by: elsipi-are
(Lyka's P.O.V)
Matapos ang klase namin ni Drik ay nagpasama ako sakanyang pumunta sa isang lugar na bigla ko na lamang naisipang puntahan.
Panay ang tanong nya kung saan ba daw kami pupunta pero hindi ko sya sinasagot. Bagkus ay ngiti lamang ang tanging tugon ko sakanya.
Dala na din siguro ng pagiging curious ko sa realidad kung totoo ba talaga ang mga nabasa ko tungkol sakanya kaya pinuntahan ko yung prof ko sa History at humingi ako ng permiso sakanya na kung maaari ay gusto ko sana malaman kung saan nakalibing si Jaden.
Kahit nakakadama pa din ako ng takot ay kailangan kong lakasan ang loob ko para sa katotohanang gusto ko malaman.
Pagkababa namin ng taxi ni Drik ay namayani bigla ang kaba sa loob ko. Hindi na ako mapakali at biglang nanlamig ang pakiramdam ko.
"Dito pala tayo pupunta....
Dapat kanina mo pa sinabi sakin. Para nadala ko na yung kotse ko." hindi ko masyado naintindihan yung sinabi ni Drik dahil ginawa ko na lang abala ang sarili ko para di nya mahalata ang kabang nararamdaman ko.
"Ano ba yan?" nagtatakang tanong ni Drik.
"Wala mapa lang to. May pupuntahan kasi ako dito. Eh hindi ko pa alam san yung exact na lugar" pagpapaliwanag ko.
Naisipan kong lumapit sa isang tindera sa tapat ng gate ng mismong sementeryo at bumili ako ng mga kandila at bulaklak na ilalagay ko sa puntod nya.
"Iha....
Kasintahan mo ba yang maginoong lalaki na iyan?" napatigil ako at nagtaka ako sa tanong nung tindera saakin.
"Ano po?" magalang kong sabi sakanya.
"Ang sabi ko iyong maginoong lalaki na nakatayo. Iyon" sabay turo nya at lingon ko naman.
"Ayy sya po ba? Hindi ko po sya kasintahan." natatawa-tawa ko pang pagkakasabi.
"Bakit hindi ka ba nya nililigawan? Alam mo iha, bagay na bagay kayong dalawa." napangiti ako sa mga sinabi ng matandang tindera at pagkatapos nun ay nagsalita syang muli.
"Dahil madalas namang syang bumibili saakin, eto iha....
Dadagdagan ko na yang pinamili mo. Libre ko na yan para sayo. At eto oh, iabot mo yan sa maginoong lalaki na iyon." sabay abot nya saakin ng isang maliit na basket na naglalaman ng iba't-ibang klaseng bulaklak.
"Nako po salamat po. Di na po sana kayo nag abala. Baka po malugi kayo nyan dahil dito." nahihiya kong pagkakasabi sakanya.
"Wala iyon iha. Palagi namang pinapakyaw ng kasama mo ang mga tinda ko. Minsan pa nga ay isa lang ang bibilhin nya at hindi na magpapasukli pa.
Osige, Tatlong daan na lang yang pinamili mo." pagkakuha ko ng pera sa wallet ko ay iniabot ko na agad sa matandang babae.
Lumingon ako saglit kay Drik at nakita ko may dala-dala na syang isang plastic.
Pagkabalik ng atensyon ko sa matandang babae ay nakita ko na abala na sya pag bebenta sa iba pa nyang customer.
Gusto ko pa naman sanang tanungin sya tungkol sa sinasabi nya kay Drik. Ngunit hindi na lang ako nag usisa pa para hindi na sya maabala pa.
Naglakad nako sa direksyon ni Drik at pagkadating doon ay kinuha nya sakin ang mga dalahin ko.
Muli kong tiningnan ang mapa na binigay sakin at sinusundan ko ang bawat detalye na andoon.
Si Drik naman ay panay ang kwento habang naglalakad kami.
Medyo malaki ang sementeryo, buti na lamang at binigyan ako ng guide ni Sir kaya madali lang para saakin ang magpaliko-liko kung saan.
Habang palapit na kami ng palapit ay pakiramdam ko ay mas lumalapit na rin ako sa realidad na ang taong katext ko ay isang patay na.
Parang hindi ko pa kasi masyado tanggap kaya siguro kailangan kong makita mismo ng aking sariling mata ang puntod nya.
"Malapit na tayo." mahina kong pagkakasabi.
"Saglit lang baby, isisintas ko lang yung sapatos ko....."
(Drik's P.O.V)
Habang nasa taxi kami ni Lyka ay parang lalong nagiging pamilyar ang bawat kantong nililikuan ng taxi na lulan kami.
Napatingin ako kay Lyka at nakita ko na bakas mukha nya ang pag-aalala.
Hinawakan ko ang kamay nya para malaman nya na andito lang ako para sakanya.
Ayokong na kasing usisain pa kung saan kami pupunta, para saan pa at makikita ko rin naman mamaya.
"Andito na po tayo" hindi ko napansin na huminto na pala yung taxi dahil na rin siguro sa pag-aalala ko kay Lyka.
Napalingon ako sa gilid ko at laking gulat ko ng makita ko na nasa harap kami ng isang sementeryo.
"Dito pala tayo pupunta....
Dapat kanina mo pa sinabi sakin. Para nadala ko na yung kotse ko." wala man lang naging reaksyon si Lyka sa sinabi ko dahil abala sya sa hawak-hawak nya na papel.
"Ano ba yan?" nagtataka kong tanong.
"Wala mapa lang to. May pupuntahan kasi ako dito. Eh hindi ko pa alam san yung exact na lugar" pagpapaliwanag nya.
Di ko na ulit inusisa pa ang bagay na hawak nya at pagkatapos nun ay lumapit sya sa isang tindera malapit sa gate.
Napalingon ako doon at nakita ko ang matandang palagi ko pinagbibilhan ng bulaklak at kandila para sa namayapa kong kaibigan.
Nginitian nya ko at kinawayan ko naman sya.
Habang bumibili si Lyka ay balak ko sanang sundan sya ngunit may lumapit saakin na isang batang babae.
Sa awa ko sakanya ay binili ko ang lahat ng sampaguita na dala nya.
"Oh eto, para makauwi ka na sainyo." nakangiti kong sabi sa bata.
"Salamat po kuya pogi." sabay abot nya sakin ng plastic na dala nya.
"Walang anuman." nakangiti ko pa ding sagot sakanya at pagkatapos nun ay kumaripas na sya ng takbo.
Maya-maya pa ay bumalik na si Lyka at agad ko namang kinuha sakanya ang mga pinamili nya.
Nang makapasok na kami ng sementeryo ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Bat ako kinakabahan?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.
"Ahhhh, Siguro dahil makikita nanaman ako ng mga fans ko." sabay tawa ko sa isipan ko.
"Puro kalokohan nanaman naisip ko. Siguro dahil kay Lyka to. May kakaiba kasi sakanya ngayon. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag." napatingin ako sakanya at pagkatapos ay naisipan kong magkwento na lamang para na rin mabawasan ko ng kahit onti ang bumabagabag sa loob nya.
Medyo malayo na rin ang nalakad namin ng mapansin kong hindi na pala nakaayos ang sintas ng sapatos ko.
Ibinaba ko ang mga hawak ko sa sahig at yumuko para ayusin ito ngunit parang hindi napansin ni Lyka ang paghinto ko dahil nagpatuloy pa din sya sa paglalakad.
"Saglit lang baby, isisintas ko lang yung sapatos ko....." medyo pasigaw kong sabi sakanya ngunit parang wala syang narinig at nagpatuloy pa rin.
Binilisan ko na lamang ang ginagawa ko at nagmadaling sundan sya pero hindi ko sya naabutan.
"Nako, ang bilis naman maglakad ng babaeng yun. Nawala agad." sabay lingon ko sa bawat kanto na nadadaanan ko.
Sinubukan kong tawagan sya ngunit hindi sya sumasagot.
"Naloko na, ayaw sumagot." pagkalagay ko ng cellphone ko sa bulsa ko ay nakarinig ako ng isang ingay na para bang may nalaglag na bakal.
Author's Note:
Hi mga be!!! Pasensya na kung natagalan bago ako nag update. Sorry. Sorry. Sobrang ang dami kasing nagyari at inatake ako ng hobby ko (Ang katam). lols.Haha. Anyway sana magustuhan nyo ang mga updates ko. This time tatlo ang i-p-publish ko na chapter dahil sobrang tagal bago ako nag update. Okay ba yun?Thanks sa time mo! Please feel free to write ur comments and kung nagustuhan nyo kindly vote na din.
More Powers Readers! Happy readings. muaaa