While I was leisurely browsing through my Kindle, Henrick was engrossed in reading some books. We were both snuggled up in his bed under the cozy blanket. Maulan-ulan ang panahon at malamig ang simoy ng hangin. Sa halip na magagala sa labas napasyahan naming manatili na lang sa condo niya. Dedicate more time to reading books and enjoying hot chocolate together.
Nang mabagot ay dinampot ko ang cellphone sa tabi. I couldn't resist and sneakily snapped a candid photo of him. Nakangiti na sinuyod ko ang kuhang larawan. I never imagined that the nerd I once ignored would be the one to rescue me from the depths of my loneliness.
"Did you take a photo of me?" Sinara niya ang nakabuklat na libro.
"Yeah, and?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala lang, kuhanan din kita." Nilapag niya ang libro saka dinampot niya ang cellphone na nakalapag lang sa ibabaw ng kama. "Smile for me, baby," pinuwesto niya ang camera upang kuhanan ako. Ilang click din ang ginawa niya bago tumigil. "Wow, you look beautiful, baby," puri niya na sinuri ang mga shots.
Humilig ako sa balikat niya upang masilip ang kuha. Ngumuso ako. "Ano ba 'yan, baby ang pangit ko d'yan. Gulo 'yong bangs ko-"
"Walang pangit sa mata ko. Kahit saang anggulo maganda ka naman, ah." Itinaas niya cellphone dahil akma ko iyong kuhanin upang burahin sana. Ta's piningot niya ang aking ilong.
Sumusukong umayos ako nang upo. Napansin ko na lang muli niya akong kinuhanan ng litrato. Looking at it left me utterly devastated. Nakasimangot lang naman ako sa picture.
"Delete that, Henrick!"
"Bakit naman? Ganda mo dito, oh," pagmamalaki pa niya.
"Ang pangit!"
"Hindi naman ah, mas lalo kang gumaganda dito kasi galit ka." Hinapit niya ako't hinalikan sa pisngi.
"'To naman inuuto pa ako."
"Hindi kaya." As he browsed his gallery, his phone began to ring. On the other end was Dinah, making the call.
Tumikhim ako. Kunwa'y nagbusy-busyhan ako sa pagscoll din ng phone ko.
Henrick answered the call. "Yeah, pupunta na ako." Mabilis ang kilos niyang bumaba ng kama. Kinuha ang susi ng kotse niya na nakabitin sa pader. Binalingan niya ako pagkatapos. Lumapit siya sa akin. "Sorry, baby something came up." Yumuko siya upang hagkan ang labi ko.
"Baby, bakit di na lang natin sabihin kay Dinah ang tungkol sa 'tin," bukas ko ng paksa.
Napinto ni Henrick ang hakbang nang marinig ang sinabi ko. "Gusto mo na sabihin sa kanya, sigurado ka ba?"
Umungol ako bilang sagot sa kanya.
"Sige sasabihin natin kapag may tyansa."
"Kailan pa?"
"Basta." Yumuko siya't hinaplos ang pisngi ko. "Sige aalis na ako." Muli niya hinalikan ang labi ko.
"Babalik ka agad?" Nakatingala ako sa kanya mula sa pagkaka-upo sa kama.
"Yeah, babalik ako agad. May inutos lang si tita sa'kin." Ang tinutukoy niya ang mama ni Dinah.
"Okay."
Ang pagsara ng pinto ang nagpakurap sa aking mga mata. Napabuntong hininga na muli ko na lang sinentro ang atensiyon sa Kindle. I have been in that exact position. Hindi ako nangahas na kumilos hanggang lumipas ang isang oras, dalawa hanggang naging lima ngunit hindi pa rin bumabalik si Henrick. Sumusukong umalis ako sa condo niya pagkatapos.
Lumipas ang mga araw ay tila ba naging mailap ang panahon. Nananadya at sa tuwing magkasama kami ay aalis din agad ang binata at may inaasikaso. Malimit na lang na magkasama kami lalo na nang pumanaw ang ama ni Dinah. I was there to offer my condolences to the family. I saw Dinah and I felt sorry for her. Nag-iisang anak si Dinah ngunit hindi gaya ko na walang makakapitan. May makakapitan siyang ina, mga kalapit na kamag-anak, kaibigan at ang kababata niyang si Henrick.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...