Chapter 26 - Lost

110 4 0
                                    

by: elsipi-are

(Lyka's POV)

Wala akong nagawa kundi ang maglakad sa loob ng horror house. Kahit ayoko man ay hindi ko naman magawang bumalik sa entrance nito dahil nakahawak pa din sa braso ko si Jae.

Naninigurado siguro sya para hindi ako makabalik sa entrance at maabot ko ang dulo ng lugar na ito.

Madilim na paligid, pulang mga ilaw at ma-usok na daanan ang makikita mo sa loob. Kaya lalo kong naramdaman ang kakaibang kilabot at takot sa sarili ko.

"Bakit ba kasi ako napasubok na pasukin 'to. Kaya ko nga sya inaya sa E.K para umiwas sa katatakutan." nag-aalala kong sabi sa aking isipan.

Patuloy pa din kami sa paglalakad at mayroon din kaming mga kasabay na iba pa kaya medyo nakampante ako.

Iniiwasan ko din kasi yung biglang may susulpot sa gilid mo para takutin ka. At nakakataranta kasi yung ganun na sitwasyon.

"Ahhhhh!" narinig ko ang pagsigaw ng mga tao mula sa pintuan na papasukan pa lang namin.

"Hala Jae, narinig mo yun. Ayoko na ata. Hindi ko talaga kakayanin yung ganito." tatalikod na sana ako pero napigilan nya ako.

"Ano ka ba, kaya nga hawak kita para hindi ka masyado matakot. Ganito na lang, bilisan na lang natin maglakad para makalabas na tayo agad dito." inalis nya ang kamay nya sa braso ko at inilagay iyon sa balikat ko. Sa posisyon namin ngayon ay nakaakbay na sya sakin ngunit hindi ganun kalapit ang katawan nya mula sa katawan ko.

"Sige, basta wag moko bibitawan baka mawala pako sa loob nito. Di ko kakayaning maglakad ng mag-isa dito." tumango sya sa sinabi ko at nagpatuloy na kaming maglakad.

Nang makalapit na kami sa may harap ng pinto ay kusa itong nagbukas. Medyo dahan-dahan pa nga ang pagbukas nito kaya mas nakakatakot tingnan.

At ng mabuksan na ito ng maluwang ay agad nagpasukan ang mga tao kasama na kami ni Jae.

Mas lalong nakakatakot ang ambiance ng pinasukan namin at kakaonti lamang ang liwanag na makikita mo.

Napatingin ako sa may bandang kanan ko at bigla ko naaninag ang isang imahe na hugis tao.

"Jae tingnan mo yun." sabay turo ko dun sa imahe.

Napatingin naman ang ibang mga tao dun sa itinuro ko. Pagkatapos nun ay nakita kong dahan-dahang gumalaw ang imahe papunta sa direksyon namin.

Bigla namang naghiyawan ang mga tao at nakarinig kami ng isang malakas ng ingay na parang padabog na isinara ang pintuan.

Nataranta ang mga kasama namin kaya bigla din akong nataranta.

"Ah! Papalapit na sya." sigaw nung babaeng nasa gilid ko.

Nabalik naman ang atensyon ko dun sa may imahe at kasabay nun ay ang pagtakbo ng lahat ng mga taong nasa paligid namin.

"Sh*t!" napasigaw ako at kitang-kita ng dalawang mata ko ang mabilis na pag takbo ng imahe papalapit sa posisyon ko. Isa itong babaeng nakaputi na pugot ang ulo.

Napatingin ako sa gilid ko at hinanap si Jae ngunit hindi ko sya nakita. Nangilid ang mga luha ko sa aking nakita kaya bigla akong napatakbo. Sa pagkakataong ito ay ako ang nasa pinakahulihan at ramdam ko na malapit na sya saakin.

"Bakit ba nya ako hinahabol?" takot na tonong sabi ko habang hinahabol ang aking paghinga.

Habang tumatakbo ako ay di ko maiwasang mapalingon sa may likod ko. Gusto ko ng umiyak ng malakas dahil sa takot na nararamdaman ko at baka maabutan ako ng pugot na ulo na iyon na ngayon ay kitang-kita ko na ang itsura.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon