Babaeng Pangarap

1K 13 3
                                    

"What?" Halos mabitawan ko ang hawak na kopita na may lamang wine sa pahayag ni Kiaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What?" Halos mabitawan ko ang hawak na kopita na may lamang wine sa pahayag ni Kiaro.

"Anong problema sa sinabi ko?" Tinaasan niya ako ng kilay. Naka-upo ang binata sa sariling office chair sa loob ng opisina nito sa Chicago. Kiaro manages a security organization known as 'Secret Intelligence'.

"For all this years, Kiaro? Ngayon lang nila naisipang magpakasal sa simbahan?" Umirap ako sa direksiyon ni Kiaro. Maingat ko na nilapag ang kopita sa ibabaw ng panggitnang mesa.

"And what's wrong with that?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Isang palatak na tawa ang pinakawala ko. "Ridiculous! Aren't they too old for that? Ang corny lang." Inihilig ko ang likod sa sandalan ng mahabang sofa. Maarteng dinikuwatro ko ang binti na sadyang lumantad ang magandang hubog niyon sanhi ng mahabang slit na suot ko na bestida.

Hindi naikubli ni Kiaro ang paglunok ng laway. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng binata ang binti at hita ko na nakalantad. I am dressed in a red, off-shoulder dress that ends just above the knee.

Kiaro loosened his necktie as he flinched. He cleared his throat. "Corny? Walang corny sa dalawang taong nagmamahalan, Violet," giit ng binata. "Emmanuel already settled everything and we need to be there, ASAP."

"Pwedeng hindi na lang ako dadalo sa kasal nila?" Nakangusong nilakbay ko ang mata sa maaliwalas na opisina ng lalaki kunwa'y hindi interesado.

"No, you have to. You are Emmanuel's daughter. Isa pa ang madrasta mo mismo ang nagrequest na dumalo ka."

Madrasta? Veronica Navarro Emmanuel's first love. Since that graduation night, I have not had the opportunity to meet her formally. Sa tuwing bumibisita si Emmanuel kasama ang babae dito sa States ay palagi akong nagdadahilan na busy ako. Ewan ko ba, I am not yet prepared to meet her; I still recall how my mother suffered because of her.

It has been eight years since I departed from the Philippines. So far, living in Chicago has been good. Ang pangarap ko na maging fashion designer ay hindi ko nakuha sa halip ay naging isa akong runway model and brand abassador. And I am happy of what I have achieve now. Iilan lang na mga kababayan ko ang hindi nakakilala sa akin. Palagi akong napi- featured sa mga sikat na magazine.

"At least, show some respect to your father, Violet."

"Whatever."

"Whether you like it or not, even if I have to drag you, I will take you back home, Violet!" turan ng binata. Yumuko na ito upang tingnan ang nakabukas na laptop.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala ko. Inabot ko ang bote ng alak at nagsalin akong muli sa kopita. Nilagok ko iyon pagkatapos. Kunwa'y abala ko na pinaghahalungkat ang mga libro at magazine ni Kiaro sa opisina hanggang tumama ang mata ko sa isang cover page ng isang sikat na magazine. Bumalandra sa mata ang larawan ng lalaking pinakaayaw kong makita.

Violets Are BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon