I stood there, my feet rooted to the ground. I didn't dare to move an inch even after he left to chase after her ten minutes ago. Hinayaan ko na maubos ang aking luha sa pagdaloy.
I am his priority, right? Yes, dahil girlfriend naman niya ako pero bakit ako ang naiwan?
When he returned, he didn't say a single word. Hindi rin ako nangahas na magbukas ng paksa. Kinuha niya ang aking palad. Marahan niya akong inakay patungo sa kotse niyang nakaparada sa di-kalayuan. Pinasakay niya ako. Sumunod din siyang pumasok sa kotse. Akma niyang buhayin ang makina nang isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya.
Nangungusap ang mata niyang binalingan ako. Pinaglandas niya ang daliri sa sulok ng aking labi. Napangiwi ako nang makadama ako ng kirot. Hindi ko napansin na pumutok pala ang labi ko.
Nagbitaw agad siya't may dinukot sa maliit na compartment na isang Betadine wound ointment. Muli niyang inabot sana ang pisngi ko pero agaran ko na iniwas ang sarili.
"Fuck, Violet! Come on, don't be so stubborn!" mura niya na marahas na inunat ang bisig ko. Pwersahan niyang hinagip ang batok ko. "What were you thinking, rushing over here without a second thought?" gumalaw ang bagang niyang tanong. Bumuntong hininga siya bago maingat na pinahiran ang namamaga ko na labi.
"Ikaw anong ginagawa mo? Lumalandi kahit may girlfriend, tang-ina!" bulong ko sa utak.
Sa halip na sumagot ay pinili ko na manahimik. Kontra gustong iniwas ko ang sarili nang matapos siya. Inihilig ko ang ulo sa head rest saka pinikit ang mata. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa tinuran ko.
Sumusukong binuhay niya ang makina at nilisan ang lugar. Walang nangahas na magbukas ng usapan hanggang sa narating namin ang bahay. Hindi na ako naghintay pa at nauna na akong bumaba ng kotse. Mabibigat ang hakbang na tinungo ko ang pinto ng bakod nang tinawag ako ni Henrick. Sa halip na lingunin ay pinagpatuloy ko ang hakbang.
"Violet," ulit niya na kinatigil ko. "I am sorry," mahinang dugtong niya.
Hindi ako nag-abalang lingunin siya. Tinikom ko lang ang labi upang pigilin ang luha. Madiin ko na kinagat iyon na ibig ko na lang durugin. Muli akong nangahas na humakbang nang muli siyang nagsalita sa likuran ko.
"I am sorry, I have my reason."
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Kusang tumakas ang luha ko sa gilid ng aking mga mata. Mahina akong napasingot. "I-I am tired, Henrick," matabang ko na wika. Hindi ko siya nilingon. Kinubli ko ang namamasang pisngi.
"Okay then, take some rest. Mag-usap na lang tayo kapag nakapagpahinga ka na."
Mahina lang akong umungol bilang pagsang-ayon. Kuyom ang palad na pinilit ko na hindi mabuway.
Dinig ko ang unti-unting pag-atras ng mga yapak niya. "Babalikan kita bukas," bilin niya habang papalayo nang papalayo.
Hindi ako nangahas na kumilos sa kinatatayuan ko. Hanggang nakapasok siya sa kotse. Hanggang unti-unting paglayo ng ugong ng makina ng sasakyan. Hanggang sa iyon ay tuluyang naglaho. Hanggang sa naiwan akong mag-isa muli sa madilim na kawalan. Malaya ko na pinakawala ang aking hagulhol.
I anticipated an explanation from him, but rather than providing one, he simply walked away.
***
Nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo at nahihilo ako. Nagmukmok ako sa kuwarto.
Henrick came over the following day, but since I was unwell, we didn't discuss about what happened. Humingi siya ng tawad. Tinanggap ko dahil mahal ko siya. As simple as that. Pinilit naming maging okay. He tried and invited me for a date again. Gumagala kami paminsan-minsan pero pansin kong na naging abala siya sa cellphone niya. Gaya ngayon, nasa gitna kami nang haponan sa bahay nang may tumawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Violets Are Blue
Short StoryViolet Ramirez, the epitome of perfection, comes from a wealthy background. She's breathtakingly beautiful, brilliant, and alluring, yet she's also fiery, bold, and has a reputation for being a capricious seductress. Her name is synonymous with flee...