Nang kinalas ni Henrick ang sarili sa akin ay hindi agad ako nakaresponde. Naninigas na lang akong sinundan ng tingin ang lalaki. He smiled at the crowd, seemingly unaware of the many eyes fixed on us.
Mas lalong gusto ko na lang mangisay nang mas hapitin niya ang aking balakang papalapit sa kanya. Huli nang namalayan ko na nagkakagulo na ang paligid. Kung ano-ano nang tanong ang binato ng mga press sa'kin ngunit maski isa roon ay walang tumatak sa utak ko. Nanatili lang ang mata ko kay Henrick na sa sandaling ito ay gwapong gwapo sa suot na abuhing amerikana.
Ngumiti si Henrick na sinuyod ang mukha ko ng tingin hanggang bumaba iyon sa hiwa ng dibdib ko na nakalantad. He can clearly see my black thong underwear through my black sparkly sequin see-through evening dress. Dama ko ang pagdiin ng daliri niya sa balakang ko. Tinapat niya ang labi sa aking tainga. "You look stunningly beautiful, but this dress is too daring, baby," he whispered possessively.
Nanayo lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa hininga niyang tumama sa puno ng aking tainga. "Henrick—"
Naputol ang sasabihin ko nang sumingit ang isang reporter. "Mr. Henrick Russell?"
Bumaling si Henrick sa babaeng reporter na nasa harapan. "I apologize, but my wife is too stunned to respond. What was the question again?"
Wife? Hindi nakaligtas sa pandinig ko sa sinabi ng lalaki. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili sa tagpong ito dapit huli ay tila tuod na lang akong nakatayo sa tabi pangiti-ngiti sa harap ng madla. Tried my best not to faint.
Henrick kept his hold on my waist while responding to the press. "Yes, my wife got pregnant with our child, but sadly, we lost the baby."
"Is it true that she terminated the pregnancy because you didn't want to take responsibility?"
"Why would I do such a thing to my woman? It's an absurd question!" Nagdilim bigla ang gwapong mukha ni Henrick. I can feel the pressure of his fingers on my skin.
"I am sorry, one last question for Miss Violet." Bumaling ang reporter sa akin. "Violet, rumors are circulating that you stole your best friend's boyfriend. Is it your habit to ruin other relationships by being involved in Stephen and Barbara's break-up scandal?"
Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong. Hindi ko napansin at kusa ko na dinala ang mga palad sa bisig ni Henrick upang doon kumapit. Tila ba mawawalan na ako ng balanse anumang oras.
"I am sorry but my wife is not obliged to answer your stupid question!" bara ni Henrick. Mabilis ang kamay niyang hagipin ang braso ko papalayo sa kumpol na mga tao na pinagdarausan ng pagtitipon.
Hindi ko malaman pero tila ba papel na lang akong sunud-sunuran sa lalaki. Nawalan ako ng lakas na tumutol. Sa pagkakataong ito'y sigurado akong siya lang ang makakapitan ko.
Huli na nang matauhan ako natagpuan ko na lang ang sarili papalabas ng bulwagan kasama ang lalaki. Akay-akay niya ang palad ko habang binaybay namin ang mahabang pasilyo ng engrandeng hotel.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...