Tagapagligtas

311 9 0
                                    

Buong paghanga na nakatuon ang aking paningin kay Henrick na nasa itaas ng entablado. Nasa kalagitnaan ito ng pagtatalumpati. Henrick has received one of the highest honors in our class.

"Class of 2024, the responsibility to effect change rests with you. Strive to earn the respect and admiration of others, and leave a lasting impression of perseverance and self-belief..." si Henrick.

"OMG, he is perfect, isn't he?" mahinang sambit ng kaklase namin sa likuran ko. Pati si Dinah hindi maikubli ang paghanga na nakatuon ang paningin kay Henrick. He's not wearing his old-fashioned glasses.

"Class of 2024, best wishes on your journey ahead! Remember that graduation is not the end; it's the start of a thrilling new chapter in your lives," wakas ni Hernick sa kanyang talumpati.

Masigabong palakpakan ang pumainlang sa buong stadium kung saan ginanap ang aming pagtatapos.

"Congratulations class of 2024!"

Lahat ay naghiyawan. Pawang masayang ngiti ang makikita sa pagdaraos na iyon. Namataan ko agad ang mga kaibigan ko na papalapit sa akin na may ngiti sa labi.

"Group hug, beh!" hiyaw ni Dinah na niyakap kaming dalawa ni Mia. "Congtulations to us."

"Parang kailan lang, beh. H'wag kayong makalimot sa'kin, ha?" Nangingislap ang mata ni Mia. "Violet, ibalita mo lahat sa'min anong nangyayari sa'yo. Minsan kasi hindi mo sinasabi sa'min na may problema ka pala."

"Oo na, beh." Pinigilan ko na hindi maiyak. Hangga't maaari ay hindi ko ipinapakita sa mga kaibigan ko ang aking kahinaan.

Magkaharap kaming tatlo nang mahagip ni Mia si Henrick na papalapit. Nakatalikod ako sa banda nito. Hindi ko agad napansin ang lalaki.

"Dinah, si Mr. President!" mahinang bulong ni Mia na kinurot si Dinah sa tagiliran.

Maarte naman na hinawi ni Dinah ang buhok na nakatuon ang paningin sa likuran ko.

Nagdalawang-isip ako kung haharap ba ako pero nanaig ang aking intrusive thoughts. Nang bumalikwas ako paharap nakita ko si Henrick na papalapit sa amin.

My pulse races when our gazes meet. Sobrang gwapo niya na suot ang aming kulay asul na graduation gown. Kampanteng naglakad siya na tila ba pag-aari ang buong lugar at oras. Nang binaba ko ang mata ay tumama ang paningin ko sa hawak niya na kumpol na mga violets and roses.

"Hi," mahinang bati niya nang tuluyang makalapit sa amin na hindi hiniwalay ang titig sa mata ko.

I stunned upon looking at him. Nablangko ako na nakakatitig lang sa kanya. Tila ba nabingi ako sa tinding kabog ng puso ko.

"Mr. President." Ngumiti si Mia.

Tumango si Henrick at tipid na ngumiti ta's binalik niya ang titig sa akin.

"Hi, Henrick," bati ni Dinah na tinititigan ang binata ng malagkit. Tumama ang mata niya sa hawak ng binata na bulaklak. "F-For me?"

Napalunok ako na nakatingin kay Henrick. May matamis siya na ngiti sa labi na mataman pa rin na nakatingin sa akin na hindi binigyan diin si Dinah.

"F-For me?" ulit ni Dinah na kapwa kinaagaw ng aming atensiyon.

"Y-Yeah, for you, Dinah congratulations." Nilahad ni Henrick ang bulaklak kay Dinah na nanatili ang mata sa akin. He addressed her casually, not by her last name as he used to, but by her nickname 'Dinah'.

Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan pero may kaunting kirot ang puso ko. Yumuko ako upang ikubli ang mapait na ngiti.

"Wow, thank you, Henrick." Abot tainga ang ngiti ni Dinah na sinuyod ng tingin ang kumpol ng bulaklak saka inamoy.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng binata. Yumuko siya upang hagkan ang pisngi ng kaibigan ko. Dali ko na iniwas ang mata sa kanila. Pansin ko rin si Mia na kanina pa pinagsisiko ang tagiliran ko sa sobrang kilig.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon