by: elsipi-are
(Lyka's POV)
Naisipan kong dalhin si Jae sa isang lugar na alam ko na parehas kaming mag-eenjoy. Kung saan lahat ng tao ay makikita mong masaya at nakangiti. Ni walang bahid ng kalungkutan sa lugar na ito at puro hiyawan at tawanan lamang ang maririnig mo.
"Good choice, ang tagal ko na ding hindi nakapunta dito." sabay abot ko sakanya ng ticket para sa ride all you can ng Enchanted Kingdom.
"Buti na lang pala at dito ko naisipang magpasama sayo, mahilig ka din ba sa mga rides?" tanong ko sakanya habang tinitingnan ang ticket na hawak ko.
"Sobrang hilig, palagi nga ko pumupunta dito kasama yung mga kaibigan ko eh."
"Nice." tumango lamang ako at pumasok na kami sa may entrance nito.
Nang makapasok na kami sa loob ay biglang nabaling ang atensyon ko sakanya dahil bigla syang natahimik. Kaya ako na lang ang nagtanong kung saan kami unang mag-ri-rides.
"Anchor's away tayo?" sabay ngiti ko sakanya na halatang excited.
"Sure." matipid nitong sagot at muli akong nagsalita.
"By the way Jae, hindi ako mahilig sumakay sa mga rides na may kinalaman sa heights. May fear of heights kasi ako eh. Pero para sa araw na 'to at dahil ako ang nagdala sayo dito, lahat ng rides na magustuhan mo o kaya lahat ng rides dito sakyan natin. Okay ba yun?" pagpapaliwanag ko.
"You don't have to worry about that. Andito naman ako kung di mo kaya. Dadamayan kita." at ti-nap nya ako sa aking likod.
Pagkarating namin sa harap ng Anchor's Away ay ramdam ko na agad ang lamig ng aking mga palad, kasing lamig nito ang yelo at pinagpapawisan na din ako ng malamig. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isipan ko at ito pa ang unang rides na sasakyan namin.
Kitang-kita ko ang reaskyon ng mga taong nakasakay doon at halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw nila habang umaandar papuntang kaliwa at kanan ang barkong sinasakyan nila. Tumagal ng ilang minuto ang pag-andar nito at nang matapos na ito sa pag galaw ay nakita kong dahan-dahang bumaba ang mga taong lulan nito.
Yung iba ay sobrang lalakas ng tawa at mapapansin na kaibigan nila ang mga kasama nila. Ang iba naman ay halatang hilo at meron pa ngang parang nasusuka pa. Meron ding naiyak at sinasabing hindi na nila uulitin pang sumakay doon.
Pagkababa ng mga tao ay agad naman kaming pinapasok isa-isa. Medyo nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi. Kaya bigla akong napalingon kay Jae.
"Okay lang yan, andito naman ako eh." naramdaman ko bigla ang pagtapik ni Jae sa aking balikat. Ginantihan ko naman sya ng pilit na ngiti at isa-isa na kaming pinapasok sa ride.
Kasalukuyan na kaming nakaupo ni Jae at sinigurado pa nga nya ang bakal na paghahawakan ko kung hindi ba ito matatanggal. At pagkatapos ng ilang segundo ay naramdaman ko na ang unti-unting pag galaw nito.
Nung una ay nagagawa ko pang ngumiti dahil para lamang kaming sanggol na hinihele sa duyan. Ngunit pagkalaunan ay naramdaman ko na ang dahan-dahan nitong pagbilis.
Nawala na ang ngiti sa aking mga labi nang mapunta ang pwesto namin sa may ere kaya biglang nanlaki ang mga mata ko. Nalula ako sa taas nito at pagkatapos nun ay hinila naman ito pababa papunta sa kabilang gilid. Pauli-ulit na ganun ang nangyari kaya naramdaman kong parang naiwan din sa ere ang puso't kaluluwa ko. Hindi ko na mahagilap ang sarili ko kaya bigla na akong nanlambot.
"Isigaw mo kasi, di yung kinikimkim mo dyan sa sarili mo." pagkatapos nyang sabihin yun ay narinig ko ang malakas nyang pagsigaw na para bang sinasabi na gayahin ko ang ginagawa nya.