Violets Are Blue

387 11 1
                                    

Mula sa mahigit isang oras na paglalakbay ay natagpuan ko ang sariling sumama kay Henrick sa isang makitid at masukal na daan. Baybay ang daan na puro talahib at malalaking puno lamang ang makikita. Mula sa kinatatayuan namin maling galaw lang siguradong sa bangin kami pupulutin. Hindi ko alam kung saang parte ito ng Pilipinas. Langit o impyerno ay wala akong ideya.

"Sa lahat ng pwede nating puntahan ba't dito pa?" reklamo ko na nangangapa. Napakapit ako sa katawan ng mga punong kahoy sa gilid. Kaya pala nang nilisan namin ang bahay ay dinala ako ng binata sa isang department store upang ibili ng walking shoes. Hindi ko naman akalain na sa lugar talaga na pakiramdam ko walang umiiral maliban lang sa mga damo, puno at ibon sa kalikasan.

"Di ba sabi mo dalhin kita sa lugar na walang ibang makakaabot?" Ngumiti siya ng mapanukso. "This place defines it." Nilibot niya ang mata sa paligid. Walang ibang gumagawa ng ingay kundi ang huni ng ibon. Ang kaluskos na sumasayaw na mga dahon na sumasabay sa hampas ng hangin. "Halika na." Nilahad niya ang palad sa harap ko.

Napatiuna ako ng ilang segundo bago ko tinanggap ang palad niya. Muli nakadama na naman ako ng kakaibang pandama na dumaloy sa ugat ko nang maglapat ang palad namin. Napaangat ko ang mata sa mukha niya. Kita ko pa rin ang magandang ngiti niya kahit na ba papalubog na ang araw. The warm, golden sunlight caressed his face, offering a pleasant sight.

"Hindi ko naman sinabing pupunta talaga tayo sa masukal na lugar. It was a metaphorical phrase; you know what I mean."

Mahina siyang natawa. "Halika na, wala ng atrasan pa nandito na tayo. Just a few more steps and you will find yourself in paradise." Inakay niya ako. Nilakihan namin ang hakbang.

"Paradise? Baka hindi na tayo makakauwi ng buhay, baka may obsessed killer dito!"

Isang mahinang tawa muli ang pinakawala ni Henrick na tumigil sa paghakbang. "H'wag kang mag-alala pag-aari ng pamilya ko ang kagubatang ito. Wala tayong dapat ikapangamba. Trust me, Violet." Yumuko siya upang pagkatitigan ako. 

And it made my heart race like bullshit! "A-As if I have another choice, I must trust you."

"Good." Muli namin na pinagpatuloy ang hakbang.

Tahimik akong nakasunod sa kanya habang akay-akay pa rin niya ako hanggang sa narating namin ang tuktok—ang sinasabi niyang paraiso. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Malaya ko na ginala ang mata sa paligid. Punong paghanga ang bumabadya sa aking mukha. Bumungad sa paningin ko ang malawak na kapatagan sa ibabaw ng matayog na bundok—talampas. Puno ng mga talahib, damo at mga ligaw na bulaklak na kulay dilaw, violet at blue. Napakaganda, nakakagalak sa mata. Ngunit may isa pa na nakakaagaw ng aking pansin ang malaking puno ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan. May tambayan sa ilalim. Sa tabi niyon ay may duyan na yari sa yantok.

"Wow, paradise nga, it is giving, Mr. President," bulalas ko dahil sa paghanga.

"Di ba?" Punong pagmamalaki na sinulyapan niya ako. Umungol lang ako bilang puna. Hindi ko mabura-bura ang munting ngiti sa labi.

Dinala niya ako sa ilalim ng malaking puno ng kahoy. May malapad na bangko na yari sa kawayan kung saan malaya naming masisilayan ang papalubog na araw. Magkasabay kaming naupo roon habang pinagsawa namin kapwa ang mata sa tanawin ng kalikasan.

Ang kaninang puno ng pait na pakiramdam ay sadyang napawi sanhi ng magandang lugar na pinagdalhan ni Henrick sa akin.

Nakangiting binalingan ko ang binata. He's not wearing his old-school glasses. Malaya ko na nasisilayan ang gwapong mukha niya. 

"Hindi ko naman sinasabing dalhin mo talaga ako sa ganitong lugar pero... salamat, Henrick," mayumi ko na wika. Muli ko na tinunghayan ang malapad na kapatagan. Malaya ko na pinuno ang dibdib sa preskong hangin.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon