by: elsipi-are
Pagkaalis ni Kim sa bahay namin ay nagmadali akong magbihis para puntahan si Jaden.
Isa lamang ang lugar na naisipan kong maari nyang puntahan. May onting takot akong nararamdaman ngunit isinasantabi ko ito ngayon para hindi na ko muling masaktan pa sya.
Pasado ala-una ng hapon ng makarating ako ng sementeryo. Nakita ko ang matandang tindera ng mga bulaklak at kandila sa labas nito. Nang makita nya ako ay agad syang ngumiti saakin.
"Aba iha, kanina lang umaga eh galing dito yung nobyo mo yung lalakeng kasama mo nung nakaraan. Bat hindi na lang kayo nagsabay na dalawa?" mausisang sabi ng matandang tindera.
Sa halip na sagutin ko ang tanong nya ay isang matabang na ngiti na ginawad ko sakanya at iniabot na ang bayad sa pinamili ko matapos mamili sa mga paninda nya. Alam kong napansin ng matanda ang lungkot sa mga mata ko kaya hindi na sya nagtanong pa saakin.
"Salamat po." magalang kong sabi pagkaabot nya ng sukli saakin kasama ang pinamili ko.
"Walang anuman iha, alam mo minsan kailangan natin harapin ang mga bagay na kinakatakutan natin lalo kung para sa minamahal natin ito. Sundin mo ang sinisigaw nito, hindi ang iniisip nito." sabay turo nya sa bandang dibdib nya at pagkatapos ay sa sintido nya.
Makahulugan ang sinabi sakin ng matandang tindera na para bang nababasa nya ang laman ng aking isipan. Kaya mas lalo akong nagkalakas ng loob na puntahan ang puntod ni Jaden.
Malamig ang hangin na pumapalibot saakin habang palapit ako ng palapit sa puntod nya. Yung kaba ko kanina ay medyo nawala na at napalitan ito ng pagkasabik na makausap sya.
Napatigil ako sa paglalakad ng marating ko na ang hinahanap ko. Hindi ko alam bakit pagkababa ko ng mga bulaklak at pagkatirik ko ng kandila ay bigla na lamang lumabas ang mga salita sa bibig ko.
"Patawarin mo ko Jaden dahil nakalimutan kita, hindi ko sinasadya na gawin yun.
Patawarin mo ko kung pinagtabuyan kita, wala ako sa tamang pag-iisip ng mga oras na yun.
Patawarin mo ko kung natakot ako sayo, hindi ko intensyong katakutan ka. Alam mo kung ganu kita kamahal. At dahil sa sobrang pagmamahal ko na yun sayo, nagkaganito ako at nakalimutan ang lahat.
Patawarin moko mahal ko. Andito na ko ngayon, nagbalik na ko. Miss na miss na kita. At mahal na mahal kita." at kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ay ang pag buhos ng malakas na ulan.
Alam kong nagdadalamhati din ang langit sa nangyayaring ito saakin kaya sinasabayan nya ako sa pag-iyak kong ito. Nasasaktan ako sa nangyayari at natatakot ako na baka huli na ang lahat. Na baka hindi ko na sya muli pang makita.
"Jaden!" malakas kong pagkakasigaw na parang nakikipag tagisan ang boses ko sa malakas na buhos ng ulan. At pagkatapos nun ay napatingin ako sa kalangitan habang patuloy na dumadampi ang tubig ulan sa aking muka.
"Jaden, Jaden, Jaden!" sunod-sunod kong sigaw na halos mainom ko na ang ulan na bumababa sa aking bibig.
Mga ilang minuto akong nakahandusay sa sahig, ramdam na ng katawan ko ang lamig ng hangin at wala ng parti ng katawan ko ang tuyo sa pagkakataong ito.
Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin na tuluyan na talagang umalis si Jaden. At habang dahan-dahan akong tumatayo ay wala ding humpay ang mga salitang galing sa bibig ko.
"Napaka-ta*nga mo Lyka! Hindi ka talaga nag-iisip. Patay na yung tao tingin mo babalik pa ulit sya? Sinayang mo lang naman yung kakaunting oras na binigay sayo para makasama sya ulit. Ang bobo-bobo mo talaga!" paulit-ulit kong sinasabi yun sa sarili ko hanggang sa tuluyan na akong makatayo.
Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa muka ko at iniayos ang basa kong damit. Pagkaangat ko ng ulo ko ay laking gulat ko sa nakita ko.
"Jaden?" takip-bibig kong ibinulaslas ang pangalan nya at nanaig ang pagkasabik ko sakanya imbis na takot.
Huling naalala ko na lamang ay ang pagkagulat ko ng makita ko sya at ngayon ay nagtataka ako kung paano ako napunta sa ganitong posisyon.
Yakap-yakap ko sya ng mahigpit at hindi ako magkandaugaga sa pag-iyak.
"Totoo nga to! Ikaw nga yan Jaden ko. Nagbalik ka, sabihin mong totoo to mahal ko." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang muka nya hindi pa din makapaniwala.
"Totoo to fye, nagbalik ako dahil nangako ako sayo na hinding-hindi kita iiwan. Naaalala mo yun diba?" tumango lamang ako sa sinabi nya at halos sumabog na sa kasayahan ang dibdib ko.
"Paanong nangyari ito? Hindi ba nama..." hindi na nya ako pinatapos pa sa sasabihin ko at dinampian nya ako sa halik sa labi. Isa itong halik na puno ng pagmamahal. Isang halik na matagal ko ng hinahanap-hanap. Wala na akong paki ngayon kung kaluluwa na lamang sya o kung ano pa sya. Ang tanging nasa isipan ko lamang sa mga oras na ito ay ayoko ng mawalay pa sya ulit sa piling ko.
"Ang saya-saya ko Jaden. Sobrang saya." at niyakap ko ulit sya ng mahigpit. Sobrang higpit na ayoko ng kumalas pa sa pagkakayak ko sakanya. Na baka pag kumalas ako eh bigla na lamang sya maglaho. Ni kurap ng mata ko ay ayokong gawin kung maaari lang, baka kasi sa pagdilat nito ay wala na sya sa paningin ko.
Author's Note:
Jaden is back! and Dead Text is back! Masaya ko pong ibabalita sainyo na ilang chapter na lang ay matatapos na ang story na ito. Actually may ending na sya at nililinis ko na lang yung ibang natitirang chapter, once a week ako mag uupdate hanggang sa makarating tayo sa ending. hihi. Ang layo na din ng kinahinatnan ng story na to at masaya ako na hanggang ngayon ay andyan pa din kayo. Thank you talaga sa mga walang sawa nyong suporta.Anyway, pasensya na sa mga typo ko 😊hihi. all kinds of comments are allowed. And please feel free to vote.
Happy readings!