Chapter 39 - Birthday

12 0 0
                                    

by: elsipi-are

Kaarawan ko ngayon at excited na ako sa party na kami pa mismo ni Drik ang nagplano.

Nagrenta kami ng isang two storey house sa baguio na pwedeng tirhan ng 15-20 na katao. Yung malalapit na kaibigan lang namin ni Drik ang inimbitahan namin kaya alam ko na magiging masaya ang birthday ko na ito.

Kasabay pa kasi nito ang ika-100 days simula ng sagutin ko si Drik.

Ang dami kong pakulo nu? Kakanuod ko to ng Kdrama kaya ganun. Haha

Andito na kami ngayon ni Drik at Kim sa baguio at inaantay na lang namin ang pagdating ng mga kaibigan namin.

Malaki yung narentahan namin. Merong tatlong kwarto sa itaas at dalawa naman sa ibaba. Bali sa bawat kwarto ay may tig aapat na higaan na saktong-sakto talaga sa mga bisita namin. May sarili din syang kusina na malaki pati sala na malaki.

Abala ako ngayon sa pag aayos ng mga design sa may sala. Inutusan kong bumili ng mga kakailanganin ko pa na materyales si Kim at Drik.

No choice ako dahil kailangan ay makapag ayos nako pagdating ng mga mokong na kaibigan ni Drik para mamaya ay oonti na lang ang gagawin nila.

Si Kim lang talaga ang pinilit ko na sumama samin ng maaga para may makatulog kami ni Drik sa pag aayos pati ang mga kaibigan nya na hanggang ngayon ay wala pa din.

"Tatamaan talaga sakin ang mga yun. Nagprisinta na tutulong at mauuna na dito pero hanggang ngayon wala pa din." sabay hagod ko ng pawis na tumulo mula sa noo ko.

Kahit naman malamig dito sa Baguio ay pagpapawisan ka talaga kung sandamakmak ang gawain mo.

"Hi baby." narinig ko ang malambing na boses ng boyfriend ko sa bandang likod ko.

"Oh nakabalik na pala kayo. Nabili mo ba lahat ng nilista ko?" malambing na sagot ko sakanya.

Imbis na sumagot sa tanong ko ay pumunta sa may gawing kusina si Drik.

"Problema nun?" nagtataka kong tanong at pagkatapos ay sinundan sya.

"Napagod ka ba baby ko?" Paglambing ko sakanya ng madatnan ko sya na nakahanap sa may screendoor na daanan papalabas sa bakuran.

"Mukang may kalokohan nanamang naisip tong mokong na to." bulaslas ko sa sarili ko. Sanay na kasi ako sa mga kalokohan neto ni Drik simula nung naging kami.

Minsan naiinis ako sa mga kalokohan nya pero dalasan ay kinikilig ako sa mga ginagawa nya. Ewan ko ba may kakaiba kasi sa mga ginagawa nya palagi at hindi ko lagi mahulaan kung ano ang mga iyon. Sabi nga nya sakin palagi nya daw ako isusurprise.

Lalapitan ko na sana ang mokong ng bigla nyang buksan ang screendoor at kumaripas ng takbo.

Sa gulat ko naman ay napatakbo din ako at sinundan sya.

"Ahhh takbuhan pala ang gusto mo ngayon ah. Lokong to may gana pang makipaglaro"

Dahil na din siguro sa pagod ako ay nawala na sa paningin ko si Drik at nang makarating ako sa nilikuan nya kanina ay tumambad sakin ang isang mataas na pader.

"Oh saan nagsuot yun?" nagtataka kong tanong.

"Uhhh meron sigurong secret passage dito." napahawak ako sa baba ko at naalala bigla yung mag napanuod ko sa movie kaya sinipat sipat ko yung pader mapaitaas at baba.

"Walangya! Pahirapan naman to baby." at patuloy ko pa ding hinanap yung kung anong kaek-ekan na dinaanan nung boyfriend kong magaling.

"Ay Kamote!" napabalikwas ako bigla ng marinig ko ang boses ni Kim.

"Ano ka ba bat ka naman bigla sumusulpot dyan?" Pasigaw na sabi ko kay Kim.

"Ano nga ginagawa mo dyan?" nakapamewang na tanong nito.

"Sus! Painosente ka pa bes. Magkakuntsaba nanaman kayo ni Drik nu. Ikaw nga, wag mo pinag sasakyan palagi mga kalokohan nun." Bigla napakunot ang noo ni Kim sa sinabi ko.

"Pinagsasabi mo? Naaabnoy ka nanaman bes?" natatawang sabi nya.

"Sige na pwede ka na mag artista galing mo umarte." pagkasabi ko nun ay bigla lumitaw si Drik sa may likuran ni Kim.

"Oh baby andyan ka pala. Nababa ko na yung mga pinabili mo sakin. Icheck mo na kung may nakalimutan ba ako." masayang sabi ni Drik sakin.

"Edi ba baby ano..." sabay turo ko sa pader na nasa likod ko.

"Alam ko excited ka. Ako din naman eh. Maya ka na maglaro dyan. Pati yang pader pinagdidiskitahan mo." sabay lapit ni Drik sakin at inakbayan ako habang pabalik na kami sa loob ng bahay.

Ako naman, sobrang naguguluhan sa mga nangyari. Di ko alam kung pinag ttripan lang ba ako ng mga to o kung ano. Hay basta bahala na nga mamaya.

++++

Dapit-hapon na ng magsidatingan nag mga bisita namin ni Drik. At ako heto hindi magkanda ugaga sa kakahanap nung kwintas na bigay sakin ni Drik nung araw na sinagot ko sya.

"Ano ba naman ngayon ko pa di mahanap yun. Dito ko lang yun nilapag kanina bago ako mag ayos sa baba." naiinis kong pagkakasabi.

"Eh never mo hinubad yun diba?" sabat ni Drik habang nilalagyan ng wax yung buhok nya.

"Kasi nga naglinis ako kanina. Kaya hinubad ko muna. Baka kasi sumabit dun sa mga decorations na inaayos ko kanina." nakanguso kong sabi.

"Hayaan mo na muna yun. Bukas hahanapin natin yun. Okay?" at bago pa man ako mapalingon sakanya ay nakalapit na pala sya sakin.

Nakita nya ang malungkot kong muka at pagkatapos ay hinawakan nya ang magkabila kong pisngi.

"Andyan lang yun okay? Hanapin na lang natin bukas. Kaya smile ka na. Birthday mo ngayon eh... gusto ko maging sobrang saya mo. Tska 100 days na tayo di ka ba masaya?" sa sinabi ng pogi kong boyfriend ay bigla ako napangiti.

"Sabi na nga ba ako lang gamot dyan sa inis mo eh." sabay kiliti nya sa may bewang ko.

"Baby nakikiliti ako.

Isa, dalawa," at napahagikgik ako ng malakas.

"Hoy love birds baka gusto nyo na babain mga bisita nyo? Aba gutom na kami. Maya na kayo magharutan dyan!" sigaw ni Brent ng maabutan kaming nagkikilitian.

"Oo na bababa na. Tsupi!"  pagpapalayas sakanya ni Drik.

"Tara na baby ko!" at pagkatapos ay ginawaran nya ako ng halik bago inalalayan sa pagtayo.

++++

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon