by: elsipi-are
(Lyka's P.O.V)
Napaka-lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam at para bang lumulutang ako sa sarap ng pakiramdam na iyon. At sumasabay sa pag-ihip ng hangin sa bawat galaw na nagagawa ko.
Naglakad pa muli ako at napunta ako sa isang napakagandang lugar. Isang lugar na napapalibutan ng magagandang bulaklak.
"Hmmmm. Napakabango!" nilanghap ko ang halimuyak na nagmumula rito at ang aliwalas sa mata ng iba't-ibang kulay nito.
Humakbang pa muli ako at napunta na ako sa gitna nito kung saan ay napapalibot na saakin ang mga mababangong bulaklak na iyon.
Nilibot ng mata ko ang kapaligiran at kasabay nun ang pag ngiti ko.
Isang ngiti na masasabi kong ngiti ng kasiyahan at kapayapaan ng isip.
Napapikit ako at dinama ang paligid ko...
*vibrates
Dahan-dahan kong kinapa sa may bulsa ng bag ko ang cellphone ko na patuloy pa din sa pag-vibrate.
*vibrates
*vibrates
*vibrates
At pagkadilat ng mga mata ko ay nagulat ako sa mga nakita ko.
Ang magagandang bulaklak ay nawala na, miski ang amoy nito ay hindi man lang nagpaiwan.
Napalitan ito ng mga pader na matataas.
"Nasaan ba ako?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.
Nang wala akong mahanap na kasagutan sa tanong ko ay naisipan kong maglakad na lamang muli, at baka sakaling marating ko ulit ang magandang lugar na iyon.
Naglakad ako at naglakad ng naglakad ngunit wala pa din akong makita miski na ano. At napansin ko na habang tumatagal ay parang painit ng painit ang nararamdaman ko.
Ang kaninang payapa ay bigla na lamang naglaho at ngayon ay unti-unti na akong pinababalutan ng takot.
Hindi ko alam kung bakit takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong manaig ang saya sa kalooban ko ngunit parang mayroong pumipigil saakin.
Napahinto ako sa paglalakad.
Napansin ko na para bang may mga matang nagmamasid saakin na wari ay pinapanood ako.
"May tao ba dyan?" garalgal na boses kong pagkakasabi.
"Hello?"
"May tao ba dyan?"
Panay ang salita ko ngunit walang sumasagot saakin.
Nagsalita ulit ako, "May tao ba dy....." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang may tumakip sa aking bibig.
"Sino ka?" tanong ko sa sarili ko.
"Ano ang kailangan mo saakin?" pagpupumiglas ko.
"Shhh. Wag kang masyado maingay." isang pamilyar na boses ng lalaki ang nag mula sa likuran ko.
"Tatanggalin ko na yung kamay ko basta promise mo sakin na wag kang maingay ah." at dahan-dahan nga nyang itinanggal ang kamay nya sa pagkakatakip sa bibig ko.
Nang tuluyan na nya itong natanggal ay dahan-dahan ko namang pinihit ang katawan ko paharap sakanya para makita ko sya. Ngunit pagkaharap ko ay bigla na lamang syang tumakbo.
"Saan ka pupunta?" pasigaw kong sabi sakanya.
"Basta sundan mo lang ako." walang alinlangan ko naman syang sinundan sa pagtakbo nya hanggang makarating kami sa isang lugar na sa tingin ko ay napuntahan ko na dati.