Assurance

345 8 0
                                    

"Nandito ako at kahit kailan wala akong planong iwan ka, Violet," turan ni Henrick na hinigpitan ang yakap sa akin. "Bakit mo ba na-isip 'yan?"

I pressed my face deeper into his chest. "Hindi ko alam bigla na lang iyong sumagi sa utak ko. Nang makita ko kayo na magkasama na iniwan ako. Natatakot ako na balang araw ay aagawin ka niya sa akin."

Realizing how long they've known each other only deepens my feelings of insecurity.

Yumuko si Henrick upang matitigan ako. "You don't need to be scared, baby. Dinah and her family may be important to me, but you are far more important." Mataman niya akong tinititigan. "I love you, baby." He brushed his lips on my forehead.

His words gave me a sense of assurance. Kusa akong tumingkayad upang maabot ang labi niya't mahagkan. Akma akong kakalas nang naging maagap si Henrick na higpitan at hapitin ako padikit sa kanya. Pinalalim niya ang halik na aking sinimulan. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang init na lumukob sa aking katawan. Natagpuan ko na lang muli ang sarili sa ibabaw ng kama at wala ng suot na katiting na saplot. Kusa ko na namang pinaubaya sa kanya ng buo ang aking katawan. Paulit-ulit nang walang kapaguran.

***

11:38 P.M.

Tunog ng cellphone ang nagpagising sa aking diwa mula sa mahimbing na tulog. Inabot ko iyon na nakapatong sa bedside table. Cellphone ni Henrick ang tumutunog. Binaling ko ang sarili sa binata na sa sandaling ito ay mahimbing pa rin na natutulog. We were both naked under the sheet.

Ilang saglit ay tumigil ang pagtunog ng cellphone. Akma ko na sanang ilapag iyon ngunit muli na namang tumunog. Tumambad sa screen ang pangalan ni Dinah. Lihim akong napasinghap. Hinayaan ko iyon na tumunog nang tumunog. Wala sa sariling dinala ko ang daliri sa cancel button nang gumalaw si Henrick mula sa pagkakayakap sa aking beywang.

He hissed. "Babe, cancel who's calling," antok niyang sabi na siniksik ang mukha sa leeg ko.

"But, it's Dinah who's calling—"

"Patayin mo na, baby please," malambing na utos niya na naging malikot ang palad sa dibdib ko.

"Baka importante 'to, baby—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang dinaklot ni Henrick ang cellphone na hawak ko't walang pag-alinlangan ini-off. "You're more important than her, Violet." Tinapon niya ang device sa kung saang espasyo. "You're more important." Bumalikwas siya paharap sa akin. Niyakap at agarang sinakop ang labi ko. 

Hindi ako nakahuma sa kapusokan nito. Malaya ko na sinuklian ang mga halik niya hanggang sa inaasahan ay lumalim iyon nang lumalim at inangkin akong muli ni Henrick. Moans filled every corner of the condo, not just on the soft mattress or under the running shower.

Ang kaninang puso na puno ng takot at pangamba ay napalitan ng kasiguraduhan.

***

Lumipas ang mga araw ay naging masaya ako sa piling ni Henrick. He took me back to Paraiso Escondido for the third time and we danced under the moonlight. Walang oras na hindi ako masaya sa tuwing kasama ko siya. As we spend more time together, I am learning more about him. 

He is passionate about playing online games and has gained popularity in the gaming community, yet he chooses to remain anonymous behind the alias 'SniperPro'. 

Wearing his oversize shirt I quietly observed him from behind as he sat at his computer. Nang mabagot ay nilapitan ko siya. Yumuko ako at tinapat ang labi sa pisngi niya mula sa likuran.

"Baby," matamis na bulong ko.

Hindi niya ako pinansin at nakaharap lang siya sa monitor. Napanguso ako. Akma akong tatayo ng tuwid nang naging mabilis ang kamay niyang hagipin ang pulsuhan ko at sadyang pinapa-upo ako sa kandungan niya habang ang mata niya ay nakatuon pa rin sa laro.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon