by: elsipi-are
Pagod na pagod ako kakatakbo at hindi ko na alam kung san ba ako tutungo. Basta ang tanging alam ko lang ay kaylangan kong makatakas sakanya.
Masyado madilim yung lugar kaya hindi ko alam kung asan ba ako. At sa pagkakaalam ko kanina pa ako tumatakbo.
Naliligo na ako sa sarili kong pawis at sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kabang nadarama ko.
"Sino nga ba ang humahabol sakin at bakit kaylangan ko syang takasan?" tanong ko sa sarili ko.
Bigla akong napahinto sa pagtakbo para tingnan kung sino nga bang humahabol sakin. Lumingon ako sa may likuran ko.
"Tumigil ka din sa pagtakbo. Ako to, hindi mo ba naalala?"
Nakatingin lang ako sakanya pero hindi ko maaninag mabuti ang kanyang muka.
"Hindi kita kilala. Sino ka ba?" hinihingal kong sagot sa tanong nya.
"Ang tagal kong inantay to"
"Sino ka?"
"Nagkita rin tayo Lyka. Alam mo bang matagal ko ng hinihiling to?"
"Bakit mo ko kilala?"
"Wala pa ring nagbabago sayo. Mas lalo kang gumanda."
"Anu bang pinagsasabi mo?"
"Gusto kita lapitan pero hindi pwede."
"Anu?"
"Bakit sa ganitong sitwasyon pa tayo ulit pinagtagpo"
"Nagkita na tayo dati?"
"Gusto kong hawakan ang muka mo. O kaya tanungin ka kung okay ka lang ba? Masaya ka ba?"
Panay ang tanong ko sakanya pero iba lagi ang sinasagot nya saakin. Hindi ko pa din makita ang muka nya kaya hindi ko alam kung kilala ko ba sya o hindi. Pamilyar ang boses nya pero hindi ko pa din matandaan kung sino ba sya.
"Sabihin mo saakin kung sino ka."
"Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon."
Sumagot din sya sa tanong ko pero hindi ko pa din sya maintindihan at ang gulo ng mga pinagsasabi nya.
"Anung tamang panahon? Hindi kita maintindihan. Bakit mo ko kilala?"
"Kasi nga magkakilala tayo."
"Hindi. Hindi ko alam" matipid kong sagot sabay talikod ko sakanya.
"Pilitin mong alalahanin at magiging malinaw sayo ang lahat"
"Pasensya na Lyka, makikilala mo ako sa tamang panahon. Hindi pa ngayo pero balang araw malalaman mo din. Malapit na." seryoso nyang sabi.
"Hindi kita maintindihan. Bakit ayaw mong magpakilala sakin." pagsasalita ko habang nakatalikod pa din.
"Lyka, malapit na. At sisiguraduhin ko na pag dumating na yung araw na yun. Yun na ang huli at unang beses na..." di nya naituloy ang sasabihin nya ng bigla akong magsalita.
"Una at huli? Anu ba talaga yun?" sabay lingon ko sakanya pero pagkatingin ko wala na sya sa pwesto nya kung san ko sya huling nakita.
"Nasaan ka na?" pasigaw kong sabi habang palakad-lakad.
Patuloy pa din ako sa paghahanap sakanya at pagsigaw ng makakita ako na isang maliwanag na parti sa may dulo. Agad akong tumakbo papunta dun baka sakaling dun ko sya makita.