at kung ano-ano na ang lumalabas.

Wala akong nakuhang sagot mula rito. Nakapikit lang ito hanggang hindi ko napansin na inusad ko na pala ang paa papalapit sa kanya. Yumuko ako upang damhin ang kanyang noo.

"Tang-ina! Nag-aapoy ka ng lagnat," bulyaw ko na hindi ko maipalagay ang sarili. "Fuck! What should I do?!"

"Stop cursing, Violet," saway ni Henrick na nanatiling nakapikit. Namamaos ang boses niya.

"I can't help it! I am not used to this situation! Tang-ina!"

"Violet, cursing isn't helping," pagod niyang pangaral sa'kin.

Hindi ko pinakinggan ang lalaki. Iniwan ko sa sala at dali-dali akong nagtungo sa kusina upang maghanap ng pwede gamitin. Paikot-ikot na lang ako ni isang bagay wala akong ideya. Tarantang dinukot ko sa cellphone sa bulsa at tinawagan ko si nana.

"Nana, ano po gagawin ko? Nilalagnat po ang kaklase ko!" mangiyak-ngiyak na sumbong ko sa kabilang linya.

"Painumin mo ng Paracetamol," turan ni nana. Naging mabilis ang kamay ko at pinaghahalungkat ko ang mga nasa kusina. Laking pasalamat ko't may nakita akong first aid kit sa isang sulok. "Ta's kumuha ka ng maaligamgam na tubig at bimpo."

Tumalima naman ako at inihanda ang inutos ni Nana Koretta. "Anong gagawin ko rito, nana—"

Napabuntong hininga si nana sa kabilang linya. "Basain mo ang bimpo at idampi-dampi mo sa noo at sa buong katawan ng pasyente upang bumaba ang lagnat niya, nakuha mo?"

"Opo, nana baka hindi po ako agad maka-uwi. Titingnan ko muna ang kaklase ko. Siya lang po mag-isa sa condo, nana."

"Naku Violet, gusto mo ipadala ko riyan si Iping para may makasama kayo," bakas sa boses ni nana ang pag-alala.

"H'wag na po, kaya ko na po."

"Sigurado ka?"

"Opo, kung kailangan ko po ng tulong ay tatawag po ako."

Nang maihanda ko ang kakailanganin ay ini-end call ko na ang tawag. Bumalik ako sa sala na dala ang maaligamgam na tubig at bimpo kasama na ang gamot.

Naabotan ko si Henrick na nanatiling nakapikit. Yakap-yakap nito ang sarili at nanginginig. Ibig kong maghestirya at unang beses ako naging ganito ka concern at kung bakit ay hindi ko rin masagot.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon