A Secret

423 12 1
                                    

Namumugto ang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Namumugto ang mga mata. Matamlay akong bumangon mula sa pagkakasalpak sa malapad na kama. Hinagilap ko ang susi ng aking 718 Cayman. Nagtuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto.

Pagkakababa ko ng hagdanan ay sakto rin na papaakyat si Mommy Rowena. Abala sa kapipindot ng kanyang cellphone.

"Mommy-" pumiyok at hindi ko na natuloy ang sasabihin nang nilampasan lang niya ako at magderi-deritsong umakyat sa ikatlong palapag ng mansion na tila hindi ako nakikita.

Napabuntong hininga na lang na pinagpatuloy ko ang pagbaba ng hagdanan. Hindi ko napansin na kanina pa pala nakatayo si Nana Koretta sa sala.

"Nana."

Sinalubong ako ni nana saka tinapik ang aking balikat. Ibig umalpas ang aking mga luha pero pinigilan ko. Nagtuloy-tuloy ako sa pandalawahang pinto nang magsalita si nana sa likuran.

"Saan ka na naman pupunta, Violet?" Nahihimigan ko ang pag-alala sa tinig ni Nana Koretta. Si nana ay malayong kamag-anak ni mommy na hindi nakapag-asawa.

"Magpapahangin lang po ako, nana." Sadyang hindi ko siya binalingan dahil alam ko na hindi ko na mapigilan ang mga luha kapag magtama ang aming mga mata. Madiin ko na tinikom ang labi.

"Hayaan mo muna ang mommy at daddy mo, abala lang sila sa trabaho," dahilan ni nana na tuluyang kinabalong ng luha ko. Tumakas ang luha ko na kanina ko pa tinitimpi. Palagi lang ganoon ang dahilan ni nana sa'kin.

Hindi ko siya sinagot sa halip pinagpatuloy ko lang ang mga hakbang.

"Violet, h'wag masyadong magpapagabi," bilin niya.

Tumango lang ako na hindi na binalingan si nana. Ayoko makita niya ang mga nangingislap ko na mga mata. Nilakihan ko ang hakbang hanggang narating ko ang garahe. Pumasok ako sa loob ng kotse saka ko roon malayang pinakawala ang aking mga hikbi at hagulhol.

"Hindi ako makakasama, mapapagalitan na naman ako ni mommy kapag lumabas pa ako," dahilan ni Dinah sa kabilang linya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ako makakasama, mapapagalitan na naman ako ni mommy kapag lumabas pa ako," dahilan ni Dinah sa kabilang linya.

"Ako rin, alam mo naman sina mommy sobrang higpit. Sa weekend na lang tayo gagala kapag wala nang pasok," segunda ni Mia sa aming group call.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon