by: elsipi-are
flashback
Inilabas ko ang kamay ko sa bintana ng kotse ni Jaden at saka dahan-dahan ko itong iwinagayway.
Ang lamig ng hangin na humahaplos sa muka ko ay nagpapahiwatig na malayo na kami sa lugar na aking kinalakihan.
Bata pa man ako simula ng manirahan kami sa Maynila ay mas nanaisin kong manirahan sa ganitong lugar kung saan ay napaka bango at napaka sariwa ng hangin.
Maraming puno ang madadaanan at panay bahay kubo ang makikitang nakatayo sa kapaligiran.
Napangiti ako habang patuloy sa ginagawa ko ng biglang magsalita si Jaden.
"Nagugustuhan mo na ba dito?" malambing na pagkakasabi nya habang nagmamaneho.
"Sa totoo lang masarap sa pakiramdam dito. Alam mo yun, yung malayo sa magulong buhay sa Maynila." sabay lingon ko sakanya habang patuloy pa din sya sa pagmamaneho.
"So, gusto mo dito na lang tayo tumira?"
"Dito tumira? What do you mean?" nagtataka kong tanong sakanya.
"I mean, sa future...
Kung gusto mo dito,
Dito tayo magpapatayo ng bahay." napangiti ako sa sinabi nya at naisipan kong ibalik ang atensyon ko sa mga punong nadadaanan namin.
"Pakinggan mo to" sabay narinig ko na may pinindot sya at pagkatapos nun ay ang pagtugtog ng isang kanta.
NP: Forevermore by Side A
There are times
When i just want to look at your face
With the stars in the nightIpinikit ko ang mga mata ko at dinama ang bawat lyrics ng kanta.
There are times
When i just want to feel your
embrace
In the cold the night"Kanta ko sayo yan fey" narinig ko ulit na nagsalita si Jaden habang patuloy sa pagtugtog yung kanta.
I just cant believe that you are mine
now"Talaga? Kanta mo sakin yan?" patuloy pa din ako sa pagpikit ko at bigla ko naisipang sabayan yung kanta.
"You were just a dream that i once
knew
I never thought i would be right for
you."
nilakasan ko yung boses ko kaya biglang natawa si Jaden at kasunod nun ay nagtawanan na kaming dalawa.
Ang sarap sa pakiramdam na makita mo ang ngiti ng pinakamamahal mo sa buhay.
Nakakagaan ng pakiramdam at kung maaari lang ay gusto ko na parating ganito na lang kami. Masaya, nagtatawanan, nagmamahalan, nagkakaintindihan,.
Ang pagiging masayahin nya, yung maamo nyang mukha, ang pagiging malambing nya at yung ugali nya na walang katulad ang naging dahilan kung bakit madali kong nakalimutan ang masalimuot na nangyari saakin noon bago pa man magkita ang landas namin.
Napatingin ako sakanya at kitang-kita ko sa mukha nya ang saya. Pero nitong mga nagdaang araw ay napapansin ko na may bumabalot na lungkot sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung anong problema nya pero nakakasigurado ako na hindi tungkol sa relasyon namin ang dahilan ng lungkot sa mga mata nya.
Gusto kong itanong sakanya ang dahilan ng mga ito ngunit sa isang banda ay natatakot ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit.