Chapter 27 - Unknown

161 10 12
                                    

by: elsipi-are

(Lyka's POV)

Pasado alas-dose na ng tanghali ng mapag-isipan namin ni Jae na pumunta sa mall kalapit ng school. Katulad ko ay balak din nyang lumiban sa mga klase nya ngayong araw.

Hindi ko naman gawain ang lumiban palagi sa klase. Kailangan ko lang kasing mag-isip-isip at magagawa ko lamang iyon kapag wala sa tabi ko si Drik. Masyado na din kasing nagiging magulo ang lahat ng bagay sa paligid ko.

Habang naglalakad ay biglang napahinto si Jae sa tapat ng isang cafe. Ngayon lamang ako nagawi sa parti na ito ng mall kaya ngayon ko lang nalaman na meron palang magandang cafe dito sa loob nito.

Napatingin ako kay Jae at nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kung gusto mo dyan na lang tayo tumambay, medyo tinatamad kasi ako maglakad tska masyado ako nabusog sa kinain ko kanina sa school. Kailangan ko ata ng hot choco." imbis na sagutin ako sa sinabi ko ay ngumuti lamang sya at naunang pumasok sa entrance ng cafe.

"One hot choco big size." pagkasabi ko ng order ko ay inulit ito ng cashier habang pumipindot dun sa machine na nasa harap nya.

"Anything else Mam?" magalang na tanong nung babaeng cashier.

Napahawak ako sa baba ko habang nakatingin sa menu nila sa taas tska ako ulit nagsalita.

"And one blueberry cake...

Hmm. Ikaw Jae? Anong gusto mo? Libre ko na."

"Caramel Moolatte ang sakin." matipid nyang sagot sakin.

"And Caramel Moolatte big size din ." dagdag ko sa cashier bago ko ibinalik ang atensyon ko sakanya.

"Mam? Pasensya na po, Ano po ulit yun?" pagtatanong nito na para bang nagtataka at hindi narinig ang sinabi ko.

"I said one blueberry cake and caramel moolatte." nakangiti ko namang sabi sakanya kahit pinaulit nya sakin ang inorder ko.

Naisip ko na lang na siguro ay bago lang sya sa trabaho nya kaya hindi pa sya masyado sanay at gamay ang ginagawa.

At bago ko iabot ang bayad sakanya ay tinanong muna nya ang pangalan ko atsaka bago kumilos.

"Sige Jae maghanap ka na ng mauupuan natin ako na lang mag-aantay dito." pagkasabi ko nun ay naghanap na nga ng mauupuan namin si Jae at maya-maya pa ay biglang nagsalita ang lalaking nasa harap ko.

"One blueberry cake and hot choco for Lyka. And caramel moolatte for Jae." pagkaabot ng order saakin ay dinala ko na ito sa napiling pwesto ni Jae.

Nang simulan ko ng kainin yung blueberry cake ko ay nagsimula namang magkwento si Jae ng kung anu-ano.

May mga kwento sya na nakakatawa, meron ding mga weird pero karamihan sa mga kwento nito ay puro horror na medyo hindi ko trip dahil parang lahat ng kwentong nakakatakot na iyon parang makatotohanan.

"Di ka naman mahilig sa horror huh?" may pagka-sarcastic na sabi ko sakanya.

"Actually sobrang hilig ko talaga. Ewan ko ba. Nakakaenjoy kasi. Alam mo yun, ang gaan sa pakiramdam." sabay ngiti nito.

"Honestly, I'm not a fan of horror movies, stories... or anything related sa mga creepy na mga bagay. Basta, alam mo yun parang uneasy yung feeling ko sa mga ganun." pagpapaliwanag ko dito.

"Malay mo naman, one of these days. Mag-iba na ang tingin mo." biglang nagbago ang tono nya sa pagkakasabi nya nun at bago pa ulit ako magsalita ay bigla syang nagpaalam sakin na pupunta sa washroom.

"Medyo weird din tong si Jae. Pero masarap syang kasama at ka-kwentuhan. Wag nga lang tungkol dun sa hilig nya na horror." nasambit ko bigla sa aking isipan at pagkatapos ay nakarinig ako ng isang boses.

"Excuse me, may inaantay ka ba or ka-meeting dito?" mausisang tanong ng isang lalaki na hindi pamilyar ang mukha.

"Why?" seryoso na sabi ko dito. Bigla ko kasi naisip na baka katulad 'to nung mga nakikita ko dati na kakausapin ka sa una tapos maya-maya bebentahan ka ng kung anu-ano like condo o kaya aayain ka na sumali sa networking.

"Tanong ko lang sana kung pwede bang maki-share ng table sayo. Para naman may makausap ka." napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na maraming vacant na table kaya biglang napataas ang kilay ko.

"No, I'm okay. Nagpunta lang sa washroom yung ka-date ko." walang paligoy-ligoy na sabi ko sakanya kahit hindi ko naman ka-date si Jae at hindi din naman date ang tawag dito kundi tambay lang.

Pagkatapos nya marinig ang mga sinabi ko ay nakita ko na napakunot ang noo nito at nginitian na lang ako ng matipid saka bago tumalikod.

Mga ilang minuto pa ay bumalik na si Jae at pagkabalik nya ay tahimik lamang sya na para bang walang balak na mag kwento pa.

"Napagod ka kakadaldal nu?" natatawa-tawa kong sabi sakanya.

Natawa naman ito ng bahagya at pagkatapos ay nagsalita ako ng pabulong habang naglalaro sa ipad ko.

"Tingnan mo yung isang lalaki dun sa may kabilang table. Yung naka-red, lumapit yan dito kanina. Gusto maki-table sakin. Parang timang lang. Alam na may kasama ako magtatanong-tanong pa kung may inaantay ako."

Kahit hindi ako nakatingin kay Jae ay alam ko na nilingon nya yung kabilang table. At alam ko na walang panama sa itsura nya ang mukha nung lalaki na lumapit kanina.

"Tara sa iba naman tayo." biglang pag-aaya nito saakin.

Napahinto ako sa paglalaro ko at napalingon sakanya.

"Sige, san ba tayo next?" at ginawaran ko sya ng isang magandang ngiti.

"Ako ng bahala." agad ko namang sinuot ang bag ko at hinila na nya ako paalis ng cafe.
At bago pa kami makaalis dun sa pwesto namin ay biglang tumawa yung isang lalaki na kasama nung lalaking lumapit sakin kanina.

Napalingon tuloy ako sakanila at pagkatapos ay binilisan naman bigla ni Jae yung paglalakad kaya hindi ko nagawang marinig yung sinabi nung lalaki sa kabilang table.

"Sayang yun pre! Ang ganda nga may sayad naman. Kanina pa nagsasalita mag-isa at may ka-date daw sya. Baliw siguro. Mukang may imaginary friend. Lakas ng sayad! Tsk!".

+++

Author's Note:
Hi sainyo! Napapadalas na ang pag-uupdate ko. Hehehe. Sa mga Dead Text readers ko.... Comments na man dyan para lalo ako mabuhayan. Wala na kayo paramdam eh. Nalulungkot tuloy ako.

Anyway, thanks sa time mo at binasa mo ang chapter na ito. Pagpasensyahan na ang lahat ng typo errors ko. Hihi. Please feel free to leave ur comments, violent reactions or anything. Vote Please! Muaaa!

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon