Chapter 35 - Love Troubles

45 1 0
                                    

by: elsipi-are

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoong nasa tabi ko ang lalaking pinakamamahal ko.

Sarap lang sa pakiramdam na pagdilat mo umaga ay ang maamo nyang muka ang makikita mo.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa lalaking nasa tabi ko ngayon at kanina pa ako nagpipigil na hawakan ang kanyang muka.

"Bat ko nga ba pinipigilan ang sarili ko na hawakan ang muka nya?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig pa din sakanya.

Inialis ko ang kamay ko na nakapwesto sa may dibdib ko at dahan-dahan itong inilapit sa muka nya. Hindi ko alam bakit natatakot ako gawin ito ngayon kahit alam ko naman na kagabi lamang ay nagagawa ko naman iyon.

Napalunok ako ng bahagya at isang hinliliit na lamang ang layo ng kamay ko sa muka nya. Napapikit ako at ng mailapit ko na ang kamay ko sa muka nya ay bigla akong nalungkot.

Kahit anong gawin kong hawak sakanya ay hindi ko iyon magawa dahil para lamang syang hangin na hindi ko mahawak-hawakan. Gustong-gusto kong hawakan ang matangos nyang ilong, ang maganda nyang labi, ang kilay nya na makapal at lalo na ang buhok nya na dati ay paborito kong guluhin.

Wala akong magawa ngayon kundi titigan na lamang sya, tama nga sya sa sinabi nya kagabi na may limitasyon ang lahat. Gusto ko ng maibalik ang dating kami ngunit nagtatalo ang isipan ko kung paano.

Tumalikod ako sakanya at bigla na lamang pumatak ang luha ko. Pinahid ko iyon at pagkatapos ay naramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko. Napangiti ako at nasabi sarili na "bahala na, ang mahalaga andito sya sa tabi ko."

"Goodmorning fey!" isang mahigpit na yakap ang ginawad ni Jaden.

"Goodmorning din!" at humarap ako sakanya para makita ang maamo nyang muka.

"Oh! Umiyak ka ba? Bakit basa yang mga mata mo?" nag-aalala nitong tanong saakin.

"Ah hindi po, nasobrahan lang ako sa pagkuskos. Kakagising ko lang din." isang matamis na ngiti naman ang tinugon nya sa paliwanag ko.

"So, ano plano?" masayang tanong nya sakin.

Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip ng maaring gawin namin para sa araw na ito.

"Gusto ko pumunta ng beach." nakangiti kong sabi sakanya.

"Then okay, pack your things. Yun lang ikaw ang magddrive this time. You know my situation right?" kahit hindi nya sabihin saakin ay may kung anong lungkot akong nakita sa mga mata nya.

"Don't you worry about that Fye. Ako bahala sa lahat. Just sit down and relax." at pagkatapos nun ay niyakap ko sya buti na lamang ay sa pagkakataong ito ay nayakap ko na sya ng totoo at nahawakan dahil kung hindi eh makikita ko nanaman ang lungkot sa mga mata nya.

After a few hours, without any hesitation ay lulan na kami ng kotse ko. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko. Alam ko naman kasi na kahit sabihin ko na si Jaden eh wala namang maniniwala sakin at di din naman nila ito makikita.

"Alam mo Jaden ang sarap lang balikan ng lahat ng memories natin before. Sana lang magawa pa din natin lahat ng yun." naramdaman ko ang pag-tap nya sa balikat ko habang nagddrive ako.

"Ano ka ba fye, pwede pa naman nating gawin tingnan mo ngaun diba?"      sasabat pa sana ako sa sinabi nya pero pinigilan nya ko at tinakpan ng isa nyang daliri ang bibig ko.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon